Umihip ang malakas na hangin. Hudyat ito na rainy season na. Hinayaan kong nakabukas ang bintana ng kwarto ko. I could see the perfect view of the trees. I like the simplicity of Tuñate. Kahit na hindi ito siyudad gaya ng Manila, mas maganda pa rin dito. Kahit ano mang mangyari ay hindi ko ipagpapalit ito. I've been to Manila. Ilang beses na. Kahit sa New York. Pero mas gusto ko pa rin dito.
"Mag-breakfast kana, Samore.." Nilingon ko ang nakatayong babae sa pintuan ng aking kwarto. Hindi ko na sinira iyon.
"Oo, Ate Len.." Sagot ko at inayos na ang gamit ko. Pangalawang linggo na ng klase at hindi ako gaanong sanay sa oras. Mas maaga na kasi ngayon. Kung dati ay 8o'clock, ngayon, 7 AM na.
Nang bumaba ako ay nadatnan ko sila Mama at Papa sa hapag. Nag-uusap sila at natigil nang makita akong dumating.
"Morning po.." I greeted. Nakipagbeso ako sa kanila. Naramdaman ko agad ang gutom nang makita ko ang mga pagkaing nakahain. Mayroong bacon, egg, fried rice, at hamonado. Napangiti ako nang makitang ang hot chocolate ko ay may lumulutang na marshmallow sa ibabaw.
"Is everything okay?" Tanong ni Papa sa akin. Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain. Sobrang sarap ng bacon at hindi ko maipaliwanag kung bakit!
Inayos ko ang uniform ko. Hanggang tuhod ang pencil cut na palda. Kulay dark blue iyon na stripes. Ang pang-itaas naman ay long sleeve na puti. Sinamahan din ito ng stripes na necktie. Pinasadahan kong muli ang suot ko at tumayo na.
"I'm going, Ma, Pa.." sabi ko at agad humalik sa kanilang dalawa. Narinig kong pinaandar na ni Mang Rowel ang sasakyan. Malayo ang nilakad ko papunta sa main door ng bahay galing sa dining area.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa akong ihatid kahit na medyo malapit lang naman ang Arsuelez sa bahay. Pupuwede naman akong mag-tricycle. I'd ask my parents about that. Sayang lang kasi sa gasolina at pagod ng driver.
Humilig ako sa aking upuan. Wala pa kasi si Miss Ciudad. Inaantok ako pero napagdesisyunan ko nalang kunin ang libro sa bag ko. The title of the book is Landline by Rainbow Rowell. Ibinuklat ko iyon sa may naka-ipit na bookmark. This book is great! Really.
"What's that?" Nilingon ko ang nagsalita sa gilid ko. Nakataas ang kilay ni Demarcus sa akin at nakaturo sa librong hawak ko. I stared at him.
"As you can see, this is a book," I don't wanna be rude. Pero kapag naiisip ko iyong eksena sa mall ay naiinis ako sa kaniya.
"Didn't know you're that sarcastic," ngumisi siya sa akin. Hinayaan ko nalang. Wala naman na akong masasabi. I'm not sarcastic! I just hate you!
"What's the plot of the story?" Hindi pa rin siya tumitigil. I diverted my attention to him. Ngayon ay titig na titig siya sa akin. I shifted my gaze. Hindi ko yata kayang makipagtitigan sa kaniya.
"Uh, it's all about a landline. Kapag ginamit mo, ay makakausap mo ang mga tao galing sa nakaraan," sabi ko. Pero hindi ko pa tapos kaya hindi pa ako makapagbigay ng kumpletong impormasyon. Tumango naman siya sa akin.
"Can I borrow that book?" Tanong niya sa akin. Medyo nagulat pa ako roon. Sa gulat ko ay napatango nalang ako. Ngumiti siya at tumalikod. Pumunta na siya sa upuan niya sa likuran.
Nang lunch time ay pumunta kami ni Marie sa canteen. Nagtext sa akin si Thaddeus na sumabay na kami sa kanila. Ayaw pa sana ni Marie pero napilit ko naman siya.
"Hey. What do you want to eat?" Tanong agad sa akin ni Kuya Yanter nang makaupo kami. As always, tumitingin nanaman ang mga estudyante sa amin. Mostly girls. Sigurado akong sa mga pinsan ko sila tumitingin.
"Any. I'm not hungry," ngumuso ako. Tinanong niya rin si Marie at sinagot naman siya ni Marie. Duff is busy texting. Nilingon ko ang katabi kong si Marie at masama ang tingin sa katapat niyang si Duff.

BINABASA MO ANG
Fireside Playlist
Narrativa generaleSamore Munich Villareal is a simple but rich young girl from Tuñate. A place where you can find peace and serenity. Despite of being rich, she's taught by her parents to be meek and low-key. She's the definition of perfect. But what if one day, lif...