7:46pm
Yeri: O_o
Yeri: M-mahal mo ko?
Seen 7:47pm
Jungkook is typing...
Jungkook: Nung nagchat ka sakin tapos sinabi mong mahal mo na ako. Masaya ako.
Jungkook is typing...
Jungkook: Nung kinukulit mo ako. Natutuwa ako.
Jungkook is typing...
Jungkook: Nung sinabi mong husband material ako. Gusto kong sumigaw. Dahil sa wakas, Napupuri mo na ako.
Jungkook is typing...
Jungkook: Nung nagsend ka sakin ng voice message. Paulit-ulit kong pinipindot yung replay button.
Jungkook is typing...
Jungkook: Nung nagsend ka sakin ng picture. Ginawa ko agad iyon na screen saver. Para hindi ako mahuli nila Jimin hyung.
Jungkook is typing...
Jungkook: Nung sinabi mong sasali ka sa Music club. Nakakabakla mang sabihin pero, Kinikilig ako. Naaalala mo pa ba yung sinabi mo na habang kumakanta ay sayo lang ako nakatingin? Hindi ko kasi maiwasang hindi ka tignan.
Jungkook is typing...
Jungkook: Nung sinabi sakin ni Jimin hyung na nagkasakit ka. Oo na. Ako yun. Ako yung nagluto at bumili ng sangkatutak na mga gamot.
Jungkook is typing...
Jungkook: Nung nagsend si Jimin hyung ng picture mo sa group chat namin. Sobra akong nagselos.
Jungkook is typing...
Jungkook: Nung naglaro tayo ng 3 questions na kailangang masagot not within 5 minutes. Masayang masaya ako dahil andami mong alam tungkol sakin.
Jungkook is typing...
Jungkook: Nung nagkwekwento ka sakin tungkol kay Jimin hyung. Sobra akong nagseselos.
Jungkook is typing...
Jungkook: At nang sabihin mong hindi mo na ako kukulitin. Halos mabasag yung puso ko.
Jungkook is typing...
Jungkook: Namiss kita ng sobra Yeri. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nang gawin mong profile picture yung picture ko.
Jungkook is typing...
Jungkook: At sobrang saya ko dahil hindi mo ako sinusukuan kahit na ang sungit ko sayo...
Jungkook is typing...
Jungkook: Gusto kitang mayakap at mahalikan. Gusto lang kitang titigan buong magdamag. Kaya pagpasensyahan mo na kung nasusungitan kita.
Seen 8:12pm
Yeri: Bakit mo ba ako sinusungitan noon?
Jungkook: Sorry. Kalimutan nalang natin lahat yun. Ne? 😁
Seen 8:15pm
Yeri: (・∀・)
Yeri: Jungkook.
Yeri: Bat ganun?
Yeri: Ang saya saya ko pero may mga luhang pumapatak sa pisngi ko. (;´༎ຶД༎ຶ')
Yeri: Ang tagal kong gustong marinig yan sayo.
Jungkook is typing...
Jungkook: I love you, Kim Yerim.
Yeri: Hindi na ako magsisinungaling sayo. Kinikilig ako ng sobra ngayon. <(‾︶‾)>
Yeri: Gumugulong na ako sa kama ko.
Yeri: _( _^_ )_
Yeri is typing...
Yeri: I love you too, Jeon Jungkook.
![](https://img.wattpad.com/cover/76839300-288-k14772.jpg)
BINABASA MO ANG
SEEN || JungRi Fanfic (COMPLETED)
Short StoryBTS Jungkook X RV Yeri Fanfic Epistolary No. 1 Kim Yerim sent you a friend request - - - Yeri: Uy, Mahal na kita 。^‿^。 Seen 12:58 ✔ Started: October 25, 2016 Ended: January 4, 2017