Unang Kabanata

321 0 0
                                    


Maagang nagising si Prince dala ng ingay ng telepono sa sala ng inuupahang boarding House. Wala pang ibang boarders doon maliban sa kanya, kaya't wala siyang mapagpipilian kundi ang bumangon upang tanggapin ang tawag.

Pakusot mata pa itong naglakad papuntang sala. Payak lang ang boarding House. May dalawa itong palapag, ang unang palapag kung saan naroon ang silid ni Prince ay gawa sa konkretong semento samantalang ang nasa ikalawang palapag ay yari naman sa plywood.

Nag-unat-unat sandali ang labing siyam na taong gulang na binata bago tuloyang dinampot ang telepono at inilapat ito sa kanang taenga.

"Good Morning. This is Cassador's boarding house, how may I help you?" maagap na pagbati niya kahit na medyo inaantok pa siya't kating kati nang bumalik muli sa kanyang kama.

"Hello Prince, ay pasensya na at nagising ata kita, ano kasi, hindi ako makapupunta riyan ngayon. Kung okay sana sa'yo ay pakisuyo namang linisin ang katabi mong kama." kilalang kilala na niya ang buses ng nasa sengkwenta anyos na tinig na'yon, si Aleng Lina. Ang kanilang mabait na landlady, halos ituring na nga siyang ina ni Prince dahil sa pagiging maunawain nito.

Napabuntong hininga si Prince. "Bakit naman po Nanay Lina?" mahinahun niyang tugon.

"May uukupa kasing bagong boarder diyan sa silid mo. Wala na kasing available na rooms, at nagustohan naman niya ang silid, kaya agad niyang kinuha ang bed space."

"Ganoon po pala. Ah sige po, lilinisin ko nalang po at aayusin ang kama. Hindi ko na po ba papalitan ang kama, ayos na po ba'yun?"

"Ayos na'yung kama. Paki-handa nalang ng kwarto, mamaya darating na siya riyan."

"Wala pong problema. Sige po."

Ibinaba na ni Prince ang telepono. Muli siyang nag-unat at hinanap ang mga materyales na panglinis para ligpitin ang mga mumunting kalat sa kwarto niya.

Sa katunayan, hindi naman ganoon ka-kalat ang silid ng binata, gusto lang talaga ni ginang Lina na maging presentable sa bagong boarder niya ang uukupahing kwarto.

Naglampaso ng sahig, nagtanggal ng mga bahay ng gagamba sa kisame at nag-ayos ng mga gamit at kung ano-ano pang pag-aayos ang ginawa ni Prince. Naging abala siya sa pag-aayos na nalimutan narin niyang kumain ng agahan. halos alas unse na ng tanghali nang matapos niyang gawin ang mga 'yon, dala ng labis na pagod ay hindi sinaadyang nakatulog siya sa kamang nilinisan niya.

Hindi niya matandaan kung ilang oras siyang nakaidlip, kahit nakapikit pa ang mga mata ay damang dama niya ang panglalagkit ng katawan at kakaunting pang-aamoy araw. Marahan niyang iminulat ang mga mata.

Hindi niya alam kung ano bang dapat nitong gawin, halos mag-panic siya sa makita.

Bumungad sa mga mata niya ang isang binatang nakangisi sa harapan niya. 'Yung literal na napakalapit ng mukha nito sa mga mukha niya. Maswerte nalang at hindi niya agad naiangat ang kanyang mukha dahil kung nagkaganoon ay bagka nagtagisan na ang mga labi nila pareho.

"Ahhhhh! Tulong, may magnanakaw! Ahhh!" biglang pagtili nito na hindi naman inaasahan ng lalakeng kaharap niya.

Maagap namang pinigilan ng lalake ang pagsigaw niya sa pamamagitan ng paglapat nito ng palad sa bunganga niya upang pigilan siya sa paggawa ng eskandalo.

Mas lalo pang naloko si Prince nang mahagip ng mata niya ang kalahating hubad na katawan ng binata, namamalasan niya ang malapad na dibdib nito, halos magkahiwalay ang buhay na buhay nitong maumbok na dibdib. Napaka-sexy noon at nakaaakit sa mga inosente niyang mata. Nakikita rin niya ang mga mauumbok na pandesal na nakakapit sa tiyan nito, pati narin ang iilang balahibo na lumalabas mula sa ilalim ng pusod nito. Moreno ang kulay ng balat at tila pinagpapawisan sapagkat namamasa ito.

Boarding House (A Short Gay Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon