"Come on! Don't look at me like that, Samore!" Sigaw ng pinsan kong si Israel. Humalakhak ako. Umiling siya at tinapik si Kuya Yanter. Pumito ang referee hudyat na magsisimula na ang first quarter. Natawa ako nang makita kong ang first five na maglalaro ay lahat ng pinsan ko.
"You will cheer for us, right?" Tanong ni Thaddeus. Hinawakan ko ang libro ko bago tumango sa kaniya. Nakita ko kung paano tumawa ang mga pinsan ko habang nakatingin sa akin.
Nagsimula na ang laro. Malakas ang sigawan ng mga babae sa mga bleachers. Kahit takpan ko ang tenga ko ay naririnig ko pa rin. This is just a practice game at hindi ko alam kung bakit nagiging OA sila.
"Duff, here!" Rinig na rinig ang sigaw ni Kuya Yanter. Pinasa naman ni Duff ang bola sa kaniya. Pilit na sinusubukan ni Kuya Yanter na maipasok ang bola ngunit masyadong malakas yata ang nakabantay sa kaniya. Nakita kong lumapit si Isidro sa kaniya at sumenyas na ibigay ang bola. Pinakawalan iyon ni Kuya Yanter at mabilis na na-shoot ni Isidro ang bola. Dahil sa nangyaring iyon ay mas lumakas pa ang hiyawan. Girls and their mouths.. I'm a girl too but I'm not loud.
Tumayo ang coach ng kabilang team. Hudyat na magkakaroon ng timeout. Ang mga pinsan ko naman ay lumapit sa mga teammates nila na pare-parehong nakasuot ng kulay red na jersey. Nilingon ko ang nasa kabilang bleachers. Ang kalaban ng team ng mga pinsan ko ay iyong mga ka-batch kong Grade 8. Ang mga pinsan ko naman ay mga Grade 9 na.
Hindi ko pinansin ang mga pinsan ko kahit na tinatawag nila ako. Kung hindi lang naman nila ay pinilit ay hindi ako sasamang manood dito. I'd rather stay at home."Uy, Samore! Sino'ng sinusuportahan mo? Dapat doon ka sa team natin!" Nagulat ako nang biglang nagsalita ang nasa kanan ko. Hindi naman kami masyadong malapit sa isa't isa pero dahil na rin sa lakas ng boses niya ay narinig ko agad.
"Wala akong sinusuportahan." I shyly said. Ngumiti naman siya sa akin. Hindi ko siya kilala pero mukhang ka-batch ko siya.
Hinayaan ko nalang na maglaro ang mga pinsan ko. I opened my notebook and scanned my notes. Nakikita ko ang ilan na lumilingon sa gawi ko at bumababa ang tingin sa hawak kong notebook. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi nila makitang ngumingiti ako. I don't know. Natatawa ako kapag ang tingin nila sa akin ay isa akong malaking joke na nagbabasa habang nasa kalagitnaan ng basketball game.
Inangat ko ang ulo ko at tumama sa mata ko ang tingin ng isang lalaki pero mabilis din siyang umiwas. Napangiwi ako at napailing.
"You didn't shout for us!" Duff ranted. Tapos na ang game at panalo sila. Of course, sa laking tao nila, hindi pa ba sila mananalo?
"You know I don't shout." Sabi ko. Humalakhak sila.
"Yeah, prim and proper aright." Sabi ni Isidro. Habang naglalakad kami papunta sa canteen ng school ay nakikita ko ang paglingon ng mga estudyante sa amin. Bakit hindi? Sa tangkad ba naman ng mga kasama ko, sino'ng hindi makakapansin.
"May nakakainis na Grade 8 kanina." Sabi ni Israel nang makaupo kami. It's really awkward. Dito kami sa gitna ng canteen nakaupo. Isang lamesa na malaki at anim na upuan ang nandito.
"Sino doon?" Tanong ni Thaddeus. Hindi naman siya sinagot ni Israel. Si Kuya Yanter ay tumayo.
"Ako na bibili. Stay with Samore." Sabi n'ya sa mga pinsan kong naiwan sa table.
Panay ang kuwentuhan ng mga pinsan ko tungkol sa laro nila kanina. I can't understand what they're saying. Hindi nalang ako nagsalita.
Hinawakan ni Isidro ang iPhone niya at ngumisi habang nagtitipa. Napairap ako. Nang dumating si Kuya Yanter dala ang mga pagkain namin ay tinanggal nila ang mga bag nilang nakalagay sa ibabaw ng lamesa.
We prayed in silence before touching the food. Kahit walang mag-initiate sa amin na magdasal ay nagkakaniya-kaniya kami.
"Stop texting Isidro. We're eating," suway ko kay Isidro na ngayon ay hawak pa rin ang phone habang may hawak na kutsara.
"Fine, Lola." He answered. Tumawa lahat ng pinsan ko. My eyes widened.
"Wait, what?" Halos umusok na ang tenga ko sa tawa ng mga pinsan ko. Patuloy sila sa pagtawa habang kumakain ako ng Chopsuey. Of course, Kuya Yanter wouldn't let me eat junk foods.
"Ayon, oh. Nakakainis iyan. Narinig kong pinaguusapan nila si Samore noong kasama niya sa team." Tinignan ko si Israel. Nagdilim ang paningin niya. I admire his eyes. Kulay brown kasi iyon pero ngayon ay parang naging itim. Sinundan ko ng tingin kung saan nakapako ang mata niya.
Siya iyong lalaki kanina na nakatitigan ko. Magulo ang kaniyang buhok. Kahit na malayo ay halata kong mahaba ang pilik-mata niya. Matingkad din ang kulay ng kaniyang labi. Sigurado akong natural iyon. I couldn't help but stare at him.
"Samore, h'wag mong tignan." Thaddeus poked my shoulder. Nilingon ko naman ang mga pinsan kong ngayon ay nakatingin na sa akin.
"What? Hindi ko siya tinitignan." I lied.
"You think it's a good idea if I'll punch his face right now?" Tanong ni Duff habang pinapatunog ang buto sa kaniyang kamay.
"Yeah, yeah. That's a great idea," sang-ayon naman ni Israel na agad namang sinundan nina Isidro at Thaddeus.
"Stop that. I'm sure hindi lang naman siya ang may interes kay Samore. Halos lahat yata sa batch niya at dito sa school. Besides, he's not making a move yet." Sabi ni Kuya Yanter pagkatapos uminom ng juice. Tumango ako.
"You guys are overreacting!" Sabi ko sa kanila. Umiling sila.
"We're not. And it's normal. Nag-iisa kang babae sa pamilya, e," sabi ni Duff. Umirap nalang ako sa kawalan.
Ganito ang pakiramdam na nag-iisa ka lang na babae sa lahat ng magpipinsan. Oo nga't may mga pinsan akong babae sa side ni Papa pero hindi ko naman sila nakakasama dahil lahat sila ay nasa ibang bansa. So, I'm with these boys. Si Isidro at Israel ay kambal. Si Kuya Yanter naman ang kinikilala namin na pinakamatanda dahil siya ang first born sa amin. May kapatid pa siyang lalaki, si Greg. He's 2 years old. Si Duff at Thaddeus ay magkapatid.
"Finish your food, Samore. Mall tayo," sabi ni Thaddeus sa akin habang nakatingin sa pagkain ko. Bigla kasi akong kinabahan kanina nang makita ko iyong lalaki. He's not familiar. Or he is? Hindi ko naman kasi tinitignan lahat ng ka-batch ko.
Nangyari ang gusto ni Thaddeus. We went to the mall and they bought me a book. Hindi ko naman pinapabili iyon pero nang hinawakan ko ang bagong libro ni Lang Leav ay bigla nalang kinuha ni Kuya Yanter at binayaran nila. Panay pa ang tawa namin nang may isang grupo ng mga babae, siguro ay kaedad ko, ang nagpapa-cute sa mga pinsan ko. They even asked for their numbers but they refused.
"I think he's a stalker." Sambit ni Isidro habang lumilingon sa likuran namin. Kumunot ang noo ko sa sinasabi ng isang ito.
"He's here?" Tanong naman ni Kuya Yanter. Tumango ang mga pinsan ko sa kaniya. He? Who?
"I bet he likes Samore so much." Tumawa silang lahat sa sinabi ni Thaddeus.
"Who?" I asked. Tinuro sa akin ni Israel ang isang lalaki na sumusunod sa amin. Naka-jacket siya ng kulay itim at nakasuot ng hood.
"Kapag nakita mo 'yan na sumusunod sa'yo, text us asap, Samore." Sabi ni Duff. Humalakhak ako sa kanila. They're really overreacting!

BINABASA MO ANG
Fireside Playlist
Fiksi UmumSamore Munich Villareal is a simple but rich young girl from Tuñate. A place where you can find peace and serenity. Despite of being rich, she's taught by her parents to be meek and low-key. She's the definition of perfect. But what if one day, lif...