KABANATA VI

3.9K 107 8
                                    

KABANATA VI

________

NATULALA sa kaniyang kinatatayuan si Benedict. Parang siyang naestatwa sa tanawing kaagad ding naglaho sa kaniyang harapan. Natauhan lamang siya nang maramdaman niya ang mainit na palad ni Anya na nakahawak sa kaniyang braso.

"Huy! Anong meron? Natulala ka na d'yan?" bungad ng dalaga sa kaniya.

Napadako ang mga mata niya sa kamay ng dalaga na agad din namang binawi ng huli. Kung pangkaraniwang pagkakataon lamang iyon ay aasarin na niya ito, ngunit hindi. Hindi man niya itanggi'y nakaramdam siya ng kakaibang kaba sa dibdib.

"Para kang nakakita ng multo. Namumutla ka pa. Or are you just playing around? Hindi mo ko matatakot," natatawang dagdag ng dalaga nang hindi siya nakakibo.

Isang pilit na ngiti na nauwi sa tawa ang isinukli ni Benedict. Wala sa sariling hinawakan niya sa pulso si Anya at hinila ito palayo sa lugar na iyon.

"W-Wala. Pinapractice ko lang 'yung acting ko para mamaya. Ikaw talaga, ihahatid na nga kita kay Direk at baka maligaw ka."

"Anong maligaw pinagsasasabi mo Azcueta! Ako pa ba maliligaw eh ayan lang si Direk," tawang muli ni Anya. Ni hindi na nito napansin ang magkahawak nilang mga kamay.

"Oo na. Ang kulit mo talaga!" saad na lamang ni Benedict.

Sa isa pang pagkakataon ay muli niyang nilingon ang pinanggalingan nila ng dalaga. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang muling masilayan ang imaheng iyon.

Isang babae. Nakasuot ito ng itim na bestida. Nakalungayngay ang ulo nitong tila basang-basa ng masagana at sariwang dugo. Nakasabit ang leeg nito sa makapal na lubid na nakatali sa puno.

"Diyos ko," usal ni Benedict sa isip.

Hindi pa man siya nakakabawi sa nasaksihan ay halos panlambutan na siya ng mga tuhod nang biglang mag-angat ng paningin sa kaniya ang naturang babae. Diretso ang tingin nito sa kaniya na para bang may nais ipahiwatig.

Kaagad siyang nagbawi ng paningin at mas binilisan ang paglalakad.

"What's happening to you? Tama na 'yan, Benedict, ha? Ouch--"

Doon natauhan si Benedict nang marinig ang impit na reklamo ng dalaga. Saglit na nawaglit sa kaniyang isipan ang kaluluwa na nagpakita sa kaniya.

"Anong nangyari? Anong masakit sa'yo? I'm sorry, Anya," hinging paumanhin niya nang mahuli ang nakarehistrong sakit sa mukha ni Anya.

"May naapakan ata akong matulis, I don't know---"

"Patingin nga. Sorry, hindi ko sinasadya," hinging paumanhin ni Benedict.

Bakas sa mukha niya ang pamumutla at pag-aalala. Wala siyang inaksayang oras at agad na iniluhod ang isang tuhod kahit pa lupa ang kasasadlakan nito. Maagap niyang kinuha ang kaliwang paa ng dalaga. Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang makitang namumula ang maputing paa ni Anya. May kaunting gasgas din ito malapit sa hinalalaki.

"No, no, no. Wala lang 'yan, ano ka ba? Tumayo ka na nga d'yan."

"Sorry talaga, Anya. Sorry for being so careless. Saglit lang kukuha ko ng first aid kit."

"You're overreacting! See, gasgas lang pala. Malayo 'yan sa bituka."

"Hindi lang---"

Naputol ang pag-apela ni Benedict nang lumitaw sa kanilang tabi ang nakahalukipkip na si Direk Larry Abaya.

"Ano na naman 'yan, Benedict? May balak ka na bang magpropose dito sa prinsesa natin, ha? Aba, gawin mo namang romantic! Hindi 'yong sa horror film ka pa nagbabalak!" natatawang wika ng batikang direktor.

A Demon's Child [A Demon's Touch Book 2 Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon