KABANATA V
______
"STILL there, Anya? Pwede ba kong dumalaw d'yan?"Sa puntong iyon nagising sa kanyang pagkakatulala si Anya. Halos kalahating oras na nga niyang kausap si Benedict sa cellphone niya habang nakaupo sa kanyang kama. Kahit pasado ala-una na ng hapon ang oras ay hindi pa rin niya magawang lumabas at kumain. May kung anong mabigat na bagay kasi ang nakadagan sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang isang artikulo ng aksidente kinasangkutan ni Janis.
"Anya?" muling tawag sa kanya ng binata.
"Oh, I'm sorry. May iniisip lang ako. Ano ulit 'yong sinasabi mo?" tanong niya.
Saglit niyang ipinikit ang mga mata at nagpakawala ng malalim na hininga.
"Nag-iinternet ka ba ngayon? Close your laptop, your ipad, everything, Anya. Sinabi ko naman sa'yo huwag mo nang pag-aksayahan ng panahon iyang mga 'yan," ani Benedict sa mababang tinig.
"P-Pero---"
"Hindi mo kasalanan 'yon, okay? Aksidente ang nangyari kay Janis. Hindi naman natin hawak ang kapalaran niya. Oo nga sariwa pa 'yong issue kahapon, pero hindi ata tama na isisi sa'yo ng fans niya 'yong pagkakabangga niya."
"I didn't do anything, Benedict. Hindi ko siya tinulak kahapon. Bigla na lamang siya hinimatay. Kaya walang dahilan para sabihin nilang nastress si Janis sa ginawa ko kaya 'yon nangyari sa kanya. Hindi---"
"I know, Anya. Naniniwala ako sa'yo. Hindi lang ako, marami kami kaya huwag mo nang istress ang sarili mo sa bagay na 'yan. Siguro ipagdasal na lang natin ang kaluluwa ni Janis. She deserves it kahit hindi maganda ang pakikitungo niya sa'yo."
Humugot ng malalim na hininga si Anya. "O-Okay. Thanks, Benedict."
"Para sa'n?"
"For always been here for me. Kayo nila Thalia. Napanood ko kanina 'yung interview sa inyo kanina sa The Spotlight. Thank you for defending me na wala akong kinalaman sa nangyari."
"It's nothing. Sinabi ko na sa 'yo, 'di ba? Hindi ko hahayaan na sirain ka nila. Hindi kita pababayaan. Nasa tabi mo lang ako. Well, literal na nasa tabi mo nga ako kung papayagan mo kong dumalaw d'yan. Pwede mo pa kong mayakap imbes na 'yong binigay kong teddy bear. Ano, Anya?" pabirong sabi ni Benedict.
Natawa naman si Anya sa tinuran ng binata. Kahit papaano tuloy ay naibsan ang kanina lamang ay napakabigat niyang pakiramdam.
"Tumigil ka nga! Sige na, naririnig ko na si Tita Joyce. May pictorial ka pa ata?" Ang manager ng binata na si Joyce Herrera ang tinutukoy niya.
"Ang talas talaga ng pandinig mo. She's ruining the moment. Minsan na nga lang kita makausap nang matagal, oh!" reklamo ni Bemedict sa mababang boses.
Tuluyan na ngang nagpaalam si Anya sa binata. Kahit anong pangungulit sa kanya nito ay hindi na siya nagpapigil sa pagbaba ng telepono. Kahit pa sabihing nasisiyahan at labis na nakakagaan ng kalooban kausap si Benedict lalo na ngayong may ganitong mga issues ay ayaw din naman niyang maistorbo ito. Bukod kasi sa pelikula ay pila-pila rin ang mga endorsement ng binata lalo na ngayong lumalamlam ang career ng karibal nitong si Dex Monasterio.
Lumipas ang mga oras. Kabi-kabilang mga tawag pa ang kaniyang natanggap mula sa pamilya at mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz. Lahat ng mga ito'y nagpapaabot ng suporta. Pinaunlakan naman niya ito at hindi hinayaang mapagod sa pagtawag sa kaniyang telepono. Kahit nga ang officers ng iba't ibang fansclub ay kaniya ring pinaunlakan. Sino nga ba naman siya upang dedmahin ang mga ito? Kung wala ang masugid niyang tagahanga'y wala rin siya sa rurok ng tagumpay na kaniyang tinatamasan.
"Okay. Thank you, Alyssa. Pakisabi na rin sa Anyanatics na salamat sa pag-aalala. I'm okay naman. Thank you for supporting me all way kahit noong nag-uumpisa pa lang ako," pagtatapos niya sa tawag ng isang tagahanga na naging malapit na rin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
A Demon's Child [A Demon's Touch Book 2 Completed]
رعبAng makapanindig-balahibong karanasan ni Lara sa kamay ng isang demonyo'y nagbunga ng isang sanggol. Si Anya. Kaakit-akit ang taglay niyang kagandahan na siyang magiging daan upang makabalik siya sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Kung saan...