KABANATA VII

3.3K 82 6
                                    


KABANATA VII

_____

WALANG imik na nakamasid si Anya sa kaniyang paligid. Naroroon siya at nakaupo sa loob ng isang conference room ng kaniyang TV Network kasama ang mga kasamahang artista sa pelikula. Nagkaroon nga ng biglaang pagbabago sa produksiyon dulot ng insidente sa ancestral house ng mga Hermoso.


"As I've said, may on-going police investigation sa bahay na 'yon kaya we were forced not to shoot there," anunsuyo ni Direk Larry.


"Is that serious? How about the release date? Ang lapit na no'n, hindi ba?" pabulong na saad ni Thalia sa tabi ni Anya.


Tikom ang bibig na nilingon ni Anya ang kasamahan sa bandang kanan niya. Nagkibit-balikat siya rito bilang pagtugon. Kahit siya ay naguguluhan sa mga nangyayari. May parte sa kaniyang sumasang-ayon na huwag na lamang sa bahay na iyon gawin ang mga eksena. Kung siya ang papipiliin ay hindi na rin niya gugustuhin pang bumalik sa lugar na iyon. Makita pa lamang niya ang bahay ay kung anong kilabot ang rumerehistro sa kaniyang katawan.


Una, ang mainit na pagtatalo nila ni Janis bago ito maaksidente. Pangalawa, ang kaluluwa ng babaeng hindi niya kilala na paulit-ulit niyang nakikita at nararamdaman. Pangatlo, ang bangkay ng tagahanga ni Janis na natagpuan sa likod na lote.


"Ofcourse marami namang ibang pwede d'yan, Thalia. The production team will seriously search for another one," singit ni Benedict.


"Yeah, right, Benedict. My point is sayang naman ang location. I think that's a perfect haunted slash creepy house for the film. I hope the quality of the movie will not be compromised because of the sudden change of the location," ani Thalia.


"Ang mahalaga hindi mapapahamak si Anya."


Tinapunan ni Anya ng tingin ang binata na nakaupo sa kaniyang kaliwa. Naabutan niya itong seryoso ng mukha at magkasiklop ang dalawang kamay sa lamesa.


"Mapapahamak si Anya?" usisa ni Thalia bago pa maisaboses ni Anya kaparehong tanong.


Walang tugon mula kay Benedict.


"What do you mean by that, Benedict? Bakit mo nasabing mapapahamak ako doon?" usisa ni Anya.


Isang malakas na palakpak ang umagaw ng pansin ni Anya, pati na rin ng dalawang kausap.


"So, that's it! Let's call it a night. Magpahinga na kayong lahat at maaga pa tayo sa Bulacan bukas. We have three straight days para makuhanan ang lahat ng eksena kaya be prepared, a'right?" mahabang bilin ni Direk Larry.


"Bulacan po, Direk? I thought we're not going back to that house again?" tanong ni Anya.


Nilingon siya ni Direk Larry. Mababanaag sa mukha ng dalaga ang kuryosidad habang pinagmamasdan ang batikang direktor na nakatayo sa hindi kalayuan.


"Yes, Anya. Sa Bulacan pa rin ngunit sa ibang bayan nakakuha ng bagong location. They have almost the same structures kaya iyon na ang kinuha ko," sagot nito habang papalapit sa kaniya.

A Demon's Child [A Demon's Touch Book 2 Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon