Chapter 33: Missing Dean

1.4K 35 4
                                    


Daisiree

   "K-kinuha nila si Baby D-dean.."- mga katagang nagpatigil sa mundo namin ni Keanu.

   "Close all the exit, Now!!"- dinig kong bulalas ni Keanu. Hindi.. Hindi to maari.

   Tatakbo na sana ako upang hanapin ang anak ko ng may biglang tumigil sakin. Lumingon ako kay Keanu na siyang pumigil sakin.


  "Bitiwa mo ko Kean, please."- hagulgol kong ani at napa upo nalang. Naramdaman ko naman ang mga bisig ni Keanu.

    Dapat nagsasaya kami hindi dapat ganito.

   Tumayo si Keanu matapos niya akong halikan sa noo at mabilis na lumabas ng venue.

  "A-ate.. S-sorry..."- napatingin ako kay Aryan na ngayon nakaluhod sa harapan ko. Umiling lang ako sabay yakap sa kanya.

   "H-hindi.. Hindi mo kasalanan ang nagyari, okay."- ani ko pero umiling lang siya.

  "S-sana h-hindi ko na lang iniwan si Dean para mag cr... Ate, sorry talaga."- sambit ni Aryan sabay hagulgol at yakap sakin.

~~~~~~

  

       Natapos ang araw at nag simula ang bagong araw ng walang pinagbago sa pangyayari. Matapos ang pangyayari, agad na tinapos ni Keanu ang party. At heto ako, tulala habang hinihintay na bumalik si Keanu at Dean.

"Dais.."- natauhan ako nung narinig ko ang boses ni Keanu kaya agad akong lumingon at na dismaya ako nung wala akong makitang baby Dean.

  "S-si Dean.."- ani ko habang lumalapit sa kanya.

  "Dais.."- tawag niya sa pangalan ko at halatang nasasaktan din sa pangyayari.

  "Kean, nasan na ang anak natin?"- luhang tanong ko sa kanya.

  Pero katahimikan lang ang sinagot niya sakin. "K-kean, tinatanong kita!"- bulalas ko habang humahagulgol.

    "Kean.."- ani ko na parang naghihina. Di ko kayang mawala ang anak ko.. Hindi pwede..

BACHELOR SERIES 1: KEANU REX LIPRADO #HHC18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon