Ikalawang Kabanata

236 0 0
                                    



"Tahan na iyakin ka pala eh. Parang 'yun lang nasabi ko, iiyak ka agad. Uy sorry na ha?"

Halos mangiwi at mapasigaw sa kahihiyan si Prince nang mabalik sa isipan niya ang eksenang 'yon, hindi niya inaasahang makakayakap niya ang isang kalahating hubad na lalake, samahan pang tanging boxer short lang ang saplot nito. Halos mabaliw siya sa kaiisip sa mga nangyari. Parang kinuryente siya. Hindi niya tiyak kung anong gagawin. Wala na ata siyang mukhang maihaharap sa lalake. Dapat na siguro siyang lumipat ng Boarding House. Pero hindi maari, may tatlong buwan pa kasi siyang balanse sa upa. Eh kung lumipat nalang siya ng silid? Hindi rin posible 'yun, dahil nga ayon sa sinabi ng landlady nila noong huling pag-uusap nila sa telepono, ang kwarto niya nalang ang bakante kaya doon umukupa si Kevin.

"Ugh! Nakahihiya! Ano ba tong nagawa ko! Baka isipin non sa'kin Hokage ako. Kasi iiyak iyak ako para lang yakapin niya! Eh! Para na'kong manyakes. Kadire ko na. Ew, kadire." Walang sawa sa pagsigaw ang isipan niya, hindi na siya maka pokus sa pakikinig nang lecture ng kanilang professor. Hindi talaga mapakali ang isipan niya.

"Uy, friend. Ano ba? Ba't ka naman hampas nang hampas ng desk mo riyan? Para kang bulate, ang gulo mo. Ano bang nangyari ha?" pabulong na tanong sa kanya ni Lorielyn, kanina pa kasi nito napapansin ang hindi mapakaling kaibigan. Magkaklase sila sa isang minor subject ngunit magkaiba ang kursong kinuha nila. Si Lorielyn ay BS Accountancy ang kinukuha habang si Prince naman ay Bs Biology.

Mahilig kasi siya sa agham at mga nakaiintrigang Facts kaya hindi nakapagtatakang pinursige niyang kunin ang BS Bio. Hindi naman na siya pinigilan ng ama, para saan pa? Wala na 'yong magagawa dahil bagsak na ang katawan noon sa kama niya sa hospital, kasabay ng pagbagsak ng katawan nito ang pagbagsak ng financial nila. Maykaya naman kasi sila noon kahit papaano. Isang employer ang ama niya sa isang sikat na Money lending company sa Metro Manila at mataas ang posisyon nito sa kompanya. Kaya't naka-pundar sila ng bahay, kotse, lupa at maliit na boutique. Ngunit lahat nang mga 'yon ay naubos nang magkaproblema siya sa puso at atay. Tanging ang bahay na lamang nila ang natira sa naipundar nila, kahit papaano'y may pera pa namang natitira sa savings nila noon na pilit nilang pinagkakasya, pampaaral sa kanya, pambayad sa kuryente, tubig, bill ng hospital ng tatay niya at kung ano-ano pang gastusin. Nagtatrabaho bilang part time sales lady ang mama niya sa isang department store malapit sa Hospital kung saan nakaratay ang tatay niya.

"Wala naman friend. Wala namang bumabagabag sa'kin." Mahinang tugon niya at inayos ang pagkakaupo.

"Yung totoo. Sus, kilala kita. Wala kang maaaring ilihim sa'kin." Pangungulit naman ni Lorielyn sabay kiliti sa tadyang ni Prince dahilan para mapalakas ang paghalakhak nito.

Napahinto naman ang lahat at napatingin sa kanya ang buong klase pati narin ang preofessor nila.

"Mr. Castronuevo, out!" bulyaw nang kanilang guro.

Yumuko siya bilang pagsunod, dahan dahan niyang kinuha ang bag at marahang tumayo.

"Wow chicks. Ang hinhin friend. Buti ka pa maaga break mo. Kitakits nalang tayo sa cafeteria mamaya." Pabulong pa ng kaibigan na natatawa a.

"Ewan ko sa'yo." Pabulong ding tugon niya saka naglakad palabas ng silid.

Hindi niya alam kung ano ang pinakamainam na gawin ng isang mag-isang nilalang kagaya niya. Halos malumos siya, 'di niya kaya ang maging mag-isa sa gitna ng napakaraming tao. Mas mabuti pang nasa malayo nalang siya nang sa gayon ay walang makapansin sa presensya niya. Mabilis siyang humakbang palayo ng lobby upang makahanap ng tahimik na parte ng kanilang campus.

Nag-ikot ikot siya ngunit lahat ng mga pavement ay napupuno na ng mga estudyante.

No choice siya kundi ang tumungo sa likod na bahagi ng paaralan nila. Kung saan maraming matataas at matatandang puno, may pagkadilim ang lugar at sinasabing may gumagalang multo roon. Hindi na nito pinasin ang takot, mas gusto niyang makasama ang multo kaysa sa mga tinging nakalulusaw ng ibang tao.

Boarding House (A Short Gay Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon