CHAPTER ONE

1.6K 17 0
                                    

ROYAN'S POV

  'Pare tagay mo' sabi ni Ahl siya ang pinaka may sayad sa aming tropa, hindi kami close dati pero ngayon tropa na kami, sila kasi ang pinili ko ng nahati ang clan namin

  Ou tama kayo, may clan kami at dito umiikot ang buhay naming lahat

  'Ayoko na pare' pagtanggi ko sa tagay, nakakahiya man sabihin pero mahina talaga ko sa alak, iba kasi naging bisyo ko sa lugar namin haha xD

  At dahil may saltik nga ang tropa ko wala akong nagawa sa pamimilit niya tumagay parin ako kahit nahihilo na ko no choice eh, basta pag ito ang namilit wala ka talagang magagawa

  'Men yung mga newbies pala magsisi-attend ba ang mga yon?' tanong ko kay Ahl habang b.c. s pagtatagay ng alak

  'Si Jinkz ang katext eh tanong mo sa kanya nakita mong b.c ako eh' sagot ni Ahl habang pinipilit uminom ang iba namin mga members

  Napatingin naman ako sa pwesto ni Jinkz at nakita ko siyang nakikipaglandian sa isa sa mga close ko rin na tropa na si Jandi

  'Hoy ang lalandi nyo mamaya na yan maaga pa' mapang inis kong puna sa dalawa

  Inirapan lang ako ni Jinkz at napangiti lang ng ubod laki si Jandi, ang kulit talaga ng lalaki na ito maka ngiti wagas basta usapang landian

  'Tatanong ko lang sana kung may mga pupunta ba na newbies para naman may makilala tayo na bago' kaagad kong tanong pagkakaupo ko sa upuan na malapit sa kanila,

  Sasagot na sana si Jinkz ng biglang kunin ni Ahl ang aming atensyon

  'Guys andito na pala ang mga bago pakilala na kayo' at nagpakilala na nga kami isa-isa

  'Hi ako nga pala si Royan Pascual co.founder sana maging active kayo at maging mabait sa amin para wala tayong maging problema' pagpapakilala ko sa kanila na sinundan naman ng iba pang mga members

  Napadako ang tingin ko sa tatlong newbies na kadarating lang dalawang babae at isang lalaki for sure magclassmate ang mga yan, hindi ako manghuhula ramdam ko lang, at nagpakilala na nga ang tatlo sa harap ng grupo

  Unang nagpakilala ang dalawang babae, yung medyo payat ay si Mellisa at ang medyo chubby ay si Monique sumunod naman nagpakilala ang kasama nila na lalaki

  'Hi ako nga pala si Rygel Garcia 4th year level at classmate nila Monique at Mellisa' pagpapakilala niya sa harap ng grupo tapos ay nagsiupo na sila sa kanilang mga upuan

  'Royan may hawig sayo si Rygel' biglang singit ni Jinkz habang iniinom ko ang alak

  Muntik ko pa nga maibuga ang iniinom ko dahil sa gulat bigla ba naman magsalita wala man lang pasabi

  'Bakekang ka talaga kahit kailan' tinawanan niya lang ako at bumalik na siya sa kaniyang upuan malapit sa kalandian niyang si Jandi

  Nakipagkamay muna ko sa dalawang babae with matching flirt na rin, ganon talaga ko flirt ako sa grupo kasama ko sa top10 flirt ng clan namin ang dahilan ko kasi gamitin ang itsura bilang advantage sa iba, tama naman diba?

  Pinagmasdan ko naman si Rygel mula ulo hanggang paa, well may itsura siya syempre kamukha ko daw eh hindi naman ako papayag na ang kamukha ko pangit sa gwapo ko na ito

  Hindi ko na nakamayan si Rygel dahil sa pagiisip kung paano ko ba naging kamuka ang mokong na ito, pinagpatuloy ko na lang ang paginom kasama ng mga solido kong tropa

RYGEL'S POV

  Andito kame ngayon ng mga classmate ko sa clan na sinalihan namin, hindi naman talaga ko mapagsali ng clan pinilit lang ako ng dalawa kong classmate kailangan ko daw maglibang para hindi daw ako malungkot kagagaling ko lang kasi sa break up ng mga panahon na iyon

We are TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon