SIYAM

1.5K 48 16
                                    




I hate it when your mind is telling you to stop loving someone, but your heart can't let go.

       

             Malakas naman na nagtawanan sila kuya dahil sa kacornihan ni Jefferson. Kahit ako man ay napapatawa sa mga hirit nito.

        So kailan niyo balak magpakasal? Ika ni kuya Miguel.

Inirapan ko lang siya sa  pangaasar niya." Kasal  agad Kuya."

"Ikaw  Miguel, kailan ka magpapakilala ng Girlfriend mo, naunahan ka pa ni bunso." Hirit naman ni kuya patrick .

"I want to  enjoy my life being single. No commitments, no worries, and have fundating strangers." Ngingisi ngisi pa ang loko. Paano ba naman ay linggo linggo iba yung babaeng dinadala sa bahay.

Yun lang!! Natawa pati si baby peter sa kalukuhan ni kuya Miguel. That makes him look adorable.

"Ako ata ang na hot seat akala ko ba si Ivan ang i hahot seat natin ngayon." Dehadong wika niya pa.

"What's your plan Jeff? Alam namin na hindi madali ang ganyang relasyon nandun ang husgahan kayo ng ibang tao, pandirihan kayo ng iba. Pero palagi niyong isipin na hindi mahalaga kung ano kayo sa tingin nila. Ang importante ay mahal niyo ang isat isa at buo ang tiwala niyo sa bawat isa. Ratsada ni ate Lexie.

Tumango lang ako. Si kuya Patrick naman ay napanganga sa sinabi ng asawa. Parang di makapaniwala na nasabi iyun ni ate Lexie.

"Asawa ko yan. " sabay halik sa labi ni ate Lexie.

"Tarantado, dito pa talaga sa harap ng mga kapatid mo." Sabay kurot sa bewang ni kuya.Pero kinikilig din naman ang bruha.

Bigla naman akong inakbayan ni Jefferson, kunwari nag-inat pero halata naman na yun talaga yung gusto niyang gawin. Abot tenga naman ang ngiti ng mga kapatid ko. Sa tagal naming magakakasama halos kabisado na namin ang kilos ng bawat isa.

"Akyat na muna kami sa kwarto, papatulugin lang namin tong baby kulit namin." Wika ni ate sabay hatak sa kamay ni kuya Patrick.

" Ligo na muna ako. "Paalam din ni kuya Miguel.parang alam ko na ang gusto nilang palabasin. Ang masolo ako ni Jefferson. At nagtagumpay naman sila. Kami na nga lang ang naiwan dito sa sala.

"Tara babe? Dun tayo sa bahay." Magpoprotesta pa sana ako kaso di ko na nagawa nung hatakin niya ako sa braso at sabay hila palabas. As If naman na makakatanggi pa ko sa ginawa niya. Bakod lang naman ang pagitan ng bahay namin. Kaya wala pang limang minuto ay nakapasok na agad kami sa mansion ng mga Montenegro. Dalawang katulong ang sumalubong samin sa pagpasok ng pinto. Yung isa ay si nanay Linda. Yung nagalaga kay Jefferson magmula sanggol pa lamang ito. At yung isa ay bago lang. nasa kaedaran lang din namin kung titignan sa mukha. 

      " Hijo, kamusta kana? " halos si yaya Linda na rin ang nagaalaga sakin kasi nga kung hindi sa bahay namin ay dito kami naglalaro ni Jeff dati.

"Ayos lang po nay, kayo po mukhang lalo po kayong gumaganda ah." Napangiti naman ito sa mga tinuran ko.

"Bolero ka parin hanggang ngayon."aniya at tinapik ako sa balikat. Halos magiisang taon na rin mula ng huli ko itong nakita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Transgender's  REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon