Ikaapat na Kabanata

170 1 0
                                    


Habang kumakain ang dalawa ay naisipan ni Kevin na sirain ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"Magkwento ka." Aniya.

Napaturo naman sa sarili si Prince. "Ako?" wika pa niya.

Tumango tangong nakangiti si Kevin at hinintay siyang magkwento.

"Tungkol saan, sa'kin?"

"Oo. Family background, love life, dreams at kung ano-ano pa. Total magsasama na naman tayo sa iisang kwarto ng matagal, dapat kilala na natin ang isa't isa." Turan pa ni Kevin.

Tumango lang si Prince bilang sang-ayon.

"Napa-typical lang ng buhay ko. Ako si Prince. Prince Castronuevo. Isa lang ako napaka tahimik na bata. Hindi man ako nakikitang masayahin kasi nga halos wala rin naman akong imik eh sa loob loob ko, natutuwa ako. Kasi may pamilya ako. May mga kapatid, isang maunawain at mapagmahal na ina at isang..." bumuntong hininga muna siya saka tumingin sa taas.

"Isang ama. Napakalupit niya sa'ming magkakapatid. Pero actually, sa amin lang ni ate Angel. Natatandaan ko pa noon, eight years old palang ako, nine years old naman si ate Angel. Naglalaro kami sa banyo namin, nag sasabuyan ng tubig, tapos nakita kami ni papa. Nagalit siya sa'min kasi napaka wreckless daw namin, hindi kami nag-iingat. Kinaladkad pa nga ako ni papa eh. Pinaluhod niya ako sa hagdan at pinagpapalo ng sinturon. Iyak lang ako ng iyak noon. Tapos nilapitan ako ni ate Angel at niyakap niya ako, kaya siya naman itong napapalo ni papa. Tinantanan lang niya kami noong inawat siya ng yaya namin. Naging matalik kaming magkaibigan ni ate. Inggit na inggit kami noon sa kuya naming si Roger kasi palagi siyang binibilhan ng magagandang gamit ni papa. Sampong taon ang agwat namin ni kuya Roger. Siya lang 'yung mahal ni papa. Pero isang araw, nagpakamatay si kuya. Ang alam ng papa namin aksidente lang na nabundol ng truck ang kuya ko. Si papa ang sinisisi ni mama sa nangyari. Hanggang sa sumunod na mga taon, nakita ni papa na sinundo si ate Angel ng lalake niyang kaklase. Nagalit si papa at tinawag niyang kiringking si ate. Doon natutong ipaglaban ni ate ang sarili niya laban kay papa, nagalit si papa dahil nagrerebelde na raw si ate. Pinalayas niya si ate sa bahay. Noong araw naiyon, nabalitaan ng yaya namin na ipinasabog ng rebeldeng grupo ang bus na sinakyan ni ate Angel. Sinisi nang sinisi ni mama kay papa ang mga nangyari. Inatake sa puso si papa kaya ayun, hanggang ngayon nakaratay siya sa hospital. Naiinggit nga ako kay ate eh, kasi kahit na sa huling sandali, naipaglaban niya ang sarili mula kay papa. Pero ako, hanggang ngayon nanatili paring nakatali sa nakaraang 'yon. Galit ako kay papa, kahit alam kong maling magalit sa lipunan. Galit ako sa kanya. Dahil sa kanya kaya naghihirap kami ni mama ngayon. Galit na galit ako sa kanya, hindi ko siya kayang patawarin!" habang nagku-kwento ay hindi tumitigil sa pagpatak ang mga luha sa mga mata ni Prince.

Nahabag naman si Kevin sa nakikita. Hindi niya alam kung paano pagaanin ang nararamdamang kirot ni Prince.

Tumayo siya at lumapit sa tabi nito. "Okay lang na umiyak ka. Hayaang mong lisanin ng mga luha ang mga mata mo kasama nang iyong mga poot at galit, Prince." Ani Kevin habang hinahagod ang likod ni Prince.

"Hindi nga ata ako nauubusan ng luha eh. Araw araw naman akong umiiyak, pero nandirito parin sa puso ko ang kirot at galit." Humahagolgol na turan ni Prince. Kusang inakbayan ni Kevin si Prince at inilapat ng marahan ang mga labi sa noo ni Prince. Hindi rin niya tiyak kung bakit niya ginawa iyon. Pero nakikita niyang epektibo naman iyon dahil kumalma naman si Prince at hindi narin ganoon kalakas ang paghagulgol niya.

"Alam mo Prince, you remind me of someone." Saad ni Kevin habang inaakay ang ulo ni Prince pasampa sa kanyang balikat. Balisa narin si Prince at nawalan na ng gana kumain.

Boarding House (A Short Gay Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon