Ikaanim na Kabanata

213 2 0
                                    



Balisa parin si Prince. Muli na naman niyang naaalala ang mukha ni Dennis. Bakit nagpakita ulit ito matapos siyang paasahin? At bakit kailangan pa siya nitong kausapin ng malapitan. Bakit hindi niya nagawa 'yun noong nasa high school pa lamang sila? Ang daming bagay na bumabagabag sa kanya.

Kasing bagal ng pag-usad ng pagong ang kanyang paglakad patungo sa kanilang eskwelahan. Mahigpit ang pagkakapit niya sa magkabilang strap ng kanyang backpack.

Pakiramdam niya'y muli na namang umaasa ang puso niya. Muli na namang nagiging presko sa isipan niya ang kirot na dulot ng neglection sa kanya ng lalake.

Sa dami nang kanyang iniisip, hindi niya namalayang may grupo ng kalalakihan na pala ang naka-abang sa kanya. Sila 'yung mga lalaking naka-engkwentro ni Kevin.

Nakangisi ang mga ito at mukhang may masamang balak sa kanya.

"Psst! Prince. Kumusta." Natatawang bati sa kanya ng leader ng mga goon.

Nagsitawanan naman 'yung mga lalake sa tabi noong goon. Mukha atang gumawa ng research ang mga goon dahil kilala na nila si Prince, at alam rin nila ang daanan nito.

Nabalik naman ang atensyon ni Prince at nakaramdam ng takot nang makilala ang mga goon.

Napayuko siya ng ulo at mas lalong hinigpitan ang pagkapit sa mga strap ng bag.

"Gusto mo bang mabangasan ulit, lamya lamya mong lumakad ah? Hahaha!" hirit noong isa sa mga lalake. Wala namang ni isang nakisabay sa pagtawa niya at parang walang nagbigay ng atensyon para sa banat niya.

"Ah teka, 'di ba pang sigain yung linya kong 'yon mga pare?" protesta pa nito.

Nagkibit balikat namang ang mga kasama niya 'di na siya pinansin pa.

"Suntokan tayo pare. One on one lang. Hindi ba at nais mong makaganti sa'kin dahil sinuntok kita?" pang-aanyaya nang leader sabay tulak sa kanang balikat ni Prince.

"Hindi ako lalaban sa inyo. Tigilan niyo nalang ako." Mahinang usal ni Prince na halatang kinakabahan na sa maaring mangyari sa kanya. Alam niyang wala siyang laban dito. Kaya kung mas maigi ay umiwas na lang siya.

"Hindi ba noong nakaraan nating pagtatagpo ay ang tapang tapang mo? Sige na! Ilabas mo ang apog mo, suntokan tayo!"

"Ayo ko." Matipid na tugon ni Prince.

"Aba ay ginagalit mo'ko ah. Isang round lang!" iritadong bulyaw ng lalake at malakas na itinulak si Prince. Nawalan ito ng balanse at napaupo sa sahig. Nakayuko parin ang ulo at napapikit ng mga mata.

"Tigilan niyo siya, mga duwag ata kayo eh. Isa laban sa grupo ng mga mukhang tutubi? Aba ang unfair noon." Napaangat si Prince ng ulo nang marinig ang buses na'yon.

Nasilayan niya ang isang likod ng babae na nakatayo sa harapan niya't pinipigilan ang mga goon sa pagtadyak sa kanya.

"Miss beautiful, huwag ka nalang makialam dito kung ayaw mong masaktan." Pagbabanta pa nong leader ng grupo sa babae.

Natawa pa nang napakalakas 'yung babae sabay type sa cellphone nito.

"Sandali lang ah? Tatawagan ko lang ang tatay kong pulis." Saad pa ng babae saka inilapat ang cellphone niya sa kanyang taenga.

"Oh, yes dad? Magpadala ka nga po ng batalyon ng pulis dito sa kanto, yung malapit po sa Pansitan ni Aling Olive? Sige dad, salamat paki-bilisan lang po." Nakangiti niyang ibinaba ang phone at inihampas hampas nito ang cellphone sa kanyang palad na animo'y sinisindak ang mga goon.

Boarding House (A Short Gay Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon