-Narration-
Dali-daling lumabas si Jin sa kwarto nito nang tumunog yung telepono. Agad siyang nagtaka dahil wala namang tumatawag sa telepono nila. Lalo na't alas dies na ng gabi.
Kahit gulung-gulo siya. Sinagot niya pa rin yung tawag. "Hello?"
Halos mabitawan niya yung telepono nang marinig niya yung sinabi ng kausap niya.
Nagpapanic niyang pinuntahan yung iba.
"Anong nangyayari?" Pati sila Rap Monster ay nagpapanic na rin.
Minsan lang kasi nila makitang magpanic si Jin. It is either nasunog yung niluluto niya or may nangyari talagang masama.
"Si Jungkook at V. Dinala sa hospital."
- - -
Sa hospital naman. Panay lang ang iyak ni Yeri. Hindi kasi siya makapaniwala na darating si Jungkook.
Sasaksakin na sana siya ng isang lalaki nang biglang may sumalo. Si Jungkook ang nasasaksak na sana ay si Yeri. Pagkatapos niyang masaksak, Nagawa pa niyang makipagsuntukan sa tatlong lalaki. At nang mapatumba niya ang mga ito. Basta-basta na lang siya bumagsak sa simento.
Agad namang tumawag si Yeri ng ambulansya.
Hindi na kinaya ni Yeri lahat ng nakikita niya. Napakadaming dugo ang nawala sa katawan ni Jungkook. Hindi na rin makamulat si Jungkook dahil sobrang nanghihina na talaga ito.
"Jungkook! Wag ka namang ganyan! Gumising ka nga!" Umiiyak na sabi ni Yeri habang tinatakbo si Jungkook sa Emergency room. "Ang tanga-tanga mo talaga. Bat mo pa ako niligtas. Edi sana ako ang andyan ngayon."
Unti-unti namang ngumiti si Jungkook. Kitang-kita ang paghihirap ni Jungkook. Hirap na hirap na siyang huminga. At lalong hirap na hirap na siyang idilat ang kanyang mga kamay. Yet nagawa niya pa ring magsalita bago pa man maisara ang pinto ng ER.
"I love you so much Yeri." Mga salitang sinabi ni Jungkook na nagpaiyak kay Yeri nang iwan siya ni Jungkook sa labas ng ER.
- - -
Laking tuwa nalang ni Yeri nang makitang dumidilat na si Jungkook. Niyakap niya agad si Jungkook.
"A-aray."
Napabitaw naman agad si Yeri. Mukhang masakit pa yung sugat ni Jungkook na natamo niya.
"A-aray!" Napangiwi siya sa sakit ng pagsuntok ni Yeri sakanya sa kanyang balikat.
"Ang tanga-tanga mo!" Nabigla si Jungkook nang bigla niyang makita si Yeri na umiiyak sa kanyang harapan.
"B-ba't ka-u-umiiyak?" Natatarantang sabi ni Jungkook. Dahan-dahan niyang pinunasan yung mga luha ni Yeri na dumadaloy sa pisngi niya. "Hindi ka dapat umiiyak. Dapat nga masaya ka dahil buhay ako?"
Unti-unting ngumiti si Yeri. Pero napalitan muli ito ng simangot. Di nanaman niya napigilang hindi umiyak. "Bwiset ka. Paano ako hindi iiyak. Tatlong araw kang nakatulog. A-akala ko talaga. M-mawawala ka sa'kin. B-ba't mo pa kasi ako niligtas---"
Napatigil siya sa pagsalita nang yakapin siya ni Jungkook. Niyakap siya nito ng napakahigpit. Pagkatapos nun ay inilapit nito ang mukha niya sa tenga ni Yeri.
"Hindi kita hahayaang mapahamak. Alam mo naman yun di ba?" Huminga siya ng malalim. "Ayoko na kahit na anong sugat ang makikita ko sa katawan mo. Ayokong madaplisan ka pa."
"Bwiset ka talaga!" Imbes na tumawa. Umiyak lang ng umiyak si Yeri. "Sorry kung hindi ako naniwala sayo. Sorry kung nawawalan na ako ng tiwala sayo. Alam mo ba nung mga oras na natutulog ka pa? Ikinuwento na sa'kin ni Jimin oppa lahat. Alam niya na mas maganda kung ikaw mismo ang magsasabi pero sa tingin niya ay iyon na ang oras para malaman ko ang totoo. Para mawala na ang galit ko sa'yo." Niyakap ni Yeri si Jungkook. "Pinapatawad na kita"
"CONGRATULATIONS FOR THE NEW COUPLE!!!" Napatigil agad yung dalawa sa kanilang ginagawa at napatingin kay J-hope na may dala pang dalawang lobo na may nakaprint pang 'Get-well-Soon'
Nagsilooban na rin lahat sa kwarto ni Jungkook.
"Para kang gago J-hope" pambabara agad sakanya ni Suga.
"Mabuti nang gago. Atleast gwapo." Sabay kindat ni J-hope. Napailing nalang silang lahat sa sinabing iyon ni J-hope.
Lumoob naman si Jimin at ang kaholding-hands nito na si Seulgi.
"Edi sila nang may lovelife." Pampaparinig pa ni J-hope.
Siniko naman siya ni Jimin nang makaloob na ito sa kwarto. "Ligawan mo na kasi si Wendy. Pakipot pa kayong dalawa eh." Napangiti na lamang si Jimin nang samaan siya ng tingin ni Seulgi.
Napatigil ang lahat nang biglang may lumoob ulit sa kwarto.
Dahan-dahan lang nilang tinignan si Mina habang palapit siya sa kinaroroonan ni Jungkook.
Nalaman nilang lahat na si Mina ang may kagagawan ng lahat. Siya ang nang-utos sa tatlong lalaking iyon na saksakin sana si Yeri.
"Bwiset kang babae ka! Ang kapal ng mukha mong magpakita pa sa'min pagkatapos ng ginawa mo!!"
Susugurin na sana ni Seulgi si Mina nang harangan ni Yeri si Mina.
"Wag. Wag mong sasaktan si Mina, unnie" Paki-usap ni Yeri kay Seulgi
"Nababaliw ka na ba Yeri? Yang babaeng yan ang muntik nang pumatay kay Jungkook at V. Sure ka ba na hahayaan mong ganun nalang yun?" Galit na galit na sabi ni Seulgi. Napayuko nalang si Mina dahil sa hiya.
Umiling si Yeri. "Hindi unnie. Si Mina ang nagligtas kay Jungkook. Kung hindi dahil kay Mina. Baka wala na si Jungkook ngayon."
"Type A ako." Sabi ni Mina. Nabigla silang lahat nang bigla nalang lumuhod si Mina sa harap nilang lahat. "Alam kong hindi niyo na ako mapapatawad pa sa lahat ng ginawa ko. Pero sana mapatawad niyo ako. Sorry talaga sa lahat." Nagsimulang umiyak si Mina sa harap ng lahat. Walang nagsalita ni isa sakanila. Tinignan ni Mina sila Jimin at Seulgi na magkahawak kamay. "Sorry sa lahat ng ginawa ko sainyo. Sorry kung nilamon ako ng galit ko. Nagawa pang sirain ang relasyon na meron kayo dahil sa kasakiman ko."
Lumapit si Seulgi kay Mina t'saka niya ito niyakap. "Pinapatawad na kita Mina. Wag kang mag-alala. Mahahanap mo rin ang lalaking para sayo."
Pagkatapos ng iyakan na yun. Naging masaya din silang lahat dahil wala ng away-away na magaganap.
Maayos na lahat.
BINABASA MO ANG
SEEN || JungRi Fanfic (COMPLETED)
Cerita PendekBTS Jungkook X RV Yeri Fanfic Epistolary No. 1 Kim Yerim sent you a friend request - - - Yeri: Uy, Mahal na kita 。^‿^。 Seen 12:58 ✔ Started: October 25, 2016 Ended: January 4, 2017