chapter 14

18 0 0
                                    

Cris pov.
Nag simula na ang pagpili o mas sabihin nating pag hahanap ng guardian.
Sa pag hahanap ng guardian pinag babasehan dito ang tattoo na dapat magkatulad kayo ng guardian mo after nun may retwal na ginagawa para mapag dugtong kayo like for example nasa panganib ka mararamdaman nya yun and when you die automatic na mawawala yung nag dudugtong sainyo .
Kapag umapak ka sa stage may magic circle dun saka automatic na lalabas ang tattoo mo at ng guardian mo sabay itong iilaw at kilangan nasa loob kayo ng magic circle dun kayo mag kakarugtong . nasabi samin ni hm kong saan nanggaling ang mga guardian sa isang mission daw .
Hindi ko lang alam kong bakit lahat sila o sadyang marami lang ang missiong pinagawa sakanila.

"Ms.shinaya come forward "tawag ni hm pumunta naman ito kaagad sa magic circle
Pag pasok nya don kasabay ng pag ilaw ng dibdib nya at ganun din ang guardian nya .umilaw din ang tattoo nito sa dibdib .kaya umakyat na ito para masimulan ang retwal
Pumikit ang dalawa base sa binubuko ng bibig ni hm bumabanggit ito ng spell .
After humupa ang liwanag bumaba na ang dalawa at nag tungo sa puwesto namin kasama ang guardian nya.

"Landria"ganun din ang nangyari kazo sa wrist namn ang kanya .

"Princess kalyha"sakanya namn sa braso

"Aaron"sa may batok ang kanya

"Red"sa may tagiliran namn ang kanya .sunod na si sky

"Criselda"akala ko hindi pa ako .teka paano si sky diba dapat sya na ang susunod .

"Hoyy tawag kana"nagulat ako ng bigla akong hinila patayo ni shina .kaya nag lakad nako papunta sa stage .pagkaapak ko sa magic circle umiilaw ito ng malakas kasabay ng pag ilaw sa likod ko .tinignan ko kong sino ang guardian ko .pero wala naman .kaya aalis na sana ako ng may umilaw sa kaliwa at kanan ko .

"Wooww"manghang sabi ni hm .ng makitang dalawa ang guardian ko .
Naglakad na silang dalawa .halata ang pagtataka sa mga mukha ng studyante kahit kila dria ganun din.sino nga ba namn ako para maging guardian ang dalawang lalaking to.

"Simulan na natin .mag hawak hawak kayo ng kamay na tatlo .saka sabayan nyo ang babanggitin ko"agad nilang hinawakan ang kamay ko.medyo nailang pako dahil kay sky,ansama ng tingin nito sakin .yung isa naman seryoso lang ang mukha .kaya nag seryoso narin ako.

"Este la tesma te amo"bigkas ni hm

"Este la tesma te amo"sabay sabay naming sabi .umilaw ng malakas ang magic circle kaya pumikit ako dahil hindi ko kaya kong patuloy akong makikipaglaban sa liwanag .
Ng humupa ito agad kaming binati ni hm .pero ramdam kong pinagdududahan na din nya ako .pero hindi ko nalang yun pinansin at bumaba na.tapos narin namn ang summoning kaya pwede ng bumalik sa dorm.mag gagabi narin pati kaya sa resthouse nalang ako ni ate aria mag papalipas ng oras .hindi ko kayang harapin ang mga taong pinagdududahan ako .agad kong tinungo ang gubat .pag karating ko dun agad akong bumulong sa bracelet na binigay ni ate para mateleport ako sa resthouse nya .
Pag karating ko dun umupo agad ako sa sofa ni ate aqua wala sya don kaya naisipan kong puntahan sya .remember may lagusan dito .kaya dun ako dumaan .bubuksan kona sana ang pinto ng marinig kong may mga kausap sya .siguro nasa apat sila.

"Anu ba aqua kilangan na natin syang ihanda ."sabi ng isang boses lalaki

"Baka mabigla ang katawan nya .alam nating lahat na kilangan ibalanse ang bwat kakayahan diba?"
Sabi ni ate aria

"Pero alam din nating posible syang lamunin ng kadilimang taglay nya ."sabi naman ng malamig na tinig ng lalaki

"Tama sy--------"napatigil sila sa pag uusap ng bigla kong nabuksan ang lagusan .lahat ng mga mata nila nasa akin kaya kinabahan ako lalo nasa lalaking napakaseryoso kong tumingin.

"Sino ka lapastangang umistorbo sa pag uusap namin"galit na turan ng lalaking orange ang buhok .saka ako pina ulanan ng apoy wala akong nagawa kundi umilag dahil kong hindi sunog ang abot ko.ng makahanap ako ng teyempo ako naman ang tumira .gumawa ako ng matutulis na ice saka ito tinapon sa kinalalagyan nya .nailagan nya ito saka ako tinapunan ng isang malaking fire ball .gumawa ako ng kasing laki nito g water ball saka ito itinapon din patungo sa fire ball na patungo naman sakin.
Nag salubong ang mga ito at sa lakas ng impact tumalsik kami pareho .sila ate aria nanunuod lang samin
Ng makabawi ito tinapunan nanaman ako nito ng fire ball .buti nakatakbo agad ako kong hindi tusta ako .ng makalapit ako sakanya .ginamit ko naman ang physical strength ko.sinuntok ko sya sa mukha pero nahawakan nya ang kamao ko

"Got you"nakangise nitong turan .ngumise din ako .saka ginamit ang isa kong kamay para isuntok sa mukha and bullseye .

"You forget that i have two hands"nakangise kong sabi saka sya sinipa sa sikmura ng malakas kaya tumalsik sya .sinummon ko ang sword ko saka lumapit sakanya .
Isasaksak kona sana ito sakanya ng may pumigil sakin.

"Wag mong gawin yan.sya si ferro god of fire "seryosong turan ni ate aqua tinignan ko sya sa mata saka ulit tumingin sa lalaki .
Inirapan ko sya saka itinago ang sword ko .tinulungan nilang nakatayo ang lalaki .ako?nakatingin lang sakanila tinignan ako ng lalaki ng masama

"Sino kabang lpastangang bata ka?"galit nitong turan

"Itong lapastangang batang to ang tumalo sayo fire god ."nakangise kong sabi .
Saka naupo sa sofa .
Tumawa naman si ate aqua at si ate aria kaya tinignan ko sila ng masama.

"Hahaha .hindi ko alam na talo ng isang bata ang god of fire"mapang asar na sabi ni ate aria kaya tinignan sya nito ng matalim .

"Shut up "inis nitong turan .

"Anu kaba .wag mo ngang ipamukha kay ferro ang kanyang pagkatalo "nakangiseng sabi ng isa pang lalaki nagtawanan silang tatlo.

"Tama na nga yan.ferro meet criselda OUR child "halos mapanganga si ferro sa nalaman.

"Kaya pala malaks ka.mana ka sakin"mayabang nitong sabi .kaya nibatukan sya ni ate aria

"Anung mana sayo mana satin"masungit na sabi ni ate aria .

"Anu nga palang ginagawa mo dito cris??."baling sakin ni ate aqua

"Kakatapos lang ng guardian summoning namin.i was bored kaya ako andito "bored kong sabi sa mga ito saka pumikit.

"Patingin nga ako ng tattoo mo" sabi naman nung isang lalaki .tinignan ko sya ng masama

"A-anu asan ba kasi tattoo mo bakit parang ayawa mong ipakita"nag aalangan nitong tanong .kaya tumalikod ako sakanila at itinaas ang blouse ko

"Oyy wag ka ditong mag hubad may banyo dun si aqua ohh"sabi naman ni ferro .tinignan ko lang ito ng masama.saka itinaas na ang damit .

"O my god"halos mapasinghap silang lahat ng makita nag tattoo ko.kaya nagtaka ako .anu bang klase ang tattoo ko at gulat na gulat sila.

"B-bakit m-magkaiba sila.ang alam ko puti lang ang kanya "nagtatakang turan ni ate aria .

"Shit.ilan ang guardian mo?"tanong ni ate aqua

"Dalawang lalaki"tipid kong sagot

"Sino ang itim ang tattoo sakanila?"tanung naman ni ferro

"Hindi ko alam bakit?"takang tanung ko dito .

"Damn.nabago ang nasa propesiya "sabi naman nung isang lalaki kaya labis akong nagtaka .what are they talking about?

"Anu ng gagawin natin?hindi natin alam ang kakalabasan ng lahat ng to"nag aalalang tanung ni ate aria.

"Isa lang ang sigurado ko .ang isa sa dalawa ay kadiliman ang kakayahan at ang isa ay liwanag.kilangan nating malamn ang bagong nakasaad sa prophecy"seryosong saad ni ate aqua pagkasabi nya nun agad silang nawala sa harap ko .bastusan iwan daw ba ako.inis akong bumalik sa gubat .
Naupo ako sa bato sa tabi ng falls.nalilito parin ako sa mga nangyayari sa buhay ko.dati hindi naman ganito ka konplikado eeh .pero nagbago simula ng kunin nila si nanay cilda at pumasok kami sa academyang ito. Madami akong nakilala isa nadun ang mga royalties kong kaibigan .oo kaibigan ang turing ko sakanila pero ayaw ko yung ipaalam sakanila dahil alam kong mababang uri lang ako ng tao hindi ako nababagay sa kanilang mga maharlika .

"San ka galing?"napatingin ako sa nag salita sa likod ko

"You dont care"mataray kong turan sakan binalik ang tingin sa falls

"I care because im your guardian"seryoso nitong sabi

"You're my guardian pero hindi moko kayang pagkatiwalaan "malungkot kong turan dito saka tumayo para sana umalis pero hinila nya ako at niyakap

"Im sorry .i didn't mean to accused you.it just that your so mysterious ."nagsusumamo nitong sabi .kaya labis akong nabigla sakanyang sinabi.mag sasalita na sana ako ng may maramdaman akong sakit sa tagiliran ko .tinignan ko ito may punyal na nakatarak doon saka ko tinignan si sky nag iiba na sya ng anyo .hindi sya si sky.

The Girl In The MaskWhere stories live. Discover now