Chapter 36: Feelings

1.4K 42 0
                                    


Daisiree

        Tulala akong nakaupo sa isang sulok habang si Keanu nagpa-plano kung paano hahanapin si Akali at Steel.

     Matapos silang mag-meeting lumapit si Keanu sakin. Hinawakan niya ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya.

   "Gusto mo bang umuwi muna?"- mahinang ani ni Keanu pero umiling lang ako.

   "Ayoko. Kean, bakit hindi pa tayo pwedeng tumawag sa mga pulis."- iyak kong sambit.

  "Hindi na natin sila kailangan. Kaya kong hanapin sila."- tigas niyang pahayag.

   Nalaman namin na nakatulog lahat ng mga tauhan ni Keanu na nagbabantay sa bahay sinabi nila na may na amoy daw silang nakakahilo dahilan para mawalan sila ng malay. Sadyang napakatalino ng taong kumuha sa mga anak ko.

   Pero sa di sadya may naalala. "Kean, pwede ba akong magtanong?"- tanong ko dito.

  "What is it."- ikling ani nito.

   Napalunok muna ako. "S-si Velvet ba yung kinausap mo sa telepono nung nasa kina-nanay tayo noon?"- tanong ko kasabay nagpagtibok ng puso ko.

    Nakita kong naghina si Keanu at napayuko. "Yes."- parang nadurog ang puso ko sa sagot niya.

   "P-pero hindi ko na siya mahal at d-dahil lang sa sinabi niyang may anak kami at alam kong hindi ko yun anak dahil ang daming lalaki ni Velvet."- paliwanag niya.

   "K-kean.."- di ko alam kung bakit nawawalan na ako ng mga salita.

  Tumingin siya sa mga mata ko at hinawakan ang pisngi ko. "A-alam mo ba nung nalaman kong buntis ka at ako ang ama.. Sobrang saya ko dahil hindi ka na nila maaagaw sakin at mananatili ka lang sa tabi kahit alam ko naman na ang sa una pa lang ang puso mo nasa kapatid ko na... At kahit wala ka sa plano ng buhay ko nagawa mo paring kumuha ng parte ito.. Ito sa puso ko."- mahaba niyang ani.

   "I love you Dais.. I really really do."- parang lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko.

   "Mahal din kita Kean.."- tugon ko at napapikit nalang ng unti-unting lumapit ang mga labi ni Keanu sa mga labi ko. Isang maikling halik lamang iyun.

    "Hahanapin natin sila at bubuo tayo ng isang masayang pamilya."- ngumiti ako at napatango bilang pagsang-ayon dito.

   Matatapos din lahat ng ito... Matatapos din to...

~~~~~~

BACHELOR SERIES 1: KEANU REX LIPRADO #HHC18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon