TO LOVE AGAIN-Prologue

39 2 0
                                    

WARNING: BAWAL MAG ASSUME NAKAKAMATAY!!!!



CINDRIX

Akala ko dati ikaw na.. Ikaw na ang lalaking pinakaiintay ko. Akala ko dati impossibleng Mapansin mo'ko. Dahil sino ba naman ako diba? Isa lang ako sa mga babaeng lihim na may pagtingin sayo. Isa lang ako sa mga babaeng lihim napapangiti sa 'twing nakakasalubong ka at pilit na pinipigil ang kilig sa twing nakakasakay kita. Ikaw ang nag-iisang lalaking hinahangaan ko, minsan pa nga'y hinihiling ko na sana maging tayo. Sana mapansin mo rin ako. Pero nagbago ang lahat nung malaman kong may girlfriend ka na. At ang malupit si Deien pa talaga. Si Deien na maganda, si Deien na talented, si Deien na Sikat, si Deien na kilala ng lahat. Si Deien na mahal mo.... at mahal ka rin. Takte lang ano naman ang panama ko sa kanya diba?! Walang wala ako kompara sa kanya. Kaya naman naisipan ko na siguro nga ay kailangang kalimutan na kita. Kaya naman paunti-unti ay nagmomove on na ako sayo. Minsan natatawa nalang ako sa sarili ko kasi kailangan ko pang mag move on kahit hindi naman naging tayo.

Araw-araw pinipilit kong iwasan ka Den. Pero takte lang pano ba naman kita maiiwasan eh nasa iisang school lang tayo at same year pa talaga! Tapos araw araw ko pang naririnig yung mga kasweetang ginagawa mo para kay Deien. Parang araw-araw pinapamukha mo sakin kung gano kakaperfect boyfriend at kung gano ka perfect ang lovestory nyong dalawa. Lagi kong pinapangarap na sana ako nalang si Deien, na sana ako nalang ang mahal mo pero wala eh. Hinding hindi na ata mangyayari yun. Napakaimposible.

Lumipas ang ilang buwan at di ko namalayang naka move on na pala ako sayo. Yung feeling na wala nalang sakin pag nagkakasalubong tayo sa hallway. Wala na yung dating sparks sa twing makikita kitang nakangiti. At wala na ang sakit sa twing makikita kitang kasama sya.

August 19 ang Aquaintance Party natin. Lahat ay naghahanda dahil isa ito sa pinakaiintay na event sa school. Lahat ay nais maging Mr. and Ms. EYE CATCHER. Syempre sino ba naman ang ayaw diba? Siguro nga'y ako lang. Sobrang late na ako ng maka rating sa venue mula sa labas ay umaalingawngaw na ang tunog at lights na nagsisilbing palamuti sa buong lugar. Dahan dahan akong naglakad sa gitna patungo sa pwesto ng mga kaibigan ko. At Hiyang hiya ako dahil lahat kayo ay nakatingin sakin. Kaya naman napatungo nalang ako dahilan para di ko makita ang dinadaanan ko at matalapid. muntik na akong masubsob sa semento buti nalang ay may sumalo sakin. Unti-unti kong iniangat ang ulo ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita kita. Ngumiti ka lang sakin at tinanong moko kung okay lang ba ako. Tinanguan naman kita at pagkatapos nun ay bumalik kana sa pwesto mo. Di ko alam kung bakit pero naramdaman ko nalang ang mabilis na pag tibok ng puso ko.

Ilang minuto lang ang lumipas ay isa-isa nang tinawag ang mga napiling Eye Catcher para sa taong ito. Hindi na ako na bigla nang tawagin ka at tawagin si Deien. Maraming nagpalakpakan at napatili dahil bagay na bagay kayong dalawa. Kasunod nyo namang tinawag ang Bestfriend mong si Ryzl at.... ako. Hindi ako makapaniwala na isa ako sa mga napili bilang Eye Catcher at labis labis ang kaba ko dahil alam kong hindi ko naman talaga matatalo si Deien. Dahan dahan akong naglakad papunta ng stage kasabay si Ryzl. Pagkatapos nun ay ipinaliwanag na kung ano ang dapat gawin, paramihan ng palakpak kada rampa. Apat lang ang matitira sa sampung kalahok. Dalawang babae at dalawang lalaki. At ang Special Guest ang pipili ng mahihirang bilang Mr. and Ms. Eye Catcher.

Kada rarampa ako ay hindi ko inaasahan na may papalakpak sa akin. Marami-rami sila pero mas marami talaga ang kay Deien. Ano pa ba naman kasi ang aasahan ko. Sikat sya , samantalang ako tama lang.

Pagkatapos ng ilang oras ay tayong apat nalang ang natira. Ako , ikaw, si Deien,at si Ryzl. Kahit alam kong matatalo lang din ako pinilit ko paring ngumiti. Nakita ko pa kung pano bulungan ng special guest ang Emcee kung sino ang napili nila. Napalingon ako kay Deien na confident na nakangiti. Tila alam na alam na nya kung sino ang mananalo. Para naman akong nawalan ng pag-asa. Kahit kelan talaga hindi ako mananalo sa kanya.

TO LOVE AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon