Chapter 13

919 14 1
                                    



At dahil dito matutulog di jho ngayon niyaya ko na agad siya sa kwarto ko tska binigyan ko na din siya ng pampalit at bagong toothbrush para magamit niya ng makapag ayos na kami.

Kasalukuyan kaming nakasandal sa headboard ng bed ko habang nag kkwentuhan.

Patuloy parin bumubuhos ang malakas na ulan

Kasabay ng malakas na ulan ang pagkulog ng madalas

Actually medyo takot din ako sa kulog lalo na kapag malakas

Pero kong bawat kulog ba naman ay mapapayakap sa akin tong si jhoana

Aba! Parang gusto kong kumulog nalang ng kumulog

"Bea! Nakakaasar yung kulog napapayakap tuloy ako sayo, pasensya na ha may trauma kasi ako dyan e" Ay nako jho okay lang kung alam mo lang kung anong nararamdaman ko everytime na yayakap ka mas matindi pa sa tinamaan ng kidlat sa sobrang lakas ng sparks sa katawan ko.

"Okay lang jho. Oo nga pala I heard you said na trauma ka? Sa kulog? Bakit?" Nagtatakang tanong ko

Bigla naming napayuko si jho ng matanong ko yun. Humingi siya ng malalim bago muling magsalita

" Ah kasi Grade 4 lang ako nun, kasama ko yung sister at cousin ko, ugali na kasi naming maligo sa ulan lalo na kapag malakas" Napalingon ako sa kanya at bahagyang nakangiti siya " Uso kasi yun sa probinisya namin para bang di kumpleto childhood mo kung di ka pa nakakaligo sa ulan" Tumawa siya pero tipid then ipinagpatuloy niya ang kwento niya

"Then nung araw na yun, habang nag lalaro at nagbabasaan kami sa paliligo ulan. Di ko inaasahang yung mga sumunod na nangyare. Biglang nalang kaming nakarinig ng malakas na kulog at biglang kumidlat then bigla nalang kaming tumumba sa kinatatayuan namin"

Kahit di ko kita ang mukha ni jho tanging sa peripheral view ko lang siya naaaninang dahil nga magkatabi kami at parehas na nakatingin lang sa Tv, ramdam na ramdam ko pa din ang nararadaman ni jho dahil sa tono palang ng boses niya halata mong malungkot siya. Now I know kung bakit siya takot na takot sa kulog. Nang lingonin ko si jho nakita ko kung paano tumulo ang luha niya mula sa mga mata niya

Agad ko siyang hinila ng marahan palapit sa akin at ginamit ang thumb ko para punasan ang mga ito

Magsasalita na dapat ako ng biglang siyang umayos ng upo at pinunasan ang kanyang mga luha at muling ipinagpatuloy ang kwento niya.

"Nag malay na ako nun nung nasa ospital na ako. Sa una di ko maalala ang nangyare at kung bakit ako nasa ospital nun hanggang sa dumating ang mama't papa ko na sobrang nag alala sa akin kaya agad nila akong niyakap. Tinanong ko kung saan ang kapatid at pinsan ko kasi bigla ko ng naalala yung mga nangyare" Bigla naming tumigil ng mga ilang Segundo si jho. Agad ko siyang nilingon at baka umiiyak nanaman siya pero nakita ko nakayuko lang siya at biglang niyang inayos ang buhok niya gamit ang kanang kamay at binasa ang kanyang labi at ipinagpatuloy niya ang kwento niya

"Then ang di ko makalimutang linya nun na galing sa mama ko ng sagutin niya ang tanong ko "Anak wala si tin tin pero ang kapatid mo nasa mabuti na siyang kalagayan, Salamat sa Diyos at nagising kana" Pag ka sambit ni mama niyan bigla nalang siyang umiyak at napaluha na din ako sa nanagyare sa pinsan ko. Alam mo feeling ko nga kasalanan ko kung bakit nangyare yun sa kanya e. Kung di ko siya niyaya di naman mangyayare yun e" At hindi na napigilan ni jho ang lumuha kaya agad ko siyang niyakap at hinimas ang kanyang likuran

"Shhh, Don't blame yourself, everything happens for a reason kaya wag mong sisishin ang sarili mo malay mo kaya pala siya kinuha agad ni God kasi may magandang rason, for now we don't know yet pero darating ang araw na malalaman din natin yun"

Ramdam ko ang pag tango ni jho sa bawat salita na sinabi ko at ramdam na ramdam ko ang paghahabol ni jho ng kanyang hininga dahil sa pag iyak. Agad akong lumipat sa kanyang harapan and I cupped her face and I used again my thumbs para punasan ang kanyang mga luha

"Wag ng umiyak ha, di bagay sayo tignan mo ang uhugin mo na" I tried to make her laugh buti naman at I succeed napangiti naman ako ng bigla siya natawa sa sinabi ko "I like when you laugh because your laugh is the cutest sound for me kaya tawa at mag smile ka lang lagi ha" I said and I kissed her forehead and I saw how cute she looks when she blushes after that forehead kiss.

"Oy kinilig siya" Pang aasar ko sa kanya at agad naman niya akong hinampas ng unan

" Wag ka nga dyan bea" She said at napansin ko na lagi na siyang humihikab kaya agad na akong nagyayang matulog at pinatay ko na ang ilaw tangang bed lights nalang ang gumagana

Nang nakahiga na kami bigla nanamang kumulog ng malakas kaya biglang napayakap ulit sa akin si jho, kaya nakasiksik na siya sa leeg ko habang ang braso ko ang nagsisilbing mga unan niya.

"Can we sleep like this?" Oo naman jho, gusto ko ng nakaganito ka sa akin kung pwede ayoko ng umalis ka sa pagkakayakap sa akin gagawin ko e.

"O- o naman, Sleep kana dito lang ako sa tabi mo. Don't think too much. Goodnight jho" I said then for the second time I kissed her forehead again at hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Hays sana hindi na mag umaga gusto ko ganito lang tayo all day.

"Goodnight bea"

---------------------------------------------------------------------------------------

I'm sorry my dear readers for super duper late UD. Walang iwanan hanggang huli salamat guys love you all

Comment and Vote


Everything will be okay (ON HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon