Chapter 14: truth

2.2K 63 2
                                    


Author's Note:

Hi sa mga nilalang nagbabasa nito! Hihi pasensya na kung ngayon lang nakapag-UD. At maraming salamat sa mga nag-Vote at nag-add ng story ko sa reading list nila!!! Love you guys to the moon and back!! Hihi

Keep on voting :) I really appreciate it.

Daisiree's POV

"Nahihilo na ako sayo Dais."- di ko inintindi ang pagrereklamo ni Frutas. Bumuntong hininga ako tsaka napa-upo sa tabi ni Frutas.

"Ano bang problema mo?"- takang tanong ni Frutas. Anong problema ko?!! Ang laki!!!

"Tsk!!"- sagot ko nalang.

"Gusto mo bang malaman kung sino ang ama ng inaanak mo?"- napabalikwas naman si Frutas sa kina-uupuan niya.

"Sino?!"- tanong niya at kitang kita sa mga mata niya ang excitement.

"Si--"

*rriiinngggg*

Nagulat kami ng biglang mag-ring ang phone ni Frutas.

"Ang wrong timing talaga nino! Hello!"- inis niyang sagot sa taong tumawag pero biglang nag-iba ang mukha ni Frutas.

"S-s-sir K-keanu"- nanlaki ang mga mata ko ng malaman kung sino ang tumatawag kay Frutas.

"S-sorry po s-sir .. Opo .. Sige po hihihi .. Bye po"- parang binagsakan ng langit at lupa ang itsura ni Frutas.

"Anong sabi?"- tanong ko sa kanya.

"Kailangan kong pumunta sa resort ngayon din."- saad nito.

Hmm may na-isip ako. Hihi

"Pwede bang sumama?"- tanong ko sa kanya na napakunot ng noo niya.

"Ano naman ang gagawin mo dun?"- takang tanong nito tska pumasok sa kwarto niya.

"W-wala g-gusto k-ko lang mamasyal"- pagsisinungaling ko. Ang totoo kasi parang gusto kong makita si Keanu na ewan. Hayyy!!

"Sabihin mo muna sakin kung sino ang ama ng inaanak mo at isasama kita."- sambit nito habang inaayos ang kanyang uniform.

"Sige ba, mamaya"- ani ko.

Ngumiti naman siya.

~~~~~~~~~~~~

Nakaupo lang ako sa isang upo ng shop nina Frutas na nasa labas kaya kitang kita ang magandang tanawin.

Hayyyy! Ang boring naman nito! Si Frutas kasi busy. Ang dami nilang costumer. Kaya napagdesisyunan kong maglakad lakad muna sa tabing dagat.

Habang naglalakad ako hinaplos haplos ko ang tyan ko. Sorry baby kung hindi kami magkasama ng papa mo hah hayyy gusto mo mang sabihin sa kanya na mahal ko siya pero....

"Dais?"- napalingon ako sa likuran ko kung saan ng gagaling ang boses.

Napalunok ako sa aking nakita. "Pat.."- parang tutulo ang luha ko sa kinatatayuan ko.

"Dais, ikaw nga! Haha akala ko namamalikmata lang ako!"- ani niya habang nakangiti. Gosshh!! Bakit ang gwapo parin niya!

Nakita kong napatingin siya sa tyan ko kaya napahawak ako dito. "Buntis ka?"- tanong niya tumango lang ako bilang sagot. Ang bobo naman nitong lalaking to! Natural! Alangang nakalunok ang nang bola!

"Patrick"

Napatingin kami ni Patrick sa bandang gilid at dun namin nakita si Keanu.

"Kuya"- tawag ni Patrick kay Keanu.

"Kanina ka ba hinahanap ni Tita Vic"- ani ni Keanu habang nasa bulsa ang kanyang mga kamay.

"Okay"- napatingin ulit sakin si Partick. "Nice to see you again Dais"-nakangiting sambit nito at nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa pisngi tsaka tumalikod na.

Nasa proceso palang ako ng pagka-shock ng biglang magsalita si Keanu. "So, Si Patrick parin pala?"- kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Ano naman ang ibig mong sabihin?"- tanong ko sa kanya at may naramdaman ang kirot sa bandang tyan ko kaya napahawak ako dito perk di ko pinahalata kay Keanu.

"Nothing."- malamig niyang saad tska tumalikod lang.

"Ahh!"- daing ko ng biglang sumakit ang tyan ko.

"Dais? Are you okay?"- lumapit naman si Keanu sakin.

Napahawak lang ako sa balikat niya dahil parang matutumba ako.

Naramdaman kong parang may umaagos sa hita ko. Hinawakan ko ang bandang hita ko upang tingnan at nakita dun ang dugo.

"Shit!"-rinig kong mura ni Keanu tska ako binuhat na parang bagong kasal.

"Shh stop crying Dais"- ani ni Keanu habang tumatakbo buhat-buhat ko. Kitang kita ko ang taka sa mga mukha ng mga tao sa resort.

"K-keanu .. a-ang .. b-baby ... natin..."- mahinang sambit ko at agad nawalan ng malay.

~~~~~~~~~~~

BACHELOR SERIES 1: KEANU REX LIPRADO #HHC18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon