Chapter 2
Nakahiga si Trent sa sala at napakahimbing ng tulog. Nag antay siguro sa akin to.
Kumuha ako ng kumot sa kwarto at kinumutan siya.
Nang paalis na ako ay napapitlag ako sa kamay na biglang humawak sa akin. Si Trent pala.
"Saan ka galing? Alam mo bang nag alala kami sayo ng husto? Akala pa nila hinigop ka ng anidoro. Wag mo nang gagawin ulit yun ha? Sa susunod magtetext ka kung saan ka pumunta para madali kang mahanap."
Sabay yakap sa akin. Aaahhh. Im so touched. Lol.
"Sorry. Aahh .. Kasi .. Naligaw ako sa mall?"
"Tss. Sige na. Hindi kami galit sayo. Nag alala lang talaga kami. Hindi ka rin namin makontact. Nasaan ba cellphone mo?"
"Nakasilent ee. Naka off pa yung vibrator."
"Sige na. Magpahinga ka na. Maaga pa simba natin bukas."
----------------
Sunday
Galing kami sa simbahan at ngayon ay pauwi na kami.
"Girls, last nyo na bang simba yun?" Sabi ni Blue habang nagmamaneho.
"Ha? Bakit naman?" - Jaze
"Eh siyempre mag-aassassin na kayo tapos ang dami nyo nang pagkakaabalahan nun pati dadami na din kasalanan nyo."
"Haller~ Mas dapat na kaming magsimba nun to lessen our sins. Duh." - Zydria
Oo nga no? Dadami na kasalanan namin nun kasi maaaring makapatay kami. Yaan na. Para rin naman to sa sarili ko.
Nung nakarating na kami sa building, dumeretso kami sa parking lot. Nang makapark na kami, may napansin akong pamilyar na van.
Kris' POV
Nagka POV rin sa wakas! Kating kati na ako magsalita.
Kilala niyo naman na siguro ako. Kris Wu? Kilala niyo yun diba? Hehe. Nag aaral nga pala ako sa MGU. Monteza Gangsters University na all-boy school. EXO ang pangalan ng gang namin. Yeah, we are gangsters. We are composed of 12 members na nahahati sa dalawa. Ang Exo-K at Exo-M. Wala lang trip lang namin na maghati. Lol.
Nasa may basement kami ngayon ng isang building kasama ang buong gang. Naghahanap ng paraan kung paano kami makakapasok. Actually kasama ko ngayon na nakikiusap kay manong guard ay si Kai. Kaso ayaw kaming papasukin ni Manong guard. Sabihan ba naman kami ng "Ay nako ijo. Pasensya na po talaga hindi po talaga kami nagpapapasok ng mga adik dito. Kung hindi nyo maintindihan yon, tatawag na lang po ako ng pulis."
Loko din to ee. Mukha ba kaming adik? Hindi naman namin magawang saktan to. Syempre may awa pa rin naman kami. Chos. Matanda na si Manong ee.
"Tara na nga! Lokong hukluban yun aa! Mukha ba tayong adik?" - Kai
Naalala ko nga pala kung ba't kailangan namin sya hanapin.
Flashback
Nagmamaneho ako ngayon papuntang mall. Hindi kumpleto ang gang kasi kailangang may maiwan para sakaling may manghamon ng away, meron kaming pambato. Papunta kaming mall ngayon para mag grocery.
"Tol, kanina pa sumusunod yang pick-up na yan aa." - Luhan
"Baka naman papunta ring mall?" - Chen
"Di aa. Magkatulad sila ng plate number nung kaaway natin. Yung Boys Republic ba yun?" - Luhan
"Shit! Kris, humanap ka na ng parking tapos lumabas ka ng kotse. Tapos paniguradong susunod yun sayo. Iligaw mo sila sa loob ng mall. Kami naman, mag gogrocery na. Bilisan mo ha. Dito na lang tayo sa van magkita kita." - Suho
BINABASA MO ANG
300 Days of Remembering the Past (kPop edition)
Teen FictionExo, the strongest gangsters. No one can beat them. Not even with love. But the day has come where the past is the one who beat their group. How did that happen? Hello po. Another new story ko po. In na in po dito ang mga k-poppers ^_^ Especially th...