Ikalimang Kabanata

170 1 0
                                    


"Kiss kita, sa lips na mismo. I-delete mo 'yan. Seryoso ako." Wika ni Kevin at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Prince. Sunod ay ipinikit niya ang mga mata at mas inilapit ang mga labi sa labi ni Prince. Kunting kunti nalang ang destansya ng mga ito. Ibinuka pa niya ang bunganga upang halikan si Prince. Nakompirma nga ni Prince na hindi siya binibiro ni Kevin at mukhang totohanin na nitong ang paghalik sa mga labi niya, kaya't ipinikit narin niya ang kanyang mga mata.

Ilang momentong katahimikan ang nanaig sa kanilang silid. Matutuloy na sana ang halik kung di lang sana dumating si Lorielyn na halos mapa lundag sa nasaksihang halos maghalikang si Prince at Kevin.

"Oh my, Oh my, Oh my! Gosh! Anong ginagawa niyo people?!" Natatarantang bulalas nito.

Mabilis namang itinulak papalayo ni Prince si Kevin papalayo sa kanya. Muntikan na sana siyang nakunan ng first kiss.

"Ehem. Ah, Lorielyn. Hi!" hindi niya alam kung paano simulan ang pagbati sa kaibigan. Pakiramdam niya'y pinandidirian na siya ng babae. Kilala kasi siya nitong demure at hindi pumapatol sa kung sino-sinong lalake o ni isang lalake, tapos biglang masasaksihan siya nitong muntik nang makipaghalikan sa kanyang roommate.

"Anong nangyayari rito Prince? At ew! Sino 'yan lalakeng 'yan? Jowa mo? Friend naman, pipirahan ka lang niyan. Mukha pa lang eh!" sabay duro pa niya kay Kevin na hindi mapakali sa nangyayari, napalugay pa ito ng mga buhok gamit ang mga kamay sa depresyon. Talagang babaeng napakaganda pa ang makakahuli sa kalokohang gagawin niya. Totohanin na talaga sana niya ang halik na iyon, hindi rin niya alam kung bakit ginawa niya iyon.

Natulala naman si Lorielyn nang makita ang mukha ni Kevin. Halos malaglag pa nga ang panga niya ng makilala ito.

Kilalang kilala niya si Kevin. Crush kasi niya si Kevin simula pa first year. Nursing ang kinukuha ni Kevin na malapit naman ang department nila sa depertment nina Kevin. Sino ba namang babae ang hindi magkakagusto rito? Matangkad, moreno, makisig, magaling maglaro ng basketball at napaka maginoo. Ngunit sa nahuling eksena mukhang makokontamena ang imaheng nabuo sa isipan niya tungkol kay Kevin.

"Mayaman na 'yan ah? Ba't parang peperahan pa ata nito si Prince. Ugh!" sigaw ng isip niya habang tumutungo kay Prince. Hinatak niya ang kaibigan papuntang labas ng kanilang boarding house. Dinala niya ang kaibigan sa harden sa labas.

Binitawan niya si Prince na nakayuko at nakikipaglaro sa sariling mga daliri. Nag-cross arm siya't hinarap nang nakataas kilay ang kaibigan na para bang kokomprontahin niya ito kagaya ng isang police detective.

"Is Kevin flirting with you, Prince? Ano ito, pini-perahan ka ba niya? Jowa mo na ba 'yun? Kaloka ka Prince!" sunod sunod niyang pagtapon ng mga tanong sa kaibigan.

Agad namang sumenyas ng "hindi" si Prince gamit ang dalawang kamay. "Hindi. Hindi. Hindi at hindi ganoon Lorielyn. Mahabang kwento, pero kasi boardmate ko siya."

"Eh? Para lang boardmate ka niya dapat hahalikan ka na niya? Aba manyakis pala 'yun eh! Ano tinatakot ka ba niya, kaya ka pumapayag na gawing sunod sunuran sa kanya? Halika ipapa-blatter natin siya!" mabilis na hinatak ni Lorielyn si Prince.

Pinatigil naman ni Lorielyn si Prince sa gustong gawin.

"Ano ba Lorielyn! Mahaba kasing storya eh. Pero tinitiyak ko sa'yo ligtas ako." Tugon naman ni Prince.

"Mahabang storya? Sige nga kwentuhan mo'ko." Turan naman ni Lorielyn saka namewang at hinintay ang kwento ni Prince.

Bumuntong hininga sandali ang kaibigan at nagsimulang isa-isahin ang kwento.

Boarding House (A Short Gay Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon