TO LOVE AGAIN-10

5 0 0
                                    

CINDRIX

Hawak hawak ko na ang pintuan pero di ko ito magawang buksan. Natatakot ako, natatakot ako sa posibleng mangyari ngayong gabi dahil alam kong pagkatapos nito ay mamatay na naman ulit ang puso ko. Madudurog na naman ito at di ko na alam kung makakayanan ko pa ba itong buuin muli.

Nilakasan ko ang loob ko at pilit na binuksan ang pintuan ng Mirror house na malapit sa park. Dito si Gyu magtatapat sa mahal nya at hawak hawak ko ngayon ang compilation ng pictures at videos na inihanda nya para mamaya ako ang inutusan nya na kunin ito kina Selene at ihatid dito sa Mirror house dahil sa mismong araw na ito ipakikilala na nya sa akin ang babaeng mahal nya.

Unti-unti kong inihakbang ang mga paa ko papasok at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Kakayanin ko to para kay Gyu. Minsan na nya akong tinulungan noon ang now it's my turn to help him at hindi ko sya bibiguin.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay bumungad agad sa akin ang mahalimuyak na amuy ng pink roses. At may mga balloons na naka lambitin sa ere kulay pink silang lahat at may nakalagay na I Love You. Sa pader naman ay may mga lights. Mas lalong gumada ang lugar dahil sa mga salamin at sa reflection ng lights. Romantic ang lugar na ito at masasabi kong perfect talaga hindi ko maiwasang mainggit.

Ang swerte naman nung babaeng mahal ni Gyu.

Napaayos ako ng tayo nang bilang may tumunog na pamilyar na kanta. Yun yung kantang kinanta ni Gyu kanina. Yung kantang ginawa nya para sa babaeng mahal nya.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Gyu na naglalakad papunta sakin inilahad nya ang kamay nya bago mag salita.

"Pwede ba kitang isayaw?" Nakangiting sabi nya.

"P-pero baka dumating yung-" napatigil ako sa pagsasalita nang bigla nya akong higitin palapit sa kanya. Napahawak ako sa dibdib nya at napatingala sa kanya nakangiti sya ngayon at maaliwalas ang kanyang mukha.

"Huwag kang mag alala maiintindihan naman nya tsaka medyo mal-late yun ng konti" Nakangiting sabi nya. Bahagya nyang inilagay ang mga kamay nya sa bewang ko. Ang ang mga kamay ko naman ay inilagay ko sa batok nya.

Sa huling pagkakataon ay papayagan ko munang mahulog ako sa kanya. Kahit ngayong gabi lang. Ipinuwesto ko ang ulo ko sa dibdib nya at ipinikit ang aking mga mata habang nagsasayaw kaming dalawa. Dinig na dinig ko ang heartbeat nya. Dahilan para mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Ang kanyang kanta ang nag silbing musika namin ngayon.

Romantic at perpekto ang lahat puwera nalang sa katotohanang..

mahal ko sya at ang mahal nya ay iba.

Unti-unting tumulo ang luha sa aking mga mata. Hinayaan ko lang itong umagos. Iniangat ni Gyu ang mukha ko at nakita kong nagulat sya nang mag tagpo ang mga mata naming dalawa.

"Why are you crying?" Concern na tanong nya. Napapikit ako nang pinunasan nya ang mga mata ko. Pagkatapos ay nginitian ko sya.

"Wala masaya lang ako para sayo"

"Thanks" tipid na ngiting sabi nya.

"I never love someone the way I love her. That's why I want you to know her Drix" Sunod sunod na tango ang tanging naisagot ko sa kanya. I'll be happy for him. I'll support him. I need to.

"Now come with me" Sabi ni Gyu sabay lahad ng kamay nya. Agad ko naman itong tinanggap at sumunod sa kanya. pagkatarating namin sa harap ng malaking salamin ay tumigil sya at pumunta sa likod ko pagkatapos ay hinawakan ang magkabila kong braso.

"Now Drix, can you see that girl in front of you?" seryosong tanong nya.Naguguluhan man ay nagawa ko paring tumango.

"That girl in front of you is the only girl that I love" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya para akong na estatwa. Hindi ako makagalaw. Bago pa man ako makapagreact ay nagsalita sya ulit.

"Now.. I dare you.. to love me back" Nakangiting sabi nya. With that bumuhos ang luha ko hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa sobrang saya. God! Is this for real? this is just too good to be true. Hindi ko napigilan ang sarili ko agad ko syang niyakap ng mahigpit habang patuloy sa pag agos ang luha ko. Tatawa tawa pa sya habang niyayakap ako pabalik.

"Dare Accepted" nakangiting sabi ko. With that he kissed me on my forehead and I think that was the most wonderful moment that ever happened in my life.

TO LOVE AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon