CHAPTER NINE

321 6 0
                                    

RYGEL' POV

  Sobrang saya ko talaga dahil nakakasama ko na araw-araw si Kambal at dahil sa bahay siya ngayon nakatira araw-araw na akong nakakasilay sa kanya

  Maaga ko nagising dahil may pasok ako ngayon, pagkamulat ng mga mata ko ay ang taong pinakamamahal ko kaagad ang bumungad sa harapan ko

  'Good morning Kambal ko i love you'

  Kahit tulog siya kinakausap ko siya ganyan ako kaadik sa kanya

  'Rygel nakahanda na ang pagkain kumain kana para makapaligo ka kaagad at may pasok' utos ni mama

  'Sige po mama sandali lang po'

  Kumuha ko ng papel at ballpen gusto ko kasi magiwan ng sulat para kay Kambal

  May cellphone naman kami para maitext ang isa't isa kaya lang iba pa rin talaga pag sulat mas romantic

  Pagkatapos kong gawin ang sulat ko para sa kanya ay lumabas na ako ng kwarto para kumain

  'Good morning mama' bati ko sa kanya

  'Good morning din, si Royan gising na ba?'

  'Tulog pa po mama gigisingin ko na rin po ba siya?'

  'Huwag mo na gisingin natanong ko lang naman, hayaan mo muna siya matulog wala din naman siyang gagawin ngayon'

  'Sige po mama' sagot ko at sinimulan ko ng kumain

  'Good morning' bati ni ate paglabas niya ng kwarto

  'Good morning din po ate'

  'Kumain kana rin dito at may pasok kapa' alok ni mama

  'Yung bisita natin hindi paba gising?' tanong ni ate

  Si Kambal ang tinutukoy niya, hindi naman sa ayaw niya kay Kambal hindi lang siguro siya sanay na may ibang tao sa bahay halos ilang taon din kasi siya nasanay na kaming tatlo lang ang magkakasama sa bahay

  'Tulog pa po ate' sagot ko habang pinagpapatuloy ang aking pagkain

  'Baka nilalanggam na don yon' biro niya

  Medyo nayayamot ako sa mga biro niya at mga sinasabi niya about kay Kambal sana naman masanay na siya na nandito na si Kambal sa bahay

  'Hayaan lang natin siya matulog wala din naman siyang gagawin ng ganito kaaga, pag naman may pagkakataon nakakatulong naman siya dito sa bahay sa ngayon hayaan lang muna natin siya matulog' sabi ni mama

  'Oo nga naman ate tama si mama' pagsangayon ko

  Hindi na siya sumagot, ako naman ay tapos ng kumain kaya bumalik na ako sa kwarto ko para ihanda ang aking mga damit na susuotin

  Pagkatapos ko ihanda ang aking mga gagamitin ay binigyan ko ng mabilisang halik sa labi si Kambal, lalabas na sana ako ng kwarto pero laking gulat ko ng makita ko si ate na nasa may pintuan

  Aaminin ko kinabahan talaga ko baka kasi nakita niya ang paghalik ko kay Kambal

  'Pahiram mo sa akin charger mo' utos niya

  Siguro naman hindi niya yon nakita kasi kung nakita niya yon for sure pagagalitan niya ko

  'Ito na ang charger ate' pagkaabot ko sa kanya ay dumiretso na ako sa banyo para maligo

  Pagkatapos ng mga morning rituals ko ay nagbihis na ako at hinanda ko na rin ang mga gamit na dadalin ko sa school

  'Mama pasok na po ako' paalam ko, hinalikan ko siya sa pisngi at dumiretso na ako sa kanto para magabang ng masasakyan

We are TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon