TO LOVE AGAIN-5

3 0 0
                                    

GYU

"Ready na ba lahat?" tanong ko sa may ari ng coffee shop na nirent ko para kay Drix. Inilibot ko ang tingin ko nagkalat ang mga balloon sa paligid. Nakahilera ang mga bulaklak sa pintuan ng coffee shop. Sa gitna ay may isang upuan sa gilid naman nito ay may gitara. Balak ko kasing ligawan sya sa mismong coffee shop na to ngayong gabi. At kung ano man ang magiging desisyon nya ay tatanggapin ko. Balak kong kantahan sya. Yung kantang ako mismo ang gumawa. Yung kantang isinulat ko para sa kanya. I like Drix sa simula palang. Una ko syang nakita noon sa isang Bar wasted na wasted sya that time at mag isa lang syang umiinom. Unang kita ko palang sa kanya ay nakuha na nya agad ang atensyon ko. Pano ba naman kase inappropriate ang ayus nya like seriously di ko alam kung papunta ba talaga sya ng bar o papunta ng simbahan. Medyo tipsy na sya nung time na tumabi ako sa kanya I smiled at her pero inismiran nya lang ako.

"Hi" bati ko sa kanya.

"Hello" walang ganang sagot nya. Ewan ko ba pero mas lalo akong natuwa dahil sa inasal nya sakin.

"Mag isa kalang?" tanong ko.

"Nope I'm with you dahil sasamahan mo akong uminom ngayong gabi" taas kilay na sabi nya. Napangiti naman ako habang umiiling. Hindi pa kami magkakilala pero kung umasta sya ay parang tropa kami. Tsk! may tama na to for sure.

"taas ng confidence ah?" natatawang sabi ko. Nagkibit balikat lang sya ang nagpatuloy sa pag inom hanggang sa nalasing na sya. And with that she started telling her story.

"Bakit kaya ganoon no? Bakit ang daming paasa sa mundo? Bakit kailangan nilang paasahin yung tao kung hindi rin naman pala sasaluhin sa huli. Nakakainis alam mo yun. Yung feeling na kumapit ka masyado kase alam mong masyadong mataas yung mahuhulugan mo at pag nahulog ka hindi kana makakabangon pa pero biglang may nagsabi na sige bumitaw kana wag kanang kumapit sasaluhin naman kita eh, tapos ikaw naman si tanga hindi ka nakuntento sa pagbitaw tumalon kapa tapos nung nahulog ka wala man lang sumalo sayo kasi yung taong nagsabing sasaluhin ka ayun may sinalo na iba. Kainis diba? Kung kailan ka nafall saka ka iiwan!" Nayayamot na sabi nya. Tiningnan ko lang sya labang nagpapatuloy sya sa pag inom.

"Kainis, kayong mga lalaki ang hilig hilig nyong magpaasa lalo na yang Dennis na yan nako nako pag ako gumanda Who you talaga sya sakin."

"Kahit gaano ka pa kaganda kung hindi ka nya mahal hindi ka parin nya mapapansin at hindi ka parin nya pipiliin. Yun yun!"  kibit balikat na sabi ko. Natigilan naman sya.

"Yeah right" mapait na tugon nya.

"Maybe I love him better than anyone but I'm still not enough. I'm good, but I'm never enough." Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata nya agad naman nya itong pinunasan. Nung mga oras na iyon ay gusto kong akuin lahat ng sakit na nararamdaman nya. That time I said to myself that I need to protect this girl from all the pain and heartaches. She's fragile and unfortunately the guy who holds her heart were holding her wrong. He's careless, He need to put her away, away from his careless touch inorder for her to stop breaking over and over again. I suddenly felt the urge to be his knight who want's to protect her.

"He had the worst excuses and  I hate myself for forgiving him over and over again. For believing in him even if I know that he's just fooling me. I'm just so freaking stupid and I hate it" Iyak tawang sabi nya. I just listened to her until she fall asleep.

I stared at her angelic face and I saw tiny water running down from her cheeks. I wipe it right away. Just like how much I want to wipe away her pain.

"Anong gagawin ko para mawala yung sakit na nararamdaman mo?" tanong ko sa kanya. Nang wala akong makuhang sagot ay unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa mukha nya at hinalikan sya sa noo.

TO LOVE AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon