CHAPTER FIVE

542 8 0
                                    

RYGEL'S POV

  Natapos ang b.day ni ate ng sobrang saya syempre nakasama ko na naman kasi si Kambal kaya masaya talaga an araw ko, sobrang takaw niya ang lakas niyang kumain kaya tuwang tuwa si mama sa kanya, pag kasi malakas kumain ang tao ibig sabihin daw ay nagustuhan niya ang luto kaya natuwa si mama sa kanya binusog talaga siya ng sobra ni mama

  Super close na sila ni mama sabi nga niya papuntahin ko daw madalas sa bahay si Kambal para mas makilala pa niya always welcome daw siya dito kaya sobrang saya ko dahil wala kaming naging problema nasusunod ang lahat ayon sa aming mga kagustuhan

  Linggo ngayon kaya makakapag pahinga ako ng maayos masyado kasi akong napagod kagabi kaya babawi ako ngayon ng pahinga, magdamag akong nakahiga sa kama at natutulog lang ako maghapon

  'Rygel bumangon kana muna diyan mananghalian ka muna' utos ni mama

  'Anong oras na po ba?' tanong ko

  'Pasado ala una na bangon na diyan at ng makakain kana'

  Grabe pala ang naging tulog ko bawing bawi ako sa puyat buti na lang sunday ngayon at walang pasok susulitin ko talaga ang pahinga ko ngayong araw

  'Ano po ba ang ulam mama?'

  'Beef steak na maraming sibuyas kaya bumangon kana diyan baka maubusan ka'

  Wow naman paborito ko pa talaga ang ulam ang swerte naman sa akin ng araw na ito

  'Sige po mama maghihilamos lang po ako sandali'

  Ginawa ko muna ang aking mga rituals pagkatapos ay dumiretso na ko sa kusina para kumain ng pulido

  Ginigising lang ako ni mama pag kakain na at after kumain diretso agad ako sa kwarto ko para makapag pahinga ulit, ganito ako palagi pag walang pasok kain tulog lang pero hindi tumataba

  Kapag naman may time ako at sinisipag ay kinukuha ko ang drawing materials ko at iguguhit ang kung ano man ang nasa isip ko

  'Mama kailan mo pala ko ibibili ng mga pintura paubos na po gamit ko'

  Hinahanda ko ngayon ang aking mga drawing materials dahil balak kong magdrawing gusto ko kasing bigyan ng gift si Kambal kaya mageeffort talaga ko para sa kanya

  'Kapag nagpadala papa mo bibilin natin lahat ng kailangan mo basta ilista mo lang lahat para wala akong makalimutan' sagot ni mama

  May talent din ako sa drawing at ang madalas kong iguhit ay mga anime characters minsan naman mga doodles o kaya ay kung ano lang ang pumapasok sa utak ko iyon ang iguguhit ko

  Nalilibang talaga ko kapag nag dra-drawing ako kakaibang saya ang nararamdaman ko kapag nakikita kong maayos ang kinakalabasan ng bawat ginagawa ko, iyon kasi ang isa sa mga nagpapasaya sa akin ang gumuhit dahil isa rin ito sa mga paraan ko kung paano ko nailalabas ang nilalaman ng isip ko at ang aking mga saloobin

  'Anong drawing ba ang ginagawa mo ngayon' pagkuha ni mama sa aking atensyon

  'Young version po namin ni Kambal mama balak ko po kasi siyang bigyan ng regalo'

  'Bakit malapit na ba ang b.day ni Royan?' tanong niya

  'Hindi po mama tanda lang po ng pagkakaibigan namin ang gift na ginagawa ko'

  'Gandahan mo ang gawa para matuwa siya sa ibibigay mo'

  'Oo naman mama ako pa' pagmamalaki ko

  'Mama magpapaalam po pala ko sa inyo aayain ko po si Kambal mamaya magsisimba po kami' paalam ko

   'Ganon ba ok sige ipagdasal nyo rin ako mamaya uh'

We are TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon