TO LOVE AGAIN-1

7 0 0
                                    

CINDRIX

Nakatungo ako habang pinagmamasdan ang magkasintahang naglalandian sa paligid ko. Tsk ang haharot! di ko maiwasang mapairap dahil kahit saan ako tumingin puro naglalandiang couples yung nakikita ko.

February 14 ngayon, Valentines day. Special na araw para sa mga couples na naghaharutan sa paligid ko samantalang normal na araw lang para sa akin. Binuklat ko ulit ang librong binabasa ko habang ninanamnam ang mainit na kapeng paborito ko. Nandito ulit ako sa coffee shop. Ang lugar kung saan nawasak ang puso ko. Naaalala ko na naman ang lahat at aminin ko man o hindi nasasaktan parin ako. Ayuko ng ganito feeling ko ang hina-hina ko na ang tanga tanga ko pa. Napapikit ako at pilit na iniwawaksi ang ala alang tila isang palabas na naglalaro sa isipan ko. Hindi ko maiwasang mapangiti ng mapait. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako sa puso ko!

"ah miss pwedeng maki upo?" agad kong idinilat ang mga mata ko at pinasadahan ng tingin ang lalaking nakatayo sa harap ko. Tinaasan ko sya ng kilay pero pagkatapos ay wala narin akong nagawa kundi tumango. Inilibot ko ang tingin ko sa loob ng coffee shop at nakitang wala nang available seats doon.

"Thanks" sabi nya at agad sumilay ang malalim na magkabilang dimples sa gilid ng labi nya. Tinanguan ko lang uli sya at di na tiningnan pa.

"Ano yung librong binabasa mo?" tanong niya habang nakakitingin sa librong binabasa ko. Nagkibit balikat lang ako at ipinakita sa kanya ang cover ng librong binabasa ko.

"oh! Reflections of a Man? Fan ka pala ni Mr. Amari Soul!" excited na sabi nya. Napatingin ulit ako sa malalim nyang dimples. Di ko maiwasang humanga sa kanyang mukha. Mapupungay ang kanyang mga mata habang may katangusan naman ang kanyang ilong, ang mga labi nya ay natural na mapula pati narin ang kanyang pisngi. Pero sa kabila ng paghanga ko sa kanya ay ang ideyang isa lang siya sa mga lalaking muling magpapaiyak sa akin pag binigyan ko sya ng pagkakataong mapalapit sa puso ko. Binigyan ko lang sya ng blankong expression pagkatapos ay tumango.

" Ang cold mo naman, ayaw mo sigoro akong kausap" Sabi nya nang may nakakalungkot na expression sa mukha. Sa di malamang dahilan ay agad na lumambot muli ang puso ko.

"Hindi naman, It's just that I'm not really sociable." Balewalang tugon ko.

"Ah I see shy type ka pala. By the way ako nga pala si David Gyu Ramos, Gyu nalang for short." Sabi nya sabay kindat. Napabuntong hininga nalang ako. God! my heart is not yet fixed please let me recover first before giving me another heart break!

tinanguhan ko lang sya at muling ininom ang kape ko.

" How about you? what's your name? sorry ah kung feelings close ako? It's just that I really like you" sabi nya bago humalakhak. Muntik ko namang maibuga ang kapeng ininom ko.

"what?!" is he crazy or something?

" I mean I like you... to be my friend ofcourse" tipid na sabi nya. Yeah right! that's it, they all like me to be their FRIEND .. ofcourse tsk! kahit kailan talaga napaka assuming ko!

"I'm Cindrix, and...... I got to go. Bye" sabi ko sabay hablot ng bag ko at librong dala dala ko.

"What?! I mean sabay na tayo" sabi nya at tumayo narin.

"Excuse me?" Kunot noong tanong ko.

"I said sabay na tayo. Pupunta ka ng school diba? Dun din kase ang punta ko classmates tayo kaso mukhang di mo napansin kanina late ka kase"

"oh" yun lang ang nasabi ko pagkatapos ay nag lakad na palabas ng coffee shop.

Buong araw kong kasama si Gyu sa school. At sa buong araw na yun ay sya lang palagi ang nagsasalita. Napakadaldal nya kahit na puro tango lang ang sinasagot ko sa kanya. Walang gaanong pasok nung araw na yun dahil sa mga activities na inihanda ng SSG para sa valentines special. Napairap ako habang tinitingnan ang iilang couples na kung saan saang booth napapadpad. Tsk! ang bitter ko talaga kainis!

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko si Gyu na nakatitig sakin. Panay parin ang daldal nya about sa experience nya sa old University na pinasokan nya. Tahimik lang ako habang pinapakinggan sya nang biglang may kumalabit sakin. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Dennis sa harap ko.

"Hi!" Bati ni Dennis ng nakangiti ang saya nya ngayon. Inspired na inspired. Salamantalang ako.. nevermind! nginitian ko nalang din sya at tsaka ibinaling sa mga booth ang mga mata ko.

"Hindi sumali?" tanong ko sa kanya.

"Hindi eh, wala akong partner" Nahihiyang tugon nya, napatango naman agad sya. Wala sigoro si Deien kaya wala syang partner.

"Sino sya? Boyfriend mo?" bulong sakin ni Gyu. Napalingon naman si Dennis sa kanya.

"No, kaibigan ko sya his name is Dennis, and Dennis si Gyu nga pala kaklase ko." Kibit balikat na sabi ko tumango naman si Dennis habang si Gyu ay pilit na ngumiti.

"nga pala I got to go may aasikasuhin pa kasi ako eh" sabi ni Dennis pagkatapos ay may ibinigay siyang scented paper sakin at naglakad palayo.

Napakunot naman ang noo ko. bubuksan ko na sana yung scented paper nang biglang magsalita si Gyu.

"Drix labas tayo mamaya, my treat" sabi nya sabay kindat

"Ha?" nalilitong tugon ko. Niyayaya nya ba ako ng date?!

"Sabi ko labas tayo mamaya, nababagot kasi ako sa bahay tsaka ikaw palang yung kakilala ko dito." Nakangitinging tugon nya.

"Oh I see, sige" dismayadong sagot ko. Tss he's talking about a friendly date. Talent ko na talaga yata ang mag assume.

"Okay then, antayin nalang kita sa park?"

"okay" pilit na ngiting sabi ko

Pagkatapos nun ay umuwi na kami agad naman akong nagbihis at umupo malapit sa study table paglapag ko ng books ko ay nahagip ng mata ko ang scented paper na binigay ni Dennis kanina. Agad ko itong binuklat para basahin ang naka lagay. Nanlaki ang mga mata ko at muling bumilis ang pag tibok ng puso ko.

"Go out with me tonight" - Dennis

TO LOVE AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon