Masyadong nagiging busy si Marie dahil sasabak siya sa singing contest. Next week ay may magaganap na singing contest dito sa Arsuelez at napili siyang maging representative ng aming klase. Gusto niya sanang ako ang tutugtog pero hindi pupuwede iyon. Kailangan daw ay minus one ang gagamitin niya.
Kaya ngayon ay kasama ko si Clare at Ria rito sa classroom. Maayos naman silang kasama. Noong isang araw ay nilapitan ako ni Ria at nakipagkwentuhan sa akin. Palagi siyang nagpapatawa kun kaya't naging maayos naman ako sa kaniya.
"Punta tayo mamaya sa Tuñate National High School! Kain tayo ng street foods," ngiting aso si Ria habang sinasabi iyon. She's really jolly. Nanggaling siya sa mayamang angkan pero nakakagulat na hindi siya umaastang mataas.
"Ayoko, 'no! Madumi iyon!" Maarteng sabi ni Clare. Ngumiti ako.
"Hindi ka naman mamamatay sa isang kainan!" Ginaya ni Ria ang tono ng boses ni Clare. Tumawa kami dahil doon. They're fun to be with. Pero mas maganda kung nandito si Marie.
Marami akong nalaman simula noong naging kaibigan ko sila Ria. Sinabi niya sa akin na halos lahat ng kaklase naming lalaki, ay kung hindi si Marie, ako ang gusto. Natatawa ako sa ganoon. It would be better kung si Marie nalang. Nalaman ko rin na natatakot silang makipagusap sa akin dahil mukha akong mataray. Nagulat ako nang malaman ko iyon! Hindi ko alam na ganoon pala ang iniisip nila sa akin. Natatakot daw sila dahil baka magkamali sila sa sasabihin at dahil matalino raw ako, baka hindi ko magustuhan ang sasabihin nila.
"You're intelligent kasi, Samore. Nasa middle class lang ang utak namin!" Sinabi iyon sa akin ni Clare sa isang conyo na linguwahe. Tumawa ako sa kaniya.
"I'm not," iling na sabi ko. Ayaw ko talagang nasasabihan ako ng ganoon. I'd rather be meek and low-key.
Clare is kind of maarte. Natural naman iyon dahil mayaman talaga sila. But at least, she's not spoiled. Marunong siyang makisama kahit na nag-iinarte siya sa halos lahat ng bagay. Ria is fun to be with. She's the opposite of Clare. Malaya siyang tumatawa ng malakas at alam niya kung paano magbiro. I admire them for being true to me. Ayaw ko kasi iyong kinakaibigan lang ako dahil Escribañe-Villareal ako.
"Ano, game? Isang beses lang naman!" Hindi pa rin tumitigil si Ria. Kaonti nalang ay mukhang mapapapayag na niya si Clare. Kinabahan tuloy ako.
"Tanungin mo muna si Samore kung gusto niya," humalukipkip si Clare kay Ria. Sa akin naman natuon ang pansin ni Ria.
"Hmm, tatanungin ko muna," sabi ko. Nilabas ko ang iPhone na regalo ni Papa sa akin noong nakaraang birthday ko. Sabi ko ay iyong mababang halaga na android phone nalang. But of course, hindi naman sila papayag doon.
Nagtipa ako ng mensahe para sa kay Mama. Nagpaalam ako kung puwedeng dumaan kami ng mga kaibigan ko sa Tuñate National High School at kakain kami ng street foods.
Mama:
Sino'ng kaibigan? Okay. Minsan lang iyan, ha.
Nireplyan ko ulit si Mama at nagpasalamat sa desisyon niya. Masyado tuloy akong excited! First time ko ito at sa wakas, matitiknan ko na ang pagkain na iyon.
"Sige, pumayag na.." sabi ko sa kanila. Mukhang masaya si Ria sa naging desisyon naming dalawa ni Clare.
"Sino? Boyfriend mo ba, Samore?" Humagikhik si Clare sa tanong niya. Ngumiwi ako. Kahit kailan ay hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend!
"Wala akong ganoon," sabi ko. Hindi naniniwala ang mga mata nilang dalawa. Really?!
"Sus! Sa ganda mong 'yan? I think, you're the definition of perfect! Maganda, mayaman, matalino, mabait. You're everything!" Pumalakpak pa si Ria sa sinabi niya. It's like she's proud. Ewan ko sa mga ito. I'd rather shut up.

BINABASA MO ANG
Fireside Playlist
Narrativa generaleSamore Munich Villareal is a simple but rich young girl from Tuñate. A place where you can find peace and serenity. Despite of being rich, she's taught by her parents to be meek and low-key. She's the definition of perfect. But what if one day, lif...