Chapter 19: Danger

2K 46 0
                                    


*Daisiree's POV*

Nakaupo kami ngayon ni Keanu sa waiting area ng OB namin ng makaramdam ako ng parang iihi ako.

"Powder room lang ako."- pahayag ko.

Tumango siya at tumayo. "Ako nalang Kean."- ani ko habang hinahawakan ang braso niya.

"Are you sure?"- alalang taming niya. Tsk! OA niya hah pero infairness kinilig ako dun. Hahaha

Tumango lang ako sa kanya. Bumalik siya sa kanyang upuan. "Be safe, okay?"- saad niya ngumiti lang tska tumango.

Tinatahak ko ang hallway papunta sa powder room ng may nabunggo akong babae dahilan para malaglag ang mga gamit niya. Tinulungan ko siyang pulotin ito.

"Sorry."- saad ko habang tinutulungan siya.

"It's okay."- ani niya at tumayo na kami dahil napulot na namin lahat ng mga gamit niya. Napatingin ako sa mga mukha niya. Wait? Pamilyar tong babaeng to ah!

Ngumisi siya. "I need to go, Miss and I'm sorry."- pahayag niya tska tumalikod sakin. Sinundan ko siya ng tingin hanggang lumiko siya.

Pamilyar talaga siya.. Saan ko nga siya nakita.. Hays! Sumasakit ang ulo ko kakaisip. Umiling lang ako tsaka pinagpatuloy ang paglalakad ng may mapansin akong puting bagay sa sahig.

Pinulot ko ito tska tiningnan. Envelope? Baka nahulog ito ng babae pero wait...

"Daisiree.."- basa ko sa nakasulat sa itaas ng puting envelope. Para ba sakin to? Binuksan ko ito at binasa.

Parang matutumba ako sa kinatatayuan ko sa aking nabasa. At naramdaman ko nalang ang tubig na dumadaloy na pala sa mga pisngi ko kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Dais.."

Narinig ko ang boses ni Keanu. Hinawakan niya ang mga balikat ko. "Sh*t! Why are you crying?"- takang tanong nito.

Parang di ko kayang magsalita. "Dais..!"- tarantang tawag ni Keanu sakin pero luha lang naiisagot ko sa kanya. Nakita niya ang papel na hawak ko kaya agad niyang kinuha ito at binasa.

"Shit!"- bulalas na lang niya at agad may kinausap sa kanyang telepono.

"Let's go!"- agad akong inalalayan ni Keanu palabas ng Hospital.

Agad niya akong sinakay sa kotse niya.

"K-kean.. Natatakot ako.."- na-uutal kong saad. Hinawakan ni Keanu ang pisngi ko.

"Shhh.. Stop crying at wag kang matakot nandito lang ako.. And I will fix this, okay?"- alalang pahayag nito sabay halik sa noo ko.

Tumango lang ako bilang sagot kahit naguguluhan at natatakot sa pangyayari. Sino ba naman ang hindi matatakot kung may gustong pumatay sayo. Kahit isang simple treat lang yun. Natatakot parin ako para samin ng anak ko.


Pinaandar na ni Keanu ang kotse niya at may kausap parin ito sa telepono.


Napatigil ako sa pag-iisip ng hawakan ni Keanu ang kamay ko. "Stop over thinking Dais.. Makakasama lang yan sa baby natin.."- alalang pahayag niya.

"D-di ko mapigilan Kean.. Ayokong mamatay.. Ayokong mawala ang baby natin... Ikaw.."- takot kong ani.

"I will never leave you, Dais. Beacause you're my life now.. And I can't live without you."- seryosong sambit nito. Nabawasan ng kaunti ang kaba sa dibdib ko.

Bakit ba nangyayari to? Gusto ko lang naman ng buong pamilya ah pero bakit ang hirap natubad yun.

~~~~~~~

Update time! Kasi may wifi sa bahay hahaha. At sorry po sa mga typos at wrong grammar ko hah! Cellphone lang po kasi ang ginagamit ko at di magaling sa english men. At salamat pala sa mga vote niyu at pag a-add ng story ko sa reading list nyu. Hihi. Lub'yall! Saranghae!

BACHELOR SERIES 1: KEANU REX LIPRADO #HHC18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon