WALO

1.3K 47 12
                                    






It's very rare to find someone that genuinely cares about you don't take it for granted.

B. Napatigil ako sa paglalakad. May parte sa'kin na nagsasabing wag ko na siyang pansinin baka maging ugat pa ito ng pagseselos ni Jefferson.

Pero salungat sa sinasabi ng puso ko. "So kayo na pala.! Kailan pa!? Akala ko ba bibigyan mo ko ng chance na Ligawan ka. " Di ko alam kong ano ang isasagot ko. Tama nga siya pinangakoan ko nga siya na bibigyan ko siya ng chance na manligaw. Pero ano pinaasa ko lang siya. " You know, how much I care for you. You know how much I love you Ivan. Then what the hell I heard na Kayo na Pala ni Jefferson." Napipiyok niyang sabi na senyales na ano mang oras ay babagsak na ang luha niya.

"Sorry, Ced. I really sorry, for everything." Malumanay kong tugon.

Masaya kami ni Jeff samantalang may nasasaktan akong tao. Naglakad na ako sa direksyon kung saan nagaabang si Jeff, nilagpasan ko si ced na nakayoko. Balak ko pa sana siyang lingunin pero ayaw sumangayon ng katawan ko.

Naabutan kong nakasandal sa kotse niya si Jeff na nakangiti. Pero napalitan ito ng pagtataka. Lumapit ito sakin at kinuha ang bag ko.

"May problema ba Babe?. Bat ang lungkot mo ata. "

"Ahhh.. wala naman Babe. Pagod lang siguro. " ayoko ko muna ikwento sakanya na nagkausap kami ni Cedric. Alam mo naman ang lalaking ito. Masyadong mainitin ang ulo pagdating sa ganun.

Buong byahe akong walang imik. Iniisip ko kasi yung mga sinabi ni cedric sa'kin.  Paulit ulit na remirehistro sa alaala ko ang mga binitiwan niyang salita.

"Babe!..."  napatigil ako nang marinig ko ang galit na boses ni Jefferson.
"Kanina pa ako salita ng salita di ka naman nakikinig e. Siguradong okay ka lang ba talaga.? " tumango lang ako. "Come on Babe, you can tell me if there's something or someone bothering you." I calm myself and give a deep sigh.

"Theres nothing to worried babe. Ayos lang ako." Ulit ko pa. Pero hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Siya naman tong walang imik. Hanggang sa makaratinv kaming condo. Ni hindi manlang niya ako pinagbiksan ng pintuan. Dire diretso lang ito sa paglakad.

Ayoko lang naman na magalit siya. Kasi alam ko kung gaano ito kaseloso. Pero... haist..!!!

Nagpalit muna ako ng pambahay at nagtungo sa pinto ng kwarto niya. Kakatok na sana ako sakto naman ang pagbukas nun. Nakabihis ito ng pang-alis.

"Oh!!. Babe.. san Punta mo?" Taka kong tanong. Akala ko sasagutin niya ako pero nilagpasan niya lang ako at nagtuloy tuloy sa paglabas ng pintuan.

"Okay.!" Tanging nasambit ko. That was the first time na tinalikuran niya ako. Sabagay kasalanan ko rin naman kung bakit ganun siya. Bumalik nalang ako sa kwarto para mahiga. Sana pala sinabi ko nalang sakanya kanina ang nangyari.

Buong gabi ko siyang hinintay pero walang Jefferson ang umuwi sa bahay. Kakapikit lang ng mata ko ng tumunog na ang alarm clock ko. Para akong zombie na naglalakad patungo ng banyo.  Naghahalong antok at hilo ang nararamdaman ko ngayon. Pero di dapat yung ang pairalin ko.



            Gusto ko man sumbatan si Jefferson sa mga ginawa niya ay wala rin itong silbi. Kasi kung tutuusin kasalanan ko naman kung bakit ganun nalang ang treatment niya sakin.   Isinantabi ko muna ang bagay na iyun. Kailangan kong mag focus sa pagaaral.

            Hindi manlang niya nagawang magtext or tumawag kung kamusta ba ako. Buong araw kung nilalabanan na wag siyang isipin pero di ko magawa gawa.   Kasalukuyan kaming nagpa- practice ng dumating si Ced, may dala dala itong bottled water at sandwich.

The Transgender's  REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon