Chapter 10: War To Be Love

2.4K 74 0
                                    


~Daisiree's POV~

            Naghahanda kami ni Nanay ngayon ng hapunan. At nagtaka ako ng di ko makita si Keanu.

     "Sinong hinahanap mo?"- nagulat naman ako ng biglang nagsalita si nanay.

    "Wala nay,"- depensa ko.

    "Sus, wala daw .. Sige na tawagin mo na ang Sir mo!"- panunukso ni Nanay.

        Magdedepensa pa sana ako pero wala na akong nagawa kundi ang hanapin si Keanu. Lumabas ako ng bahay at sinimulang hanapin siya. Pumunta ako sa likod ng bahay namin at nakita ko siyang may kausap sa cellphone niya. Nakatalikod siya kaya plano ko sanang gulatin siya ng di ko sadyang marinig ang usapan nila ng taong nasa telephono .

  
    "Oo na! Sinunuod ko na ang gusto mo! .. Ano pa ang gusto mo? .. Hindi .. Hindi ko mahal si Daisiree .. Hindi talaga ..."

   Parang sinaksak ako ng ilang beses dahil sa sinabi niya. Pero bakit naman ako masasaktan? Di ko naman siya mahal ... Di nga ba?

     "Yes, uuwi na rin ako dyan sa manila .. Yes, babe .. I love you too .. Bye"- ani niya tsaka binaba ang cellphone niya. Naglalakad na sana siya pabalik sa bahay ng makita akong nakatayo sa harap niya.

   "D-daisiree?.. Kanina ka pa?"- utal niyang tanong. Lumapit ako sa kanya.

   "Sakto lang .. Sakto lang na marinig ko lahat ng sinabi mo."- sagot ko sa kanya.

    "Dais .. Mali yung iniisip mo---"

   "Mali? Pano magiging mali yung nadinig ko Kean? Tska kung gusto ng may pag-tripan .. Sorry pero di na ako bata para dyan."- ani ko at tumalikod na sa kanya pero bigla niyang hinawakan ang braso ko. At di ko na napigilan ang sarili ko na sampalin siya.

   "Akala ko iba ka sa kanya .. Akala ko mabuti kang tao .. Pero lahat ng yun akala ko lang pala. "- sumbat ko sa kanya at tatalikod na sana ng may maalala ako.

   "Tsaka umalis ka na din pala. Ayoko ko ng makita yang pagmumukha mo!"- dagdag ko tsaka tumalikod na pero naramdaman ko ang bisig niya sa bewang ko. Niyayakap niya ako patalikod.

  "Please Dais let me explain."- pagmamakaawa niya pero pilit kong kinuha ang kamay niya sa bewang ko.

   "Wag ka ng magpaliwanag pa tska wala ka naman responsibilidad sakin eh .. Wala naman tayong relasyon...."- saad ko tsaka pumasok na sa bahay. Pinunasan ko muna ang luha ko tsaka lumapit kay nanay.

   "Nay .. Di na pala dito kakain si Sir Keanu kasi uuwi na daw po siya nagkaroon po daw ng emergency sa resort niya .. Sige nay akyat muna po ako."- sambit ko tsaka umakyat na sa kwarto ko at di na hinintay ang sagot ni Nanay. Ewan ko ba kung bakit nasaktan ako sa mga sinabi niya. Narinig ko ang pag-andar ng kotse niya na papalayo sa kubo namin.

×××××

     KINABUKASAN...

    Magising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa labas ng bahay. Kay' aga aga nambubulabok na sila!!!!

    Inis akong tumayo at tsaka binuksan ang bintana na kung saan naririnig ko ang ingay sa labas.

    "Ano ba?! Ang aga aga ang iingay nyu!!"- sigaw ko habang nakapitik pa. Minulat ko naman ang mga mata ko ng biglang tumigil ang ingay. Pero nanlaki ang mga mata ko dahil sa akong nakita.

   "Hi pandak"- bati ng lalaking gwapo habang kumakaway. Di maaari to...

   "Asungot?!!!"- sigaw ko at tsaka lumabas ng bahay. At lumapit kay Berto sabay yakap dito. Si berto nga pala guys, ang bestfriend kong mayaman. Haha

Kumalas siya sa pagkakayakap ko sa kanya. "Ano ba pandak! Mag-hilamos ka nga muna!!"- sambit niya sinamaan ko naman siya ng tingin sabay batok dito.

  "Tigilan mo nga ako sa kaartehan mo, Berto!"- sigaw ko sa kanya.

   "It's Albert, dais . Not Berto"- ani niya. Binatukan ko siya ulit.

   "Wag mo nga akong englishin dyan!. Nga pala, bakit ka pala nandito? Anong masamang hangin ang nasinghot mo?"- tanong ko sa kanya.

  "Ah, ayun ba .. Iimbitahan ko sana kayo bukas sa mansion namin."- ani niya. Oo nga pala guys, mayaman pala si Berto este si Albert.

  "Bakit? Anong meron?"- tanong ko sa kanya.

   "Anniversary nina papa at ng kaibigan niyang matalik. Gusto sana namin na lahat ng mga trabahador ng hacienda namin makadalo. "- paliwanag niya.

  Umingay naman ang mga taong nasa paligid namin dahil sa narinig niya. Sumang-ayon silang lahat at wala na akong nagawa kundi sumang-ayon na din.

  "Sino ba yang kaibigan na matalik ng papa mo?"- tanong ko kay Albert.

   "Si Mr. Liprado"- napalunok naman ako dahil sa narinig ko. Hindi... Kapareho lang sila ng alepyido nga g*gong Keanu na yun.

  Pero masama ang kutok ko eh.. "P-pwede ko bang malaman ang buong pangalan ni Mr. L-liprado?"- tanong ko.

   Tumango lang siya. "Ang alam ko ang buong pangalan niya ay si Mr. Keanu Rex Liprado .. Yung may ari ng Rex's Resort dito "- parang binagsakan ako ng langit at lupa. Di to maaari....

××××××

BACHELOR SERIES 1: KEANU REX LIPRADO #HHC18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon