TO LOVE AGAIN-8

4 0 0
                                    

DENNIS

Napangiti ako habang inaamoy ang rosas sa tabi ng table ko. Nakaupo lang ako habang inaantay si Cindrix. Inilibot ko ang paningin ko sa roof top, romantic ang ambiance at tila nakikisama ang panahon sa akin. Gabi na ngayon at kitang kita ko ang pag kislap ng mga bituin sa langit tanging kandila lang na nakahelira sa buong paligid ang nagbibigay ng liwanag pati narin maliliit na lights na nakalambitin kung saan saan. Sa dulo ay kapansin pansin ang hugis puso na lights na napapaligiran ng mga balloons ang mga rose petals naman ay nagkalat sa dadaanan nya mamaya.

Ako ang nag set up ng lugar na to para sa kanya. Hindi ako humingi ng tulong kahit kanino, dahil gusto ko ako mismo ang mag effort para sa kanya. Gusto ko ako mismo ang gumawa ng bagay na to para sa kanya. Gusto kong sagutin nya ako sa mismong lugar na ito dahil sa mismong lugar na ito, dito ko sya minahal.

Alam ko nasaktan ko sya noon, nasaktan ko sya dahil mas pinili kong sagipin si Deien kesa sa kanya. Nung mga panahon na yun alam ko na. Alam ko na sa sarili ko na si Cindrix ang mahal ko at hindi si Deien.

Pero kasi nung mga time ngayon wala akong choice. Naduwag ako, naduwag akong aminin sa sarili ko na ganoon na ang nararamdaman ko. Naduwag akong bitawan yung ilang taong relasyon namin ni Deien. Nagpatalo ako sa galit ko, mas inuna ko ang sarili ko kesa kay Cindrix, mas inuna ko ang galit ko kesa sa kanya.

Matalino si Deien, talented, at sikat yun yung mga bagay na agad kong nagustuhan sa kanya. Yun yung dahilan kung bakit di ko sya mabitawan. Highschool palang ay kami na, madali akong napalapit sa pamilya nya. Doon ko naramdaman na magkaroon ng magulang, para akong uhaw sa atensyon nila, para akong uhaw sa pagmamahal nila, dahil yung atensyon at pagmamahal na pilit kong nililimos sa mga magulang ni Deien ay di ko naradaman sa mga magulang ko. Hanggang sa mag college kami, unang araw palang ay napansin ko na agad si Cindrix maganda siya, masiyahin, at sikat din pero di ata sya aware na sikat sya. Sa tuwing nakakasalubong ko sya sa hallway ay nakayuko lang sya. Nung mga oras na yun alam kong attracted na ako sa kanya pero binabalewala ko lang dahil kay Deien. Hanggang sa isang araw nakipagbreak si Deien sakin dahil binalikan nya yung firstlove nya. Galit na galit ako sa kanya nung time na yun kaya di ko sya kinausap.

Nagkaroon ng event sa school at napili ako at si Cindrix bilang Mr. and Miss eye catcher pagkatapos ng pangyayaring yun ay naging close kaming dalawa sya ang naging sandalan ko, sya ang naging comforter ko, sa kanya ko ibinuhos lahat ng sama ng loob ko. Kaya naman madali akong nahulog sa kanya. Mabait sya at maalahanin. At sa kauna unahang pagkakataon ay naramdaman ko na hindi ko kailangang manlimos ng pagmamahal at oras dahil sobra sobra pa sa hinihingi ko ang ibinigay nya. I became her world in just a short period of time. I suddenly felt special and important to someone and I guess that's the most beautiful feelings that I ever felt. I felt contented in her side. She adores me morethan anyone else. She loves me more than she could ever love someone. And I think that's amazing.

I courted her, make her special and love her in any way. Pero bigla nalang akong kinausap ni Deien. She wants me back. She wants me to comeback to her. She beg, and ask for my forgiveness. At dahil galit ako sa kanya, I accepted her. Not because I love her, but because I want to get even. Iniwan ko si Cindrix dahil kampante akong mapapatawad nya ako. She love me and I know she'll wait for my comeback. She love me and I know she will understand like she always do.

Ginawa ko ang lahat to make Deien fall for me so hard that she couldn't able to recover when I leave her. At nagtumpay ako sa plano ko. All I have to do now is get my girl.

Napatayo ako ng makita kong naglalakad si Cindrix palapit sa table. Nakita kong naguguluhan sya sa mga nakikita nya kaya naman napangiti ako iginiya ko sya sa upuan nya at pagkatapos ay umupo na rin.

"Nagustuhan mo ba?" nakangiting sabi ko

"Ah y-yeah" nauutal na sabi nya. Napangiti ako. I know I have the same effect on her.

"for you Cin" sabi ko sabay bigay sa kanya ng bouquet ng roses at chocolates.

"T-thanks" sagot nya ulit.

"Cin, I know I'm too fast but I love you and I can't wait to make you mine." sabi ko sabay hawak sa kamay nya nakita kong napasinghap sya at napatingin sa akin.

"Cin I love you and I know you still love me.. Will you let me hold your heart again?" tanong ko ulit sa kanya kita ko ang gulat sa mga mata nya kaya nagsalita ulit ako.

"Alam kong mahirap para sayo na pagkatiwalaan ako sa ngayon, but I promise Cin, I won't break your heart this time. Please gave me a chance to prove my self to you." Napahinga sya ng malalim at napapikit bago nag salita

"I- I'm sorry Den, but I- I love someone else" nauutal na sagot nya. Napabitiw ako sa kamay nya. Para akong nabingi, did I hear her right? no no! It's not true, she just want to get even!

"No! no Cin, you don't love someone else you just want to get even dahil nasaktan kita yun yun!" Galit na tugon ko. Napailing naman sya at nakita kong unti unting umagos ang luha sa mga mata nya.

"I'm telling the truth Dennis, I'm sorry.. I'm so sorry" Sabi nya sabay alis sa harap ko, tumumakbo sya palayo sakin, unti unting nadurog ang puso ko habang tinitingnan ko syang papalayo sakin. Malayong malayo sakin.

Ginulo ko ang buhok sabay buntong hininga

"Damn! My happiness just left me"

TO LOVE AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon