Chapter 2.
Mix emotions ang nararamdaman ni Rancy ngayon, galit, pagkapahiya, at pagkalitong dala ng biglang pagsulpot doon ng hindi nya kilala at hindi imbitadong bisita.
Sino kaya ang aroganteng lalaking yun?
Mabilis nyang kinuha ang lukot na papel at binasa.
Mr. Cute,
Hi! Punta ka naman dito. Gusto kitang makilala. Shytype kasi ako eh kaya hindi kita malapitan. I'll leave the front door open, feel free to come in. I heart you Crush <3.
Miss. Curious :)
Inis na umakyat si Rancy sa itaas dala ang lukot na papel.
"Ano na namang kacheapan itong naisip nyo ha?Iwinagayway pa nya sa harap ng tatlo nyang roommates ang papel.
Tila naman napasong bulate na mabilisnag shrink sa malayong sulok ng gilid ang tatlo.
"Pwede ba, hindi kayo mahahawa ng bulutong dahil magaling na ako." Inis na sabi ni Rancy.
"Eh rancy, ang alam ko kasi nagiging contagious ang bulutong pag magaling na" lkas-loob na katwiran ni teresa.
"Kapag pagaling Pa Lang." Pag tatama nya. Halata naman na galit sya. "Kaya nga two weeks akong hindi sumipot dito para hindi ako makahawa sa iba. Besides, hindi bulutong ang issue kundi ito. " Muli nyang iwinagaywag ang papel.
"You mean, may nagdala ng papel na iyan dito?" Tanong ni Beki.
"Oo, at ang nakakapang-gigil, akala niya ako ang gumawa ng sulat na to. "
"Sino sya? Matangkad, gwapo, may dimples, at lean ang muscles?" Hinging Kompirmasyon ni Charina.
"You mean conceited, rude, mayabang, masyadong bilib sa sarili at arogante." Pagtatama ulit ni Rancy.
Napatawa naman ng malakas si Teresa. "Pambihira, sinabi mo ng lahat ng synonyms ng mayabang ah."
"H'wag mkong tawanan." GAlit na sabi nito. "Wala akong kaalam-alam sa kalokohang ginawa nyo, tapos ako pa ang napagbintangang gumAwa nitong sulat na to?!"
"Bakit, ano ba ang sinabi sa'yo ni Mr. Dimples?" Tanong ni Charina.
"Turn-off daw si sa mga babaeng gumagawa ng first move para lang mapansin sya." Inis namang sabi ni Rancy.
"Ay. Hindi sya Rude." Dismayang sabi ni Beki.
"Imagine, even Jayson na campus hearthrob ng T.Del hindi ganon ka rude sa mga babaeng nanliligaw at nagpapapansin sa kanya kahit pa mukhang tukmol ang iba sa mga iyun." Pandidiri pa nya. " To think na wala naman sa kilingkingan ni jayson ang kondeng pinagpapantasyahan nyo." Rancy explained.
(Jayson- Matagal na Crush ni Rancy)
"Grabe ka naman. Mas gwapo naman si Mr. Dimples ng ilang paligo kesa kay Jayson. Duh!" Protesta naman ni teresa,
"True. Ma appeal lang si Jayson pero mas cute si Mr. Dimples." Sabi naman ni Beki.
Nakita naman ni Rancy si Charina na parang may gustong sabihin pero nahihiya lang ito.
"WHAT?!" Tanong nya.
"B-bakit biglang nagkapeklat mukha mo?" Ganting tanong nya. "Bakit kanina, wala naman ang mga yan? At yang mga braso mo, ang dami pala. Ew. "Pag tutuloy nya.
"Mas marami pa nga ang peklat na natatakpan ng damit. Tinambakan ko na nga lang kanina ng foundation ang mukha ko para hindi mahalata. Dahil base sa reaksyon nyo, malamang na hindi ako pinapasok sa Campus kung nakahantad ang mga ito." Rancy explained.
"Wait, wait. Kung nakaharap mo si Dimples, ibig sabihin.. Ganyan ang ayos mo ng makita ka nya?" Nagtatakang tanong ni Charina.
Sa sinabi ni Char, napatingin si Rancy sa malaking salamin na nakasabit sa left side ng dingding. Kahit ilang dipa pa ang layo ay halata pa rin ang mga bakas ng peklat.
AT ang mas nakakadismaya, aninag ng husto sa suot nyang kamison ang nagmamalaki nyang dibdib na bagama't natatakpan ng brassiere ay naghahantad naman sa kanyang malalim na cleavage.
"Yikes! Kaya naman pla ganon ka rude sa iyo si Dimples, pinakitaan mo ng delectable cleavage na tadtad ng peklat ng bulutong." Pangaasar na sabi ni Beki.
Nagtawanan naman ang lahat. "Tama na nga yang pang aasar. Tara, kain na tayo."
At kumain na nga sila. :'>
-
Itutuloy !
Godbless.
BINABASA MO ANG
Ayoko Sa 'Yo, Gwapo Ka Eh! *SLOW UPDATE*
RomanceIt Started with A Letter made By Rancy's Roommates. Just READ it! VOTE AND COMMENT >:D Thank you. ~ Miyazaki <3