CHAPTER THREE

892 8 0
                                    

RYGEL'S POV

  'Salamat' nahihiya kong sabi

  Unti-unti na kami nagiging malapit ni Royan dumarami na ang pagkakataon na nagkakasama kami, nagiging open na rin kami sa isat-isa at nagkakaroon ng puwang sa aming mga buhay

  'Para saan?' nagtataka niyang tanong

  'Sa lahat lahat, sa pagkakaroon natin ng pagkakataon para maging magkaibigan, yung makilala natin ang isa't isa, sa masasayang bonding, sa lahat lahat na kasama kita' nakayuko kong sagot

  Naramdaman ko ang kaniyang mga kamay tinaas niya ang aking mukha at iniharap sa kanya

  'Ako ang dapat magpasalamat sayo kasi naging masaya ko na  nakilala at nakakasama kita' alam kong namumula ako sapagkat nagiinit ang aking mga pisngi dahil sa sinabi niya

  'Salamat pa rin sa lahat' yon na lang ang aking nasabi dahil pakiramdam ko ay nawawalan ako ng lakas dahil sa kakaibang pakiramdam na naibibigay niya sa akin

  'Walang ano man, ang senti mo naman ngayon' nakangiti niyang sabi

  'Senti agad? parang nagpapasalamat lang senti na agad'

  'Oo na nga po wala na kong sinabi' tapos ay umakbay siya sa akin

  Nakaramdam ako ng kuryente sa pagkakaakbay niya, hanggang ngayon hindi ko parin maipaliwanag kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin

'Bakit natahimik ka?' tanong niya

  'Wala naman may iniisip lang ako'

  Hinarap niya ko sa kanya at tinitigan ako sa aking mga mata, sobrang panatag ng kalooban ko pag siya ang kasama ko pakiramdam ko ay walang ibang pwedeng manakit sa akin pag siya ang nasa tabi ko

  'May problema ka ba? pag kailangan mo ng kaibigan nandito lang ako lagi mo tatandaan na nasa tabi mo lang ako'

  Aaminin ko masaya talaga ko dahil nagkaroon kami ng pagkakataon na maging magkaibigan, makita ko lang siya kompleto na ang araw ko, marinig ko lang ang boses niya napapangiti na ko, at ang mumunting kuryente na dumadaloy sa aking katawan sa tuwing magkakadikit ang aming mga balat

  'Salamat talaga' at binigyan ko siya ng isang malaking ngiti

  'Kanina ka pa pasalamat ng pasalamat diyan baka malunod na ko kapapasalamat mo' natatawa niyang sabi

  Hindi ko parin maipaliwanag kung ano ba ang aking nararamdaman bumibilis ang tibok ng aking puso bumabagal ang mga pangyayari sa aking paligid parang may kung ano sa aking katawan na nagiging dahilan para ako ay maging masaya

  Alam ko na lalaki siya at hindi lang basta lalaki kundi isang lalaking flirt na sobra kung gamitin ang kaniyang kalandian sa mga kababaihan pati nga bakla nilalandi niya kaya ang kawawang bakla bigay lang ng bigay kahit pa pamasahe na lang ang matira sa kanya

  Halos nasa kanya na lahat ng katangian na pinaka ayoko sa isang tao mayabang, flirt, naninigarilyo, umiinom at nagdrodroga, ang alam ko kasi nag mamarijuana siya

  Sa totoo lang drugs talaga ang pinaka ayoko sa lahat kung mabubura ko lang sila sa mundong ito ay ginawa ko na

  Nakulong kasi ang tatay ko dati ng dahil sa drugs at mula noon nahirapan na ang aking mama at ate sa pang araw-araw ng aming pamumuhay kaya mula noon kinamuhian ko na ang drugs kinasusuklaman ko at iniisip na sana ay hindi na lang nagkaroon ng droga sa mundong ito

  Buti na lang at nakalaya din si tatay nagbago na siya dahil alam ko na mahal na mahal niya kami nila mama at ate nakapagtrabaho sa abroad si tatay kaya medyo gumanda at guminhawa ang takbo ng aming pamumuhay

We are TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon