Ikaanim na Yugto

1.5K 58 8
                                    

  " You are my Best friend as well as my Lover, and I do not know which side of you I enjoy the most I treasure each side, just as I have treasured our life Together...."

                                                     ~ Jefferson

Buong gabi kong hinintay si Jefferson, ngunit walang kahit anino niya ang umuwi sa condo. Hindi ko din maintindihan ang isang yun. Minsan napakalambing pagkatapos bigla ka nalang di papansinin.  Heto kahit puyat ako ay maaga akong gumayak para makapasok  ayoko kasi na may mamiss na lesson kahit alam kong kaya ko namang aralin magisa. Iba parin kasi yung may ideya ka sa mga tinuturo ng Prof niyo. Si cedric naman ay lalong naging sweet, simula kahapon, tine text niya ako kung ano na daw ba ang lagay ko. Kahit na pumunta na siya sa condo namin, kahit nakita naman niya na okay na ako ay abot abot parin ang pag alala niya.  Kaya naman mas lalo pa akong kinikilig, kasi bago lang sa'kin ang ganuon. Na may isang lalaking nagaalala sa kalagayan ko, bukod kay daddy. Speaking of, nagtext na naman siya na dasaanan niya ako bago pumasok para sabay na daw kami. Kaya pagkatapos kong magayos sa sarili ko ay bumaba na ako kaagad. Di naman ako nabigl kasi andun na si cedric na nagaabang.

"Hey!!, goodmorning my beautiful sunshine. " bumaba ito sa kotse at sinalubong ako. Kinuha niya ang bitbit kong libro at mga folder. Pinagbuksan niya rin ako ng pintuan sa passenger seat. "Thank you!!" Ngumiti ako bilang tugon.


Tahimik lang kami sa buong byahe ni cedric. Hanggang sa makarating na kami sa mismong parking lot ng school. "What bothers you?,, I mean Who bothers you?" Tanong niya habang tinatanggal ang seatbelt niya, at pati na rin. Yung sa'kin. Napakalapit na ng mukha namin sa isat isa. Kaya pigil hininga akong tumitig sa kanya. "Don't give me that kind of look, ivan, I'm tempting to kiss you again.." Sobrang lapit na talaga ng mukha naming dalawa. Kaya naman binatukan ko ito ng pagkalakas lakas. Diba ang sadista ko. Hahaha ganti ko lang yun kahapon kasi ninakawan niya ako ng halik tas ngayon nagfefeeling gwapo na naman. Hahaha pero kahit ganun ay parang maiihi na akk sa sobrang kilig na nadarama ko. "Ang lakas din ng hangin mo nuh!! Hahaha" natatawa kong tinignan ang ekspresyon ng mukha jiya matapos ko siyang batukan. "Ang sakit nun ahh!!!, buti nalang talaga at mahal kita, kaya okay lang.. Ang cute mo babe!!ko" di ko na napigilan ang sarili kong matawa. Lakas ding bumanat ng isang to. Feeling ko tuloy namumula na yung pisnge ko sa sobrang kilig.. "Sus!! Tara na nga! Dami mong alam.." Aktong bubuksan ko na ang pinto ngunit pinigilan niya ako. Tas bumaba siya at tumungo sa kabilang pinto kung saan ako naroroon. Hay, dagdag pogi points na naman si kumag..nakalahad pa ang kanang braso niya sa harap ko. Inabot ko naman ito. Ayoko naman ipahiya siya nuh..




Hinatid niya ako hanggang sa classroom namin. Saka siya umalis at papunta sa kanyang klase.

*****************

          Kanina pa ako, kilig na kilig sa bawat banat ng unggoy na to. Kaninang lunch sabay kami nitong kumain at heto nga pauwi na, ihqhatid na naman niya ko. Sinabi ko naman sa kanya na wag na at baka may trabaho pa siya sa restaurant niya. Makulit, kaya pumayag na ko. Lately, sobrang maalaga at sweet nitong cedric na to. Parang si Jeff lang din. Well speaking of. Hindi ko na namang nakita na pumasok ang Loko. Hindi ko siya maintindihan.. Minsan ang sweet din niya, pero normal na yun kasi simula bata palang kami ay ganun na yun. Pero nitong college na kami bigla nalang nagiiba ang mood. Una mabait, tas maya maya asahan mo bigla nalang magsusungit. At worst palagi nalang siyang naglalasing. Kagaya kagabi hindi na namn nakauwi. Hindi ko rin macontact ang cellphone dahil nakapatay. Ni wala manlang abiso na hindi pala siya uuwi ako namn si Gag* naghintay din. Hanggang sa dinalaw na ako ng antok kagabi at nakatulog na sa sofa walang Jefferson na Umuwi.

"Hey, kanina pa ako daldal ng daldal di ka naman nakikinig." Napabalik ako sa ulirat ko ng  kurutin niya ako sa pisnge. Kasalukuyan kaming napahinto sa tapat ng Flower shop. "Sorry may iniisip lang." Paghinge ko ng paumanhin.  Kinuha niya ang wallet niya sa bag at bumaba. Naiwan naman akong walang imik. Kinuha ko rin ang cellphone ko sa bulsa ng bag ko. Ngayon ko lang ata ito nahawakan magmula kaninang umaga. May missed call galing kay mommy, at may text galing kay tita at daddy.  Una kong binuksan ang message galing kay daddy.

The Transgender's  REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon