TO LOVE AGAIN-2

6 0 0
                                    

CINDRIX

Napapikit ako habang unti unting binuksan ang pintuan ng coffee shop. Kabadong kabado ako, ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ito ang unang pagkakataon na magkikita ulit kami ni Dennis matapos yung nangyari sa coffee shop. It's been six months after all. Pagkatapos nung nangyari sa roof top ay naging malamig ang pakikitungo ko kay Dennis habang si Deien naman ay walang ka alam alam sa nangyari. Madalas syang ngumingiti sa tuwing nagkakasakubong kami sa hallway. Naging matunog ang pagbabalikan nila at mas lalong dumami ang naging fan ng lovestory nila habang ako naman ay kinakain ng insecurities ko. Gabi gabi akong umiiyak matapos ang pangyayaring iyon. Sa loob ng tatlong buwan ay wala akong ibang ginawa kundi ang igugol sa mga libro ang atensyon ko at sa paglipas ng panahon ay nagawa ko na rin tanggapin ang mga pangyayaring nagwasak sa puso ko. Nagawa kong patawarin si Dennis dahil wala namang dahilan para magtanim ako ng nagalit sa kanya. Tulad ko ay nagmahal lang rin sya at kapag nagmahal ka marami kang masasagasaan at marami kang masasaktan ng hindi mo namamalayan dahil yung buong atensyon mo ay naka tuon lang sa taong mahal mo.

Pagkapasok ko ng coffee shop ay nakita ko kaagad si Dennis na nakatingin sa kawalan. Nang mapansin nya ako ay agad nya akong kinawayan. Napatango naman ako at agad na umupo sa bakanteng upuan sa harap nya.

"Akala ko di kana dadating" Nakangiting sabi nya. Napangiti nalang rin ako at umiling.

"Wala naman akong ginagawa kaya okay lang, teka para sakin bato?" Sabi ko sabay turo sa kape na nasa harap ko tumango naman sya kaya agad ko itong kinuha at inihipan bago uminom ng konti.

"So what's the deal? ba't mo ko niyaya ngayon?" I asked him.

"ang straight to the point mo naman, naninibago tuloy ako sayo" umiiling na sabi nya.

"yeah, people change Den" Balewalang tugon ko. Napaubo naman sya at awkward na ngumiti.

"A-about dun sa pagpapaasa ko s-sayo .. I'm sorry, I didn't mean to-" Hindi paman nya natatapos ang sasabihin nya ay nagsalita na ako.

"Did you invite me to apologize? Gosh It's been 6 months Dennis, let's all leave it from the past. I already moved on and I hope you are too." I smiled sadly, I already moved on but my heart don't, you still have the same crazy effect on me Dennis.

"I already forgive you, I really understand you Den, we were bestfriends alright? you should stop looking back" dagdag ko pa. Napatingin ako sa kanya at nakita kong sumilay ang ngiti sa mga labi nya.

"alright" sabi nya ng naka ngiti.

"good," sabi ko at ngumiti na rin

Nagpatuloy lang kami sa pag inom nang kape and for the first time after a long time ay gumaan muli ang pakiramdam ko.

Kinuwento nya sakin ang nangyari sa kanya nung mga araw na wala ako sa tabi nya. Kung gaano sya kasaya nung nagbalikan sila ni Deien, kung gaano siyang nasaktan nung nagdaang araw na di ko sya pinansin. May nga oras na kumikirot ang puso ko lalo na pag binabanggit nya ang pangalan ni Deien pero pinipilit ko paring ngumiti at ipakita sa kanya na masaya ako sa nga nangyayari sa buhay nya. Kung ako kaya ang girlfriend nya magiging ganito parin ba sya kasaya? Kung ako kaya ang nasa tabi nya mapapatawa ko rin ba sya? malamang hindi kasi iisang babae lang naman ang makakapag lagay ng ngiti sa labi nya at kahit masakit tanggap ko at alam ko sa sarili ko na hindi ako ang babaeng iyon. Matapos niyang mag kwento ay bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Bumilis ulit ang tibok ng puso ko,naiilang akong tumingin sa kanya.

"Cin, can you do me a favor?" Seryosong tugon nya.

"H-ha?" Nauutal na sagot ko

"Do me a favor please?? Please Cin" sabi nya at nagpuppy eyes sa harap ko.

TO LOVE AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon