85

342 25 3
                                        

-Narration-

Yeri



Pagkasend ko nung message. Tinawag na kami ng mga stage staffs. This is it. Kami na. Magpeperform na kami.

Napatingin ulit ako sa cellphone ko. Nagbabakasakali ako na magmemessage si Jungkook. Kaso... Wala...

Hinawakan ni Jimin oppa yung kamay ko.

"Tara na." Sabay hila niya sa kamay ko.

"Oppa. Diba pupunta naman si Jungkook? Diba malalate lang siya?" Hindi ko na makontrol yung emosyon ko. "Oppa. Sabihin mo namang tama ako. Di ba?"

Hinawakan ni Jimin oppa yung magkabilang balikat ko tsaka napahinga ng malalim. "Hindi siya pupunta Yeri. Magsosolo performance siya mamaya."

"Bakit? Bakit siya magsosolo?" Wala na akong pake. Wala na akong pake kung mawala man ang make up na nilagay nila unnie sa mukha ko. Dumaloy lang ang mga luha sa pisngi ko. "Galit ba siya sakin oppa? Pero akala ko tapos na ang lahat? Akala ko okay na?"

Napakalma ako nang yakapin ako ni oppa.

Sobra na. Hindi ko alam kung bakit.

"Alam kong may rason si Jungkook. Tiwala lang Yeri." Binitawan na ako ni Jimin oppa.

"Guys! Perform na raw!" Sabi ng stage staff.

Inabutan ako ni Jimin oppa ng pulbo. 'Mag apply ka nyan sa mukha. Pagkatapos mo nyan. Punta ka na sa stage. Kakanta na tayo."

Tumango ako tsaka kinuha yung pulbo.

Pumunta na ng stage si Jimin oppa para tignan kung okay na ba ang lahat.

Pagkatapos kong mag-apply. Pumunta na ako sa stage.

Napakadaming tao.

Bigla akong natakot.

Napatingin ako sa mga audience sa harap. Andun sila Irene unnie. Masaya silang nakatingin sakin. Kitang-kita ko naman ang pagkuha ng litrato sa'kin ni Joy unnie.

Napahinga ako ng malalim.

Mukhang hindi na nga pupunta si Jungkook.

Kinagat ko yung ibabang labi ko. Naiiyak ako.

Pumikit ako.

Sana...

Sana pagbilang ko ng lima. Tataas si Jungkook.

Kapag hindi siya tumaas...

Susukuhan ko na siya.


Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Apat...

Lima...


Pagmulat ko ng mga mata ko...

Wala...

Walang Jungkook ang nagpakita.

Sinenyasan ko na yung mga tutugtog ng instrumento na umpisahan ang intro.

Pero bago pa man mag-umpisa...

"SAGLIT!!!!"

Napatigil ako. Lahat ng audience ay nakatingin lang sa lalaking biglang tumaas ng stage. Nanlaki yung mga mata ko.

H-hindi naman ako nananaginip di ba?

"Jungkook"

Napatingin siya sa'kin. Pagkatapos nun ay kinuha niya yung mic na hawak ni Jimin oppa. Pagkaalis ni Jimin oppa sa stage. Sinimulan na ni Jungkook ang intro.

SEEN || JungRi Fanfic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon