-Narration-
Yeri
Pagkatapos kong isend yung last message ko kay Jungkook. Tinago ko na yung cellphone ko sa bulsa ko.
Auurrgg!!! Nakakainis talaga yung Kookie na yun. Gusto ko siyang kainin!
First day na first day ng school. Pinalabas agad ako. At dahil yun kay Jungkook.
Bakit kaya niya yun ginawa? Sinadya niya kaya yun?
"Mic check." Napahawak ako sa dibdib ko nang biglang may nagsalita sa speaker ng school.
"Kim Yerim! Alam kong naririnig mo ako." Napatigil ako. Nakikilala ko yung boses...
Jungkook!?
"Hahaha. Kung naririnig mo ako. Please labas ka."
Lumabas nalang ako. Napahawak ako sa bibig ko nang tumingin ako sa stage.
Napakadaming violet balloons dun. Napangiti ako nang makita ko si Jungkook sa itaas ng stage. May hawak itong bouquet.
Nagsilabasan bigla yung mga estudyante sa loob ng school.
Dahan-dahang bumaba si Jungkook sa stage t'saka siya lumapit sa'kin.
Kinindatan niya ako. "Naaalala mo ba 'to Yeri?"
Napangiti ako.
Ganitong-ganito rin yung nangyari nung March. Ganito siya nagpropose sa'kin. Tapos binusted ko lang.
"Alam kong naging duwag ako noon. Alam kong nagalit ka sa'kin. At alam kong nagkamali ako. Pero God knows how much I changed right now. Binago mo ako, Yeri. Tinanggal mo sa'kin ang pagkaduwag ko. I really love you, Yeri."
Nagsitilian lahat ng mga estudyanteng nakapaligid namin. Nakita kong sumenyas si Jungkook sa taong nasa likuran ko. Pagkalingon ko, Sinuntok ko agad si Jungkook.
Bwiset talaga! Kasabwat niya pala yung teacher na nagpalabas sa'kin kanina.
"Kim Yerim, Will you allow me to enter in your life again... For the second time. For real?"
Ngumiti ako. "Ayoko..."
Nabigla lahat ng estudyanteng nakapaligid sa'min. Sumimangot na rin yung itsura niya.
Ngumiti ako. "Ikaw naman! Di mo pa kasi ako pinapatapos eh. Ang sabi ko... Ayoko..."
"Eh.. Ayaw mo eh---"
"...Ayokong mawala ka ulit sa'kin."
Napatigil siya. "A-anong sabi mo?"
Ngumiti ako sakanya. "Oo! Sinasagot na kita!"
Pinalipad na ng mga estudyante yung violet balloons sa ere at niyakap ako ni Jungkook ng napakahigpit.
"Yes!! Kami na ni Yeri!" Masayang sigaw niya habang buhat-buhat niya ako't pinapaikot.
"I love you so much Jungkook."
Ngumiti siya. "I love you too Yeri."
Pagkatapos nun ay naramdaman ko ang paglapat ng labi namin ni Jungkook.
Lahat ng nangyayari sa'kin ay may dahilan.
Siguro, Kaya ako lumipat sa school nila Jimin oppa at nakealam sa problema nila Seulgi unnie ay para makilala ko si Jungkook.
Napakadaming pwedeng mangyari sa buhay natin. Kaya sa lahat ng mga kilos natin ay laging may consequence.
BINABASA MO ANG
SEEN || JungRi Fanfic (COMPLETED)
Short StoryBTS Jungkook X RV Yeri Fanfic Epistolary No. 1 Kim Yerim sent you a friend request - - - Yeri: Uy, Mahal na kita 。^‿^。 Seen 12:58 ✔ Started: October 25, 2016 Ended: January 4, 2017