KABANATA XI
--------
ANG nag-aalalang mukha ni Anya ang sumalubong kay Benedict nang makarating siya sa St. Theresa Chapel. Doon nga nakaburol ang mga labi ni Direk Larry Abaya. Tirik na ang araw nang makarating siya roon dahil na rin sa naantala niyang biyahe at pakikipag-usap sa mga traffic enforcer.
"Hindi ba palagi ko sinasabi sa'yong mag-ingat ka sa pagmamaneho!" sita ni Anya sa kaniya sabay hampas sa dibdib niya. Paulit-ulit.
"Hey! Masakit 'yan, ah?"
Nagkunwari naman siyang nasasaktan at hinayaan ang dalaga sa ginagawa nito. Ganoon pa man ay hindi niya mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ito.
"Nakakainis ka kasi! I'm really worried when I heard the news from Pierre. Tapos ngayon ngingiti-ngiti ka lang d'yan!"
Busangot ang mukha nito na mas lalong nagpagaan sa kaniyang pakiramdam. Sa ganitong pagkakataon na nag-aalala sa kaniya si Anya'y labis na nagdiriwang ang kaniyang kalooban.
"I'm just happy."
"Happy for what? That you almost died?"
"Masaya ako kasi nag-aalala ka sa'kin."
"Ofcourse, I care for you. You idiot!"
Mayroon pa sana siyang iduduktong sa sinabi ng dalaga nang mamataan na niya ang paglapit ni Pierre sa kanilang pwesto. Kasalukuyan siyang nakatayo sa gilid ng kaniyang kotse na nasa parking lot. Ilang sasakyan din ng mga malalapit na kaanak, media, at kasamahan sa trabaho ng direktor ang nakahilera roon.
"Lovers quarrel? Sobrang nag-aalala 'yan sa'yo kanina pa," pabirong bungad ni Pierre.
Napailing siya sa salubong ng kaibigan. Ngunit hindi niya naitago ang ngisi sa mga labi nang mahuling pumula ang mga pisngi ni Anya.
"Mauna na ko sa loob. Hahanapin ko lang sina Thalia," paalam ni Anya sa kanilang dalawa.
Mabilis itong tumalikod at naglakad patungo sa chapel kung nasaan nakahilera sa labas ang sandamakdak na bulaklak ng patay. Sinundan niya ito ng tingin. Kaagad niyang napansin ang nag-iisang babae na nakatayo at nakaharap sa bukana nito. Hindi niya kita ang mukha nito sapagkat nakatalikod ito sa kaniyang pwesto. Ngunit ang nasisiguro lamang niya'y maputi ang balat nito na mas lalong tumingkad sa suot nitong itim na bestida.
"Mabuti at gasgas lang inabot nitong kotse mo at walang nangyari ro'n sa muntik mo nang makabanggaan," ani Pierre na para bang hindi niya narinig.
Ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang tumagos ang katawan ni Anya sa babaeng nakaitim.
"Hoy? Nakikinig ka ba?" sambit ni Pierre.
BINABASA MO ANG
A Demon's Child [A Demon's Touch Book 2 Completed]
HorrorAng makapanindig-balahibong karanasan ni Lara sa kamay ng isang demonyo'y nagbunga ng isang sanggol. Si Anya. Kaakit-akit ang taglay niyang kagandahan na siyang magiging daan upang makabalik siya sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Kung saan...