Chapter 4: Clumsy

1 0 0
                                    

Semi formal na dress ang suot naming ni Apple para sa dinner ng gabing iyon. Nakakmangha ang malaking chandelier sa gitna ng malaking part na ito ng barko. Minsan mapapaisip ka na lang kung paano nagkasya ang lahat ng ito sa loob.

Classic songs are playing as we eat our food. Okay naman yung food, kaya lang medyo matabang. Kulang siya sa white pepper. Although wala akong masasabi sa wine. It's really good.

"Mas masarap pa rin talaga yung luto mo Cams." Sabi ni Apple habang tamad na nginunguya ang pagkain niya.

"Kahit na alam kong mas masarap yung luto ko, (ang yabang diba?) you shouldn't complain. Pagkain yan." I said then sipped a little from my wine glass.

Ilang sandal pa at may lalaking pumunta sa unahan at kinuha ang microphone na nasa stand. Mukhang may spi-speech pa yata.

"Good Evening everyone, sorry for interrupting. I just want to say welcome aboard. This is the first night of our journey and I hope everyone is having fun. We are assuring you that you are all in capable hands. And for those who doesn't know, you are in for a European tour. We'll be visiting France, Italy, Spain, Greece, Austria and ofcourse the United Kingdom. The schedule is located at the brochure that was given to you earlier. Safety procedures incase of emergencies are posted everywhere so please take time to read these reminders. That's all and have good night." Pagkatapos niyang magsalita ay tumuntong sa maliit na stage ang isang babae at kumanta.

"Wise men say, only fools rush in" she started as she slowly swayed.

Lumapit samin ang isang foreigner na nakilala ko bilang si Vince. Niyaya niyang sumayaw si Apple. She looked at me, asking for permission. I just nodded in approval. Iba talaga ang ganda ni Apple. Unang gabi palang 'to and she was able to capture the eyes and probably the heart of that young man.

Tumayo ako at naisip na wala na din naman akong gagawin doon. I decided to go back at the pool area. Hindi ako magswi-swimming ha! Gusto ko lang maramdaman ang lamig ng gabi. Kasing lamig yon ng nararamdaman ko. Charot! Siguro ay kung kagaya pa rin ako ng noon, gugustuhin kong may kasayaw o kayakap man lang sa gabing ito. But then, a lot can change in a year, how much more pa kaya kung two years diba?

Dahan dahan akong naglakad dahil medyo basa pa yung tabi ng pool tapos naka-stilettos pa ako. Ayoko namang mag dive ulit sa pool. It's 11:00 pm at wala ni isang tao ang nandito. I guess I'm the only one crazy enough to think of going here at this time.

"I can't help, falling inlove with you." Kanta ko bigla. I just felt like singing that part of the song.

"You have a good voice." Nabigla ako sa nagsalita kaya nadulas ako at muntik nang mahulog sa pool kung hindi niya lang ako hinigit papalapit sa kanya.

Nag angat ako ng tingin para magpasalamat sana nung namukhaan ko siya. "It's you again." Naiirita kong sabi.

"Yup. And you're the clumsy girl earlier." Inirapan ko siya at lumayo ako ng bahagya. "You know what, you shouldn't be around pools. It's not a safe place for you." Sabi niya at bahagyang tumawa. So natutuwa siya sa nangyari. Ganon?

"Accidents happen when you're around so maybe I shouldn't be around you." I said fluently. Excuse me favourite subject ko ata ang Engish.

"Don't put the blame on me. It's not my fault that you're clumsy." He said trying to explain.

"Whatever." Sabi ko at tumalikod. Binitawan ko na ang kanina ko pa gustong sabihing salita. He wouldn't understand anyway. "Bading."

"Excuse me. Lalaki ako." Oops! My bad! Pero wala akong balak bawiin ang salitang 'yon. Kanina pa siyang nagiinarte. Sinisira niya lang ang araw ko.

"Kung wala lang akong respeto sa babae kanina pa kitang nahalikan. Ang daldal mo." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Hinarap ko siya at walang pagaalinlangang sinigawan.

"If anyone is loquatious it's you. At isa pa hindi ka pogi para basta nalang manghalik okay?" sabi ko at nag walk out doon. Hay nakakstress ang lalaking iyon. Nakikilala ko na siya! Siya yung isa dun sa tatlong lalaki sa kfc last week. Bakit ba kasi nandito siya? Hindi naman sa bawal pero nakakasira kasi siya ng araw.

Pagdating ko sa may pintuan ng kwarto ko ay narinig ko ang papalapit na tawanan. Nang makitang sina Apple at Vince 'yon ay agad akong pumasok. Ayaw ko namang makasira ng moment nila. Hindi ako katulad nung gunggong na yun.

Nagpalit na ako ng pantulog at naglinis ng mukha para maalis ang konting make-up na nilagay ko kanina. Pagka-higa ko sa kama ay naalalako ang mukha nung buwisit na lalaki kanina. Gwapo siya talaga kaya lang may attitude. Nakakainis. Basta naiinis ako sa kanya.

Tuluyan na sana akong matutulog nang sunod sunod at malakas na katok ang dumapo sa pintuan. Pagbukas ko ay dire-diretso ang nakapantulog na ring si Apple sa loob.

"Patulog ha. Tagal na kasi nating di nakakpag sleep over ulit." Energetic niyang sabi na parang wala naman talaga siyang balak matulog.

"Reasons mo ha. Yun ba talaga or magkwe-kwento ka lang ng nangyari kanina?" tanong ko.

"uhm. Both?" sabi niya at nagtatalon sa kama. Parang bata no?

"Okay so kwento na." Sabi ko at pinaupo siya. Mamaya mahulog pa 'to sa kama.

"So ayun sumayaw kami tapos getting to know each other part and everything. I found out na half Filipino pala siya kaya lang mukhang mas malakas ata yung genes ng daddy niya kaya super foreign ng mukha niya. Hindi din siya magaling mag tagalog pero nakakaintindi siya." Tuloy tuloy lang siya sa pagkwe-kwento habang kumukuha ako ng bottled water sa mini ref.

"At oo nga pala. Hinatid niya ako then when we were about to kiss" agad ko siyang pinutol sa pagkagulat.

"About to kiss? Agad? Kakakilala niyo palang ah." I said hysterically.

"Wait nga, let me finish muna. When we were about to kiss, hindi natuloy kasi biglang dumating si Mr. Abs" pinutol ko ulit siya at halatang naiinis na din siya sa kaka-interupt ko sa kwento niya.

"Todo kilig ka sa kakakwento mo sa inyo ni Vince tapos biglang may Mr. Abs agad?"

"Will you listen? Si mr. Abs yung nasa pool area na nabunggo mo dahil sa ka-shungahan. Tumigil siya sa tapat ng kwarto mo at mukhang kakatok ata nung biglang napansin kami. So yun umalis na din siya at tuluyang nasira ang moment naming dalawa." See? Panira talaga siya ng moment. Kaya nga pumasok na agad ako para di maka-istorbo tapos basta nalang siyang papasok sa eksena. Excuse me di pa niya call time no!

"Hayaan mo na yung walang kwentang yun. At isa pa tama lang yun no. Ikaw talaga kakakilala mo palang dun kay Vince ha. Ni hindi mo nga alam kung totoo ba yung mga sinabi niya sa sa'yo kanina."

"Actually na-google ko na siya kanina nung nasa pool area pa tayo. Vince Gabriel Cruz Smith is the name. And based sa research ko ay tumugma ang lahat ng sinabi niya."

"Madali nang gumawa ng fake identity at ilagay sa google no." Sabi ko ng may pagdududa. Sorry for being bitter pero naniniguro lang ako.

"Alam your negative vibes will kill you slowly. Itapon mo na yan sa dagat." Sabi niya at humiga na para makatulog. I dimmed the lights. Hindi naman kasi ako nakakatulog sa total darkness.

I just hope na bukas ay mas maganda ang araw ko. Not like today. Nagawang sirain ng isang tao lang ang araw ko. Stupid brat with magnificent abs.

His White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon