Ikalimang Yugto

1.6K 64 6
                                    




"There are two basic Motivating Forces: fear and love. When we are afraid, we pull back from life. When we are on Love, we open to all that life has to offer with passion, excitement and acceptance."




Yumuko ako para hindi niya mahalata na namumula ako. Kasi naman kinikilig na ako ng sobra. Pero di dapat ako kiligin kasi alam ko na kaibigan lang talaga kami. Pero sa pinapakita niya ay mas higit pa duon ang gusto niya ayoko namang mag-assume.

"Tawagan mo daw si Tita." Pag iba ko ng topic.

Tumango lang ito, kita mo sa mukha niya ang disappointment. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa kama niya at tumungo ng study table. Niligpit ko na ang mga gamit ko. Bukas ko nalang itutuloy ang mga ito. Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga nito.

"Tsk!!!, san ka pupunta?" Seryoso niyang tanong.

"Sa kwarto ko! " kunwari naiinis kong sagot sakanya. Sabay buhat sa bag at libro ko.

Hinawakan niya ako sa braso at hinigit palapit sakanya. Napayakap ako sa kanya dahil sa ginawa niyang iyon. Natulala ako sa ganda ng kanyang mata. Ilong na inukit ng perpekto. Kilay na makapal at labi niyang kay sarap hagkan. Tila isang Anghel na bumaba sa lupa mula sa langit.

Ano daw!!!! Erase erase! Kaibigan mo siya saka mas straight pa siya sa poste ng meralco, baka pinagtitripan ka alng niyan.

"Ehem baka matunaw na ako niyan." Natulak ko siya dahil sa pagkabigla. 

"Feeling mo naman."sabay talikod at naglalad papuntang kwarto ko.

Pero ano tong nararamdan ko. Abnormal na ata tong tibok ng puso ko bigla bigla nalang kasi kakabog ng ganun kabilis na para bang nakikipagkarerahan ka. Naramdaman ko ding uminit yung mukha ko..

"Sh*t ano ba to Ivan?" Kausap ko sa sarili ko. Hindi pwede kaibigan lang kayo ni Jefferson.

Nilapag ko ang gamit ko sa study table. At mabilis na dumapa sa kama. Jusko ano ba naman yung ginagawa ni Jefferson na to.

Pagulong gulong lang ako sa kama ko, hindi kasi ako makatulog buhat sa mga nangyari ngayong araw.  Mag aalas dos na ng madaling araw pero gising parin ako.


Nagpasya akong lumabas para kumuha ng gatas para makatulog na ako.  Pagpihit ko ng door knob saktong palabas din ni Jefferson. Aatras sana ako kaso lang nakita na niya ako kaya lumabas na rin ako at tuloy tuloy lang sa paglakad hanggang sa nakarating ako ng kusina. Binuksan ko ang ref at kinuha yung fresh milk at nagsalin sa baso. Pabalik na ako sa kwarto ng hatakin niya ako papasok sa kwarto niya.

"ANO BA JEFF!!" sigaw ko dito "matutulog na ako!" Pero mahigpit parin ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Let's go dito ka na matulog." Mahinahon lang ang pagkakasabi niya. Hinila na niya ako pahiga sa kama niya.

Hindi na rin ako nagpumilit pa. Sobrang higpit kasi ng pagkakahawak niya at paghiga namin ay agad niyang pinulupot ang braso niya sa bewang ko.


••••••

Nagising nalang ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Humihikab akong umupo sa gilid ng kama. Nataranta ako ng madako ang mata ko sa wall clock.

"Oh my!!! I'm late.... Geezz." Takbo agad akong banyo. At naligo. Pero wala pala akong towel na dala at isa pa nasa banyo ako ni jeff naligo.

Binuksan ko ang pinto bahagya at sumilip sa labas.  Tulog pa naman siya. Dahan dahan akong naglakad papuntang pintuan. Wala akong kahit anong saplot sa katawan. Feeling ko magnanakaw ako dahil sa ginagawa kong ito.

The Transgender's  REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon