Ikatlong Kabanata

175 0 0
                                    


"Ano ba kasing nagawa mo sa mga goon na 'yon?" anang tanong ni Prince habang pinapahiran ng betadayn ang sugat ni Kevin.

"Aray! Dahan dahan naman Prince." Reklamo pa ni Kevin nang mapadiin ang paglapat ni Prince ng cotton sa sugat niya.

"sorry." Ani Prince.

Bumuntong hininga naman si Kevin. Hindi sinasadyang maamoy ni Prince ang napakabangong hininga ng binata. Parang sandali siyang natulala dulot noon. Hindi na niya nauunawan ang sistema niya. Para na siyang alipin ng mga essence ni Kevin.

"Ganito kasi 'yun, kanina, nakita kong may pinag-lalaruan silang estudyante. Lingid kasi sa kaalaman noon na pinagtatawanan na siya ng mga goon, kasi napapapikit pa ito ng mata at hindi niya siguro alam na may butas pala ang gitnang parte ng pantalon niya kaya't kinukuhaan ng mga gungong ng video yung estudyante. Mukhang balak pa ata nilang e-upload sa Youtube kaya naman inagaw ko yung phone at idinilete yung file, malay ko naman ba na mga basagulero pala yung mga mukhang unggoy na'yun kaya napasabak ako sa suntokan." Lintaya naman ni Kevin. Pulos patango tango lang ang tugon ni Prince.

"Ikaw naman, ba't mag-isa ka lang doon kanina?" pabalik ng tanong ni Kevin.

Suminyas lang ng "wala" gamit ng dalawang kamay si Prince. Ayaw din kasi niyang sabihin na napaka-senti niya.

"Siguro may kikitain ka roong lalake ano?" muling tanong ni Kevin sunod ay pumakawala ito ng malakas na halakhak.

Bigla tuloy naalala ni Prince na kikitain sana siya roon ni Lorielyn kanina. Agad siyang lumayo kay Kevin at binuksan ang cellphone. Nakita niyang marami ng missed calls si Lorielyn, at nag-iwan ng mensahe. Tinatanong nito kung nasaan siya, ba't hindi siya nito mahagilap, kung kamusta na siya o kung nauna na ba siyang umuwi. Hindi sila boardmate. Malapit lang ang bahay nina Lorielyn sa eskwelaha, isang sakayan lang kaya't umuuwi lang ito sa bahay nila. Nireplyan naman niya ang babae na sinasagot ang mga tanong nito. Inilapag niya ang cellphone sa kanyang mini-table at kinuha ang kanyang towel bago nagpaalam na magsha-shower siya dahil sa mga dumi na nasagap niya kanina noong natumba siya sa lupa dahil sa suntok noong isang goon.

Kampante siyang naliligo at pakanta-kanta pa siya ng paboritong musika na, I will be here for you kahit mali-mali yung lyrics at wala rin siya sa tono. Matapos niyang maligo ay mabilis siyang nagbihis sa loob ng banyo, ayaw kasi niyang lumabas na nakahubad bagamat naroon si Kevin sa labas. Hindi siya sanay na may makakitang nakahubad siya.

Wala namang mga nakakadireng marka na nakaguhit sa katawan ni Prince. Sa katunayan ay flawless at maputi ang balat niya. Katamtaman lang ang pangangatawan at tangkad, hindi gaya ng tangkad ni Kevin na hanggang lagpas leeg lang siya. Singkit ang mga malabo niyang mata, matangos ang ilong at may magandang kurba ng mga labi. Ang totoo, maraming babae ang nagkakagusto sa kanya kahit pa nga napakamalumanay, at pinong pino siya kung gumalaw.

Hindi siya kagaya ng ibang bakla na napakamagalaw, napaka-vocal, at ang aarte. Simpleng simple lang si Prince. Lalake ang pananamit, lalake kung gumalaw magaslaw lang. Hindi rin siya ganoon ka-landi na halos ubusin ang pera para sa nagugustuhang lalake. 'Pag nagka-crush man siya, ay itinatago lang niya 'yon. Iniiwasan narin niyang mahulog ang loob pang muli sa mga lalake. Nangako siyang huli na si Dennis na iibigin niya. Hindi na siya papayag na makadama nang ganoong feelings pang muli.

Nang maka-bihis na ng pambahay, ay agad na binuksan ni Prince ang pinto ng banya. At laking gulat niya, at halos mahulog ang mga mata niya sa bumulaga sa kanya.

Si Kevin na nahuli pa niyang kumakalot ng hita. Nakatapis lang ito ng tuwalya, habang nakaharang ang isang kamay sa pintuan.

Damang dama niyang walang ano mang suot si Kevin, nasisilayan narin kasi niya ang mga marka ng garter sa kanyang baywang. Napakababa pa naman ng pagkakalagay ng tuwalya ni kevin.

Boarding House (A Short Gay Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon