Chapter 5

1.6K 33 49
                                    

Kakatok sana ako pero parang may naririnig akong sumisigaw sa loob kaya pinihit ko ng dahan dahan yung doorknob at nagulat ako sa sunod kung nakita

Pwede ba hindi ako tanga, at hindi na ako mag papakagago sayo ang dami ng beses mong nagawa sa akin to, madaming beses na rin kitang pinatawad at kinalimutan kung ano man yung mga punyetang ginagawa kasi mahal kita, pero hanggang kailan mo ba ako gagaguhin at loloko ng ganito ha! Sabihin mo! 

Sabay palo ni jho sa guy pero pinipilit yakap nung guy si jho pero pumiglas ito.


I'm sorry please let me explain, magbabago na ako


Punyeta naman abraham oh! Kung sa tingin mo yang sorry mong yan makakapag ayos sa relasyon natin, pwes nagkakamali ka. Halos taon taon mo na yatang linya yan e. Mag bago ka naman! Matauhan ka naman! hindi kami laruan na dapat mong kolektahin. Kaya please lumayas kana. At wag na wag ka ng magpapakita sa akin at wag ka na din babalik kasi wala ka ng babalikan kasi tapos na tayo.

Ni isang patak ng luha ni jho, wala akong nakita, pero kitang kita ko yung lungkot at galit sa mga mata ni jho.

Gusto kong sapakin yung guy kasi sinaktan niya si jho.

Wala akong magawa, kaya nagdesisyon nalang akong lumabas ulit

Dahan dahan akong lumakad pero sa katangahan ko nanaman bigla akong natapilok at biglang napaaray sa sakit

Araaaaaay!! I shouted

Wow! Galing talaga ni Isabel, star of the night talaga.

Agad namang lumingon si jho kung saan ako naroroon at tinulungan na akong tumayo.

"Baby! Are you okay?" She said na nakita ko kung gaano siya nag alala sa akin at napatango lang ako at bigla niya akong tinulungang tumayo

Tama ba yung narinig ko?!

She called me baby?!

Biglang tumibok ng mabilis yung puso ko at agad nanlamig yung kamay ko feeling ko namumula na rin yung mga pisngi ko.

Pero act normal isabel relax!

"Trust  me on this okay?" She said

Huh? Anong ibig niyang sabihin?

I always trust you naman jho e.

"This is my girlfriend pala, kaya please tigilan mo na ako at umalis kana dito!" She proudly said sabay hawak sa kamay ko

Ewan ko kung anong mararamdaman ko galit dahil sa hinayupak na lalaking to o kilig dahil sa diwatang katulad ni jho.

"What?! You're joking right? Wag naman ganito jhoana, mapag uusapan pa naman natin to diba?" Tumawa siya ng very slight lang then hinawakan yung kamay ni jho

"Bro! Hindi ka ba marunong umintindi?" I said sabay hila sa kamay ni jho at naging dahilan ng pag kakatanggal sa kamay ni abraham.

"Pwede wag kang mangielam dito" Akmang aambahan na sana ako ni abraham pero bigla siya tinulak ni jho

"Hindi pa tayo tapos!" Pasigaw na sabi ni abraham sabay walk out at umalis na

Agad ko nalang pinaupo si jho sa sofa at kinuha siya ng maiinom

Nagulat ako ng makita kong umiiyak na si jho, agad ko siyang niyakap para icomfort siya

"Ang tanga tanga tanga ko!"  She said at agad akong umiling ng paulit ulit

Everything will be okay (ON HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon