CHAPTER SIX

487 7 0
                                    

  Dahil official na si Royan Pascual at si Rygel Garcia ay susubukan ko ng palawakin ang mga conversation sa story na ito suggestion po yan ni Jinkz matakaw kasi sa convo yan kaya pagbigyan na po natin, sana naman may napakilig kami sa first kiss namin ni Kambal sa chapter five kahit papaano ako kasi super kilig sa kiss na yon sagad sa buto sarap niya kasi humalik :)

^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

RYGEL'S POV

  Sobrang saya ko ngayon dahil nalaman kong mahal din ako ni Kambal hindi maipaliwanag na kaligayahan ang aking nararamdaman, matagal kong pinangarap na mahalin din niya ko katulad ng pagmamahal ko sa kanya kaya hindi ko sasayangin ang pagkakataon na inilaan ng tadhana para sa aming dalawa

  'Kambal maraming salamat sa lahat' binigyan ko siya ng isang mabilisang halik

  Nandito kami ngayon sa kanila hindi na niya ko pinauwi at sa kanila na pinatulog pagkatapos ng inuman kaya gustuhin ko man na halikan siya ng maraming beses ay hindi ko pwedeng gawin dahil kasama namin ang pamilya niya, napagusapan kasi namin na ilihim muna ang aming relasyon dahil hindi pa naman kami handa sa mga consiquence na pwedeng mangyari

  'Ako ang dapat magpasalamat sayo Kambal dahil hindi ka bumitaw sa pagmamahal mo sa akin' binigyan niya rin ako ng isang mabilisang halik na sobrang nagpakilig sa akin

  'Kasi nga alam ko na mamahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal ko sayo kaya hindi ako huminto na mahalin ka' tama nga ang kantang i won't give up at yon ang aking ginawa

  'Lakas ng fighting spirit mo Kambal haha :D' makatawa siya wagas parang wala ng bukas

  'Bakit ayaw mo? pasalamat ka malakas ang fighting spirit ko kung hindi kinalimutan na kita'

  'Hindi mo ko kayang kalimutan  baliw ka sakin eh love na love mo ko diba'

  'Ikaw pala ang may malakas na fighting spirit hindi ako yabang mo talaga kahit kailan mayabang ka' pagbibiro ko

  'Bakit totoo naman uh mahal na mahal mo ko diba' pagmamalaki niya

'Oo na mahal na mahal kita, ako ba Kambal mahal na mahal mo rin ba ko'

  'Oo naman Kambal mahal na mahal din kita, siguro ginayuma mo ko kaya ko naadik sayo'

  'Hoy Kambal hindi ako marunong manggayuma ako nga yata ginayuma mo kaya nainlove ako sayo ginagawa mo pa ko ng usap for your information hindi ako mangkukulam Tse!' tumalikod ako sa kanya para ipakitang nagtatampo ako

  Sa totoo lang mas malakas sa gayuma ang aming pagmamahalan dahil puso ang amin matibay na sandata

  'Pero hindi mo na ko kailangan gayumahin dahil sa halik mo pa lang naiinlove na ko sayo'

  Grabe niya talagang magpakilig sagad sa buto pero syempre hindi ako nagpahalata kunwari nagtatampo pa rin ako, kailangan lambingin niya muna ko bago ko siya harapin

  'Huwag ng magtampo nagbibiro lang naman ako mahal ko harap kana dito bati na tayo' pangungulit niya

  'Ang yabang mo kasi' tapos nagpout ako

  'Nako nagpapacute pa ang mahal kong Kambal, i love you very much Kambal ko mahal na mahal kita'

  'Ako din Kambal sobrang inlove ako sayo dahil mahal na mahal kita' sagot ko sa kanya

  'Sige nga kung love mo talaga ko kiss mo ko dito' tinuro niya ang kanyang mapupulang labi

  'Ayoko nga' pagtanggi ko

We are TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon