CHAPTER TWO

1.1K 16 2
                                    

ROYAN'S POV

  Halos lahat lasing lalo na si Ahl, wala naman bago sa kanya basta lasing matindi ang saltik

  Nandito kami ngayon nila Jayrill at Ahl sa plasa at nakatambay, ewan ko ba kung bakit sumama pa ko sa kanila bukod sa lasing na kami ay nakakainip pa

  'Pare nakakainip na dito wala ba tayong ibang mapupuntahan' tanong ko sa dalawa, dahil ako ay tamad na tamad na sa nangyayari

  'Tambay lang muna tayo saglit malay mo may makita tayong mga chicks diba' pamimilit ni Jayrill

  'Ou nga pare malay mo naman may mangyaring maganda ngayon' pagsangayon ni Ahl na sinabayan pa ng tawa

  Wala na kong nagawa kundi ang sumangayon sa kanilang dalawa no choice ulet ako

  Hanggang sa..

  'Ui pare chicks oh' pagturo ni Ahl sa tatlong chicks daw sa kabilang upuaan

  'Nako pare bakla ang mga yan pustahan pa tayo' pagsalungat ni Jayrill

  'Ikaw Royan sa palagay mo ano ang mga yan chicks o chicksilog?' tanong ni Ahl

  Dahil hindi ako interesado sa pinaguusapan nila dahil sa isang malalim na pagiisip ay hindi ko napansin ang pagtatanong ni Ahl kaya nakatikim ako ng batok mula sa kanya

  'Bakit mo ko binatukan?' pasigaw kong tanong at tinaasan siya ng kilay

  'Kasi wala ka sa sarili mo parang hindi ka namin kasama ano ba pinagiiisip mo' pabulyaw niyang sagot

  'Wala pare gawin nyo na lang ang mga gagawin nyo, dito lang muna ko huwag nyo na lang muna ko pansinin' monotonous kong sagot

  Wala naman silang nagawa kundi ang pabayaan na muna ko at nilapitan na lang nila ang mga nasa kabilang upuan habang ako naman ay patuloy sa isang malalim na pagiisip

  Bakit nga ba ko nagiisip o mas magandang tanong ay bakit ko ba siya iniisip

  Hindi mawala sa isip ko si Rygel 'ang kahawig ko daw' the way he act the way he talk ay parang pintura na nagmamarka sa aking isipan, yung maganda niyang mga mata at matangos na ilong bakit ba hindi mawala sa isipan ko

  Well alam ko naman na maganda rin ang mata ko at matangos din ang ilong ko pero ewan ko ba kung bakit parang hindi ko maiwasan na humanga sa kanya

  Aixtz! ano ba nangyayari sa akin kinukulam niya yata ko Tsk!

  Naputol lang ang aking pagiisip ng tumabi sa akin si Jayrill na hindi maipinta ang ngiti sa kanyang mukha

  'Problema mo?' tanong ko sa kanya ng makalapit siya sa aking kinauupuan

  'Diba sabi ko naman sayo may magandang mangyayari ngayon' nakangiti niya parin na sagot

  Tinaasan ko siya ulit ng kilay na para bang nagtatanong, at doon ko lang napansin na wala na si Ahl, saan na naman kaya nagpunta ang mokong na iyon

'Umalis siya kasama nung isang bakla mukhang gagawa ng pera' so bakla pala ang mga yon, sa bagay lahat naman pinapatulan ng mga mokong na ito

  Hndi naman sa nagmamalinis ako pero marunong naman ako pumili, naiwan nga kami ni jayrill na nakatambay sa plasa habang hinihintay namin ang pagbabalik ng aming kaibigan

RYGEL'S POV

  Andito ako ngayon sa aking kwarto habang may malalim na iniisip hindi ko na nga nagawang kumain dahil sa sobrang badtrip

We are TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon