Chapter 6: Confronted

2.8K 85 1
                                    

×××××
*Daisiree's POV*

     "What about him?"- ramdam na ramdam ko ang lamig ng boses niya.

    "G-gusto ko lang s-sana siyang m-maka-usap."- na-uutal kong sagot.

  Nagulat ako ng bigla siyang ngumisi. "Nakita mo ba ang babae kanina? Fiancée siya ni Patrick."- malamig niyang saad. Parang tutulo na ang mga luha ko pero pilit ko itong tinatago.

  Tumalikod siya papunta sa upuan niya ng magsalita ako. "Wala akong pakialam kong ikakasal na siya ang importante ang relasyong meron kami!"- giit kong sigaw kasabay ng pagpatak ng mga luha ko.

  Lumingon si Sir Keanu sakin. Ngumisi siya at parang natutuwa sa kanyang nasisilayan. "Desperate woman."- simpleng ani niya tska niya kinuha ang cellphone niya sa kanyang bulsa.

  "Idiot, May gustong kuma-usap sa'yo."

  Mukhang si Patrick ang tinatawagan niya. Agad kong pinunasan ang mga luha ko. Nakatitig lang si Sir Keanu sakin habang pinapakinggan si Patrick.

  "Daisiree .. Okayy"

  Binaba na niya ang cellphone niya tsaka ilagay ulit sa bulsa.

   "Magkita daw kayo mamaya. Sa dating tagpuan niyo daw." - malamig na ani ni Sir keanu at sa sobrang tuwa napayakap ako sa kanya.

  "Yes! Thank you talaga Sir!"- masayang ani ako at bigla akong napatigil ng mag-sink in na nakayakap pala ako kay Sir Keanu.

×××××

*Keanu's POV*

   Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Daisiree kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. What the fvck!? Ano ba ang nagyayari sakin?!!

  Pero bigla siyang napatigil at kumalas sa pagkakayakap sakin.

  "S-sorry Sir.."- nahihiyang sambit ni Daisiree.

  "Don't do it again. At pagtulong ko sayo ay hindi libre at may kapit yun." - malamig kong ani.

  "Ano yung kapit Sir?"- masayang tanong niya.

  "You will be my Secretary."- ani ko.

"S-secretary po Sir?! Nagbibiro po ba kayo?!!"- gulat niyang sambit.

"Mukha ba akong nagbibiro?"- seryoso kong tanong.

  "Sige Sir .. Kailan po ako mag-sisimula?"- tanong niya.

   "Bukas. At kalimutan mo na ang nakita ko kanina."

×××××

*Daisiree's POV*

          Nakaupo ako ngayon sa duyang gawa sa kahoy. Napapangiti ako habang inaalala ang mga panahong magkasama kami ni Patrick at ang malaking puno na nasa aking tabi ang saksi sa aming pag-mamahalan.

-flashback-

    "Kiend!"- napalingon ako sa likod ko at nakita dun ang lalaking pinakamamahal ko.

   "Lex!"- sambit ko sabay takbo kay Patrick o Lex para sakin. Nagyakapan kaming dalawa. Kumalas kami sa pagkakayakap.

  " sorry kung na late ako."- ngumiti lang ako dahil sa ani niya.

  "Okay lang sanay naman ako." -sambit ko na may pag- tatampo. Tumalikod ako sa kanya pero napangiti ako ng yumakap siya sa bewang ko. Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

  "Sorry na. "

  "Ewan."

"Sorry na kiend. Alam ko na di mo ako matitiis. I love you"- napatingin ako sa kanya at nagulat sa mga sinabi niya.

"A-anong sabi mo?"

  "Sabi ko, Mahal Kita .."

  "Waahhh!!! Mahal din kita!"- masayang ani ko sabay yakap ng mahigpit kay Patrick.

-End of Flashback-

  "Daisiree"- napatayo ako sabay lingon sa bandang likod at nakita dun ang lalaking mahal ko.

  "Lex..."- mahinang sambit ko sabay takbo at yakap sa kanya. Pero kinuha niya ang kamay ko na nakayap sa kanya.

  Masakit ang ginawa niya pero ngumiti parin ako. "Saan ka pumunta? Alam mo na nag-aalala ako dito? Parang aata----"

  "Let's stop this."- putol niya.

  "A-ano? A-anong pinagsasabi mo Lex?"- tanong ko kasabay ng pag-patak ng mga luha ko.

  "Itigil na natin to Daisiree. May mahal na akong iba!"- parang sasabog ang mundo ko dahil sa sinabi niya. M-may mahal na siyang iba? Eh pano ako??? Pano kami???

Umiling lang ako. "H-hindi Lex .. Nag-sisinungaling ka lang."- ani ko ..

   "Ano ba Daisiree?!! Di mo ba na-intindihan na may mahal na akong iba at panakip butas lang kita!!"- napaluhod ako sa harap niya.

  "Please Lex . Wag mo akong iwan."- pagmamakaawa ko.

  "Sorry."- saad niya sabay talikod at naiwan akong nakaluhod sa lupa. Humagulgul ako kasabay ng malakas na ulan. Wow! Ganda ng timing.

  Nakaluhod lang ako dun at parang gusto ko nalang mamatay sa sobrang sakit ng nararamdam ko ngayon. Pero napatigil ako ng may parang pumayong sakin. Napatingin ako sa itaas at nakita dun ang lalaking di ko inaasahan.

  "Get up."- ikli niyang saad. Pero wala akong lakas tumayo.

  Nagulat ako ng bigla niya akong buhatin. Kaya napakapit ako sa leeg niya ng wala sa oras. Nakahiya naman to. Binitawan niya ang payong at dalawa kami ngayon ang basa.

  "You're so stupid to please my Idiot brother." -malamig na sambit ni Sir keanu. Buhat-buhat ako habang papunta sa kotse niya. Di nako sumagot at sinandal nalang ang ulo ko sa matitigas na dibdib ni Sir Keanu.

×××××

BACHELOR SERIES 1: KEANU REX LIPRADO #HHC18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon