The Rivalry

2K 61 0
                                    

"Relationship is not based on the length of time you spent together, it based on the foundation you built together."

(Ivan POV)

Iniwan ko na siyang nakahiga sa kama ko baka kasi mahuli pa ako sa klase. I already cooked his breakfast.

                Kakapasok ko lang nang makasalubong ko si Ced. He smile, pero nilagpasan ko lang siya. Nahihiya kasi ako sa nangyari kagabi. Ewan parang wala akong lakas ng loob na kausapin siya. Pumunta muna akong c.r. Para mag ayos. Lumabas rin ako kaagad baka mamaya andoon na ang kinatatakutan kong professor.

Well speaking of professor. Muntik na nga ako. Buti nalang huminto siya dahil may tumawag sa kanya na kapwa instructor.

 
       "Hayst muntikan na yun ah" bulong ko. Agad akong umupo sa upuan ko. Agad naman nakapasok ang prof namin sa Literature.

      " our class will going to perform ASEAN folkdances.  I want you to perform unique and creative dance" bungad ng prof namin.  Ano namang sayaw kaya ang gagawin namin. Tsk!! Ubod ng arte.. Habang tumitingin sa labas..wala ako sa mood makinig sa mga ganyan.

"You Mr. Alonzo, because you're not paying attention to what I have discussing earlier, I will prefer you to be the leader of folkdance. Dont disappoint me Mr. Alonzo or else you will get lower grade with this subject." Taas kilay na nakatingin sa'kin. Pati mga bruha kong kaklase kong makatingin..wagas. Akala mo naman maggaling sumayaw.

   "Opo sir". Pagsang-ayon ko nalang.  Para namang marunong akong sumayaw.. Jusko!! Gabayan mo sana ako..

   "You'll going to dance a Thailand folkdance." Pahabol pa nito..

"Yes sir." Mahina kong sagot. Tama lang na marinig niya.

"Choose your member, minimum of three and maximum of seven." Litanya niya na dinadubsmash ko pa.

"Sayo nakasalalay ang grado ng seksyon niyo. Kaya do your very very best." Tinanguan ko lang ito.

           Agad namang tumayo ang kaklase ko na babae. "Sir I want to join Ivan." Siya yung nakita ko nung nakaraang mga araw na sumasayaw sa Stage. In fairness ang galing niya. Kaya parang lumiwanag ang awra ko.

    "Okay miss De Jesus.." Pagsang ayon naman ni sir. May dalawa pa na nirekomenda si Kim De Jesus.. Ang gaganda nilang tatlo. Pero syempre mas Maganda ako. Sus! San banda.author Yari ka sakin babatukan kita mga sampu.

          "You have 1 week to practice. Dont worry, I will excuse the four of you to the other professor."

"What?... One week, are you kidding me right." Sabi ko bigla kay sir. Ni wala pa nga kaming tugtog at costume.

        "Yes mr. alonzo, one week.." Sir tama na ang tawag ng MR. Di po bagay...mas bagay dapat pag Miss alonzo. 

   Pagkatapos niyang magdaldal tunkol sa gagawin namin. Ay nagturo na siya.
Mabilis lang dumaan ang oras. Lunch break na.

Hinintay ko munang makalabas ang lahat ng kaklase ko bago ako lumabas. Nagulat nalang ako ng makita ko si Jeff sa labas ng Room namin.

"Buti naman at pumasok ka." Sabi ko at nilagpasan lang ito. Pero hinila niya ako sa braso. " nagtext si mommy na daanan daw niya tayo." Pagpacute pa nito. Kaya pala pumasok ang loko. Takot mahuli ni tita na di pumapasok.

"San daw tayo pupunta? May pasok pa ako ng 2:00 pm." Tanong ko ulit sa kanya.

"Hindi ko alam." Pagsusungit na naman niya. Parang ewan tong unggoy na to. Kanina lang nagpapacute ngayon naman nagsusungit.

The Transgender's  REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon