Ikaapat na yugto

1.5K 58 4
                                    






" I don't want anyone else to have your heart, kiss your lips, or be in your arms because that's only my place"

Ivan POV
Matatapos na kaming kumain di parin bumabalik si Jefferson. Ano bang nangyari dun? Pag alala ko. Hanggang sa naagsalita si daddy.

" bat antagal ni jeff sa banyo?" May pagaalala sa boses ni daddy. Ako man ay ganun din ang tanong sa aking isipan. Maya maya pa ay pinuntahan ito ni tito sa banyo, ngunit wala da ito roon. Agad naman kinuha ni tita Felly ang kanyang cellphone at mabilis na tinawagan si Jefferson. Nakatatlong ulit na si tita sa pag di-dial ngunit hindi parin nito sinasagot ang tawag. Tumawag ito sa guard ng condo na tinutuluyan namin ngunit hindi pa daw nakakapasok si Jefferson.

Nagpaalam na ako kina mommy and daddy at tito at tita na papasok na akong school kasi ng 1:30 na may pasok pa akong mga 2:00.

"Sige hijo, magiingat ka." Wika ni tita Felly. Nagmano ako kay tito. Humalik naman ako sa posnge ni mommy at tita Felly, at nagmano din ako kay daddy.

"Alis na po ako!" Nakangiti kong paalam sa kanila. Tumango lang ang mga ito.


Mabilis lang ang byahe ko pabalik ng school. Di naman kasi kalayuan, at pasalamat ako at di Traffic. Pagkarating ko ng school ay nagtanong ako sa guard kong pumasok naba si Jefferson, simula daw pagalis namin di pa daw ito bumabalik. Tsssk!! Ano bang problema ng unggoy na yun. Bat ba ganun nalang ang inasta niya.

Pagkarating ko sa classroom ay nandon na ang professor namin, pero di pa ito nagsisimula. Bakas naman sa mukha ng mga kaklase ko ang pagkataranta. Umupo na ako sa aking pwesto sa bandang dulo sa kaliwa. Tinanong ko yung mga kaklase ko kung anong meron.

"Trish anong meron?" Takang tanong ko.
"May surprise Quiz daw " pagsagot nito sakin pero di manlang ako magawang lingunin.
Nataranta naman ako. Kahit nakapagreview ako sa subject na to pero bigla akong kinabahan. Mabilis kong binuksan ang aking lecture at nagbasa saglit.

"Keep your things away from you." Mautoridad na utos sa amin ng aming prof.

Mabilis ko namang tinago ang aking lecture at inilagay ko ang aking bag sa harapan.

"Ang makakakuha ng mataas na score ay siyang magiging representante ng section niyo sa darating na event next week. Isa itong quiz bee battle between the course department." Mahabang litanya ng maykatabdaan ng professor.

          "Alam kong lahat kayo ay deserving ipanlaban. Kaya galingan ninyo."dugtong  pa nito.

Nagsimula na ang ginawang pagsusulit.  45minutes ang allotted time sa 1-100 na question.

Medyo may kahirapan ang bawat question pero keribels lang ng lola niyo. Lahat naman halos ng tanong ay nasa lecture ko kaya medyo may ideya ako.  30minutes of time allotted already consume.  Malapit na rin akong matapos. Medyo mahaba pa ang oras. Kaya binalikan ko ulit ang sa palagay ko ay hindi tama ang naisagot ko.

  
      Natapos na ang nasabing quiz. Bukas daw ipapaskil sa bulletin board ang result ng aming quiz.. Agad naman nag dismiss ng klase ang aming prof..

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
..............Someone's POV xXx...............


         Hindi na namalayan ni Jefferson na siya ay sobrang lasing na. Buti nalang at nandiyan si venice upang alalayan ito. Kinapa ng dalaga ang bulsa ng binata upang kunin ang cellphone nito para matawagan ang sino mang kaibigan nito. Pagbukas ng dalaga ay nakita niya ang sandamakmak na missedcall galing sa mommy ng binata. Tinawagan niya ito upang sabihin ang kinaruruonan ng binata.  Ilang sandali pa ay dumating na ang mga ito upang sunduin ang anak na lasing na lasing. Nagpasalamat ang magulang ng binata sa pagtawag ng talaga sa kinaruruonan ng binata. Inanyayahan ng mga ito ang dalaga na magdinner sa labas para makapag pasalamat ang mga ito dito, ngunit tumanggi na ang dalaga. Nagpaalam na ito sa magulang ng binata na mauna na ito.

The Transgender's  REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon