CHAPTER SEVEN

387 5 0
                                    

ROYAN'S POV

  Ginising kami ng maaga ni tita dahil maaga pa lang magsisimula na ang aming trabaho

  'Kain na muna kayo utoy' pinagluto kami ni tita ng canton ang sarap paborito ko yan

  'Damihan mo kain mo Kambal mapapalaban ka mamaya' pananakot niya

  'Kaya ko yan Kambal' paninigurado ko naman

  'Ang yabang mo talaga tignan na lang natin mamaya mapilit ka eh diba sabi mo kaya mo'

  'Oo naman Kambal kayang kaya ko yan'

  Pero sa totoo lang first time pa lang mangyayari sa akin ang mapasok sa ganitong trabaho wala talaga kong kaalam alam at ngayon pa lang ako hahawak ng pala tuturuan naman daw ako sa mga dapat kong gawin kaya medyo easy lang ako kahit ang totoo ay kinakabahan ako ng sobra

  'Huwag ka masyadong magpapakapagod Kambal'

  Kaya love ko si Kambal kasi masyado siyang maaalahanin

  'Ayaw mo ba kong napapagod?'

  'Oo naman Kambal ko'

  Nakaakbay siya sa akin ngayon habang tinutusok tusok ng daliri niya ang dibdib ko

  'Gusto mo ikaw na lang magtrabaho ayaw mo ko napapagod eh'

  Tinanggal niya ang pagkakaakbay niya sa balikat ko at hinampas ako sa braso ng medyo malakas tapos nag walkout na siya pikon talaga si Kambal kahit kailan

  'Wala akong alam sa ganyan' bulyaw niya at pumasok na siya ng kwarto

  Dahil nayayamot na sa akin si Kambal operation paglalambing na naman ang gagawin ko umagang umaga ganito na kami kaagad, yamot lambing yamot walkout habol lambing pakipot lambing pero magbabati rin naman kami sa huli ang sweet talaga namin parang mga ewan lang

  'Nagagalit na naman ang baby love ko tara nga dito hug kita' paglalambing ko

  'Kaaga aga kasi nangyayamot ka' pagmamaktol niya

  Salubong na mga kilay niya yung nguso niya ang tulis at sobra kung magpout para talaga siyang bata

  'Kasi nga cute ka gusto ko kasi umaga pa lang cute kana sa paningin ko' ako naman ang umakbay sa kanya

  'Cute na nayayamot ayoko ng ganon gusto ko pag nakangiti ako doon ako cute' pagpapaliwanag niya

  'Kaya kita niyayamot kasi gusto ko may dahilan ako para lambingin ka araw-araw' hinalikan ko siya ng mabilisan sa pisngi

  Mas lalo siyang naging cute sa pamumula niya para na naman kamatis ang mga pisngi niya ang cute talaga

  Dumating na ang kumpare ni tita at nagsimula na kaming magtrabaho sobrang nakakapagod pala talaga ang maghakot ng buhangin tapos buhos kuha ng simento buhos kuha ng tubig buhos tapos halo ng halo ng halo hanggang sa maging ok na ang texture tapos hakot ulit tapos bigay sa kumpare ni tita ganon ang routine ko hanggang sa huli at sobrang nakakapagod talaga

  'Kambal pawisan kana punasan ko muna pawis mo' ang sweet talaga ng Kambal ko sobrang kinikilig talaga ko

  'Ang sweet naman kaya mahal na mahal ko yang batang nagpupunas ng pawis ko' hinihimas himas ko ang buhok niya habang pinupunasan ako ng pawis

  'I love you more Kambal ko' sagot niya

  Hindi ko talaga pagsasawaan si Rygel Garcia lalo na ang mga i love you niya sa akin at ang i miss you niya hindi ko pagsasawaan kahit kailan

We are TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon