TO LOVE AGAIN-6

5 0 0
                                    

CINDRIX

Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising late ako at wala ako sa sarili habang papunta ng school. Nayuko ako habang tinatahak ang hallway kaya naman di ko sinasadyang maka bangga ng tao. Pareho kami ngayon na nakasalampak sa sahig. Unti-unti akong nag angat ng tingin para sana mag sorry at nakita ko si Gyu. Inis syang nag iwas ng tingin sakin at kaagad na nilagpasan ako at nauna nang pumasok sa room namin. napapikit ako dahil naalala kong hindi ko na naman sya sinipot kagabi. Sa di malamang dahilan ay nainis ako sa sarili ko.

"Gyu"  tawag ko sa kanya matapos ang klase. Lumingon sya sandali at pagkatapos ay nag iwas din agad ng tingin.

"Gyu wait teka nga muna" inis na sabi ko sabay harang sa dinadaanan nya. Nagtaas lang sya ng kilay at inantay akong magsalita.

"Look I'm sorry okay nawala-" hindi ko paman natapos ang sasabihin ko ay pinutol na nya agad.

"Nawala na naman sa isip mo? Ganoon naman talaga parati diba? Pag nandyan sya palagi nalang akong nawawala sa isip mo. Pag nandyan sya kaya mong e set aside lahat pati ako. Pag nandyan sya kaya mong kalimutan lahat pati ako." nabiligla ako sa pagtataas nya ng boses. Kaya naman di ko narin napigilan ang sarili ko.

"Teka nga ano bang problema mo nag sosorry na nga ako oh, tsaka hindi ko naman talaga sinasadya ah?!" Inis na sabi ko sa kanya.

"Ewan ko sayo Drix, ewan ko nalang talaga" Inis na sabi nya at pumasok na kaya naman pumasok narin lang ako. Buong klase ay titig na titig ako kay Gyu na wala sa sariling naka tingin sa kawalan. Nakakunot ang noo nya at tila may malalim na iniisip. Napabuntong hininga nalang ako. Alam ko namang kasalanan ko. Pinag antay ko sya at di sinipot pero kasi argh! ewan ko. Pagka labas na pagkalabas namin ng classroom ay tinawag ko agad sya pero di nya ako nilingon kaya naman wala akong choice kundi tumakbo ang higitin ang kamay nya.

"Gyu ano ba! antayin mo nga ako" Naiinis na sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga naman sya bago humarap sakin.

"Now what?" seryosong tanong nya.

"Look Gyu, sorry na okay? Gulong gulo ang isip ko kagabi kaya nakalimutan ko. Sorry na please?" Malambing na sabi ko sa kanya. Nakita kong lumambot ang expression ng mukha nya.  Magsasalita na sana sya nang biglang sumulpot si Dennis.

"Cin" Bati nya sakin na nagpakunot ng noo ni Gyu. Kinalas nya ang pagkakahawak ko sa braso nya bago nagsalita.

"Nandyan na ang prinsipe mo, aalis na ako." Malamig na tugon nya.

"Ah para sayo nga pala" nakangiting sabi ni Dennis at ibinigay sakin ang bouquet ng chocolate na paborito ko. May iilang studyanteng napalingon pero agad din namang nag iwas ng tingin.

"Dennis ano na naman ba ito?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"I told you Cin liligawan kita. I want you back and I'll beg for my chance. That's what I should do" seryosong sabi nya. Napapikit nalang ako dahil sa pagka irita.

"Liligawan? Ghad! you're making me laugh Dennis. Liligawan moko ngayon tapos pag nagsawa ka iiwan mo na naman ako sa ere? this is bullshit Den. Itigil mo na tong kahibangan na to" Inis na sabi ko sa kanya.

"This is not sort of another play Cin, I love you and I know what I feel. Why can't you just give me a chance? I promise I will make things right this time. I promise Cin." Nagsusumamong sabi nya. Napapikit ako at inisip ng mabuti ang dapat kong gawin. Should I give him another chance?

"Please Cin, I'm begging you" Sabi nya sabay luhod sa harap ko. Nalaglag ang panga ko sa ginawa nya.

"Stop that Dennis, tumayo ka dyan." Natatarantang sabi ko. Naglingunan ang mga studyante sa harap namin kaya mas lalo akong nataranta.

TO LOVE AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon