Chapter 12: See You Again

2.3K 62 0
                                    


*Daisiree's POV*

Lumabas ako ng hacienda nina Albert. Ang sama kasi ng hangin sa loob kaya sasagap muna ako ng sariwang hangin.

Pero napatigil ako ng makaramdam ako ng hilo at parang nasusuka ako. Kaya dali dali akong sumuka sa gilid ng daan. Siguro sa kinain ko kanina. Pinunasan ko naman agad ang bibig ko.

"Daisiree?"- napalingon ako sa gilid ko at natigil ako dahil sa aking nakita.

"K-keanu.."- ani ko at tatangka na sana siyang lalapit sakin pero pinigilan ko siya.

"A-anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa tabi ka ng girlfriend mo."- sambit ko at wala akong pake kahit tunog bitter yun!

"Are you okay?"- tanong niya tska humakbang palapit umatras naman ako.

"Ano ba Keanu! Wag mong sagutin ng tanong ang tanong ko!"- singhal ko sa kanya.

Nakita ko naman ang pagkabigla niya. "Uulitin ko ang tanong. Ano ang ginagawa mo dito?"- diin kong tanong sa kanya.

Huminga siya ng malalim. "Okay, sinundan kita. "- sagot niya.

Ngumisi naman ako dahil sa sinabi niya. "Oh? Bakit mo naman ako sinusundan? Tao ka hindi aso"- ani ko.

"Magpapaliwanag pa ako sayo kaya kita sinundan. At kung aso ang tawag sa taong sinusundan ang taong bumubuhay sa mundo niya. Okay, aso na ako "- napatigil ako dahil sa mga sinabi niya at kasabay nun ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Peste ka talaga puso!

"W-wala kanang dapat pang ipaliwanag Keanu. Hindi mo ko girlfriend kaya wag mo ng sayangin ang laway at pawis mo sakin."- sambit ko tsaka ng simula ng maglakad pabalik ng hacienda. Nilampasan ko na si Keanu ng bigla siyang magsalita.

"I like you Daisiree ... No, i think i'm fallen inlove with you"- napatigil ako dahil sa sinabi niya. Nilingon ko siya at bumungad agad sakin ang mukha ni Keanu na malungkot at nasasaktan.

"Wag na tayong maglokohan pa Keanu. May girlfriend kana kaya wag mo na akong paasahin pa mga salita mo."- malamig kong sambit.

Tumalikod ulit ako at magsisimula na sanang maglakad ulit ng maramdaman ko ang mga kamay niya sa bewang ko.

"No Daisiree .. Please give me another chance .. Please.."- pagmamakaawa niya at bakas sa boses niya na umiiyak siya.

Pilit kong kinukuha ang mga kamay niya sa bewang ko. "B-bitawan mo ako Keanu .."- malamig kong ani.

"N-no Daisiree .. Wag mo kong bitawan agad .. "- pagmamakaawa niya.

"H-hindi mo ako mahal Keanu. Nang nakaraan lang tayo ng kakilala!"- singhal ko sa kanya habang pinipilit na tanggalin ang kamay niya sa bewang ko.

"No Daisiree .. Mahal kita at yun ang sigurado ako .. At wala akong pakialam kung nung nakaraan lang tayo ng kita!"- ani niya habang niyayakap parin ako mula sa likod.

"Keanu ano ba! Ano ngayon kong mahal mo ko .. H-hindi kita m-mahal .."- parang sasabog ang puso ko habang sinasambit ang mga salita ko.

"Bitawan mo ko Keanu!"- singhal ko ulit pero parang bingi lang si Keanu.


"Plss Keanu .. Bitawan mo na ako dahil ayokong napapalapit at nakikita kita dahil naaalala ko kung ga..."-

Di ko na natapos ang pagsasalita ko dahil biglang himiwalay si Keanu sakin.

"Okay, kung yan ang gusto mo. Di na ako magpapakita sayo. Susundin ko ang sasabihin mo hindi dahil sumusuko na ako kundi dahil .. Mahal kita Daisiree .."- sambit niya tsaka humarap sakin. Hinawakan niya ang pisngi ko tsaka mabilis akong hinalikan sa labi ko sabay talikod na.

"...kung gaano ako naging tanga sayo .. Keanu..."- dagdag ko kasabay na pagpatak ng mga luha ko habang tinatanaw si Keanu na umaalis ...

×××××

BACHELOR SERIES 1: KEANU REX LIPRADO #HHC18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon